Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Hosea 8

Hosea Rango:

26
Mga Konsepto ng TaludtodGumagawang MagisaMaiilap na mga AsnoHilagang Kaharian ng Israel

Sapagka't sila'y nagsiahon sa Asiria, na parang isang mailap na asno na nagiisa: ang Ephraim ay umupa ng mga mangingibig.

38
Mga Konsepto ng TaludtodAsal Hayop na PamumuhayAltar, PaganongPaglago ng KasamaanAltar, MgaAng Pagpasok ng Kasalanan

Sapagka't ang Ephraim, ay nagparami ng mga dambana upang magkasala, ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala.

40
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon sa mga Israelita

Oo, bagaman sila'y umuupa sa gitna ng mga bansa, akin nga silang pipisanin ngayon; at sila'y mangagtitigil na kaunting panahon ng pagpapahid ng langis sa hari at mga prinsipe.

66
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayKinalimutanLungsod na Pinaliligiran ng mga MuogPagtatatagPaglago ng KasamaanPagkawasak ng mga KabahayanPagsunog sa mga LungsodNilikhang Sangkatauhan

Sapagka't nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; nguni't magsusugo ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon.

71
Mga Konsepto ng TaludtodBanyagang mga BagayAng Kautusan ay Ibinigay sa IsraelLumang Tipan, Pahayag ng Inspirasyon sa

Sinulat ko para sa kaniya ang sangpung libong bagay ng aking kautusan; kanilang inaring parang katuwang bagay.

86
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nakakaalala ng KasalananHindi Nagbibigay Lugod sa Diyos

Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin, sila'y nangaghahain ng karne, at kinakain nila; nguni't ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan; sila'y mangababalik sa Egipto.

103
Mga Konsepto ng TaludtodMasama, Babala laban saAsal Hayop na PamumuhayPagtatanim at PagaaniHindi PagbubungaLagay ng Panahon bilang Hatol ng DiyosIpoipoHanginBunga ng KasalananInaaniHindi Inaani ang Iyong ItinanimPaghihirap mula sa mga BanyagaBagyo, MgaInaani ang iyong ItinanimPagtatanim

Sapagka't sila'y nangagsasabog ng hangin, at sila'y magsisiani ng ipoipo: siya'y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina; at kung maglaman, ay lalamunin ng mga taga ibang lupa.

106
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggi sa DiyosTrumpetaPakpakIbon, Uri ng mgaAgilaTrumpeta para sa Pagbibigay HudyatPaglabag sa TipanPaglabag sa Kautusan ng Diyos

Ilagay mo ang pakakak sa iyong bibig. Gaya ng isang aguila dumarating siya laban sa bahay ng Panginoon, sapagka't kanilang sinuway ang aking tipan, at nagsisalangsang laban sa aking kautusan.

139
Mga Konsepto ng TaludtodGinto

Sila'y nangaglagay ng mga hari, nguni't hindi sa pamamagitan ko; sila'y nangaglagay ng mga prinsipe, at hindi ko nalaman: sa kanilang pilak at kanilang ginto ay nagsigawa sila ng diosdiosan, upang sila'y mangahiwalay.

144
Mga Konsepto ng TaludtodKadalisayan, Moral at Espirituwal naTanggihan ang mga BagayBago Kumilos ang Taong-BayanDiyos na Laban sa Idolatriya

Kaniyang inihiwalay ang iyong guya, Oh Samaria; ang aking galit ay nagaalab laban sa kanila: hanggang kailan sila ay magiging mga musmos.

150
Mga Konsepto ng TaludtodNilunokMga Banyaga na Kasama sa Taong Bayan

Ang Israel ay nalamon: ngayo'y nasa gitna siya ng mga bansa na parang sisidlang hindi kinalulugdan.

154
Mga Konsepto ng TaludtodBasag na mga Bagay

Sapagka't mula sa Israel nanggaling ito; ito'y ginawa ng manggagawa, at ito'y hindi Dios; oo, ang guya ng Samaria ay magkakaputolputol.

155
Mga Konsepto ng TaludtodKunwaring Pagpapahayag

Sila'y magsisidaing sa akin, Dios ko, kaming Israel ay nangakakakilala sa iyo.

159
Mga Konsepto ng TaludtodHinahanap na mga TaoTalikuran ang mga Bagay ng Diyos

Itinakuwil ng Israel ang mabuti: hahabulin siya ng kaaway.