Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 2

Isaias Rango:

37
Mga Konsepto ng TaludtodAraw, Huling mgaAng Huling mga Araw ng PanahonPangalan at Titulo para sa IglesiaPahayag sa HinaharapAng Templo sa LangitJerusalem sa Milenyal na KaharianPropesiya sa Huling PanahonKatapusan ng mga ArawHuling Panahon

At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon.

43
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomPinuputulanNag-aararoSeguridadSibat, MgaKagamitanDigmaan, Katangian ngSandata, MgaBansa, MgaKapayapaan, Bunga ngPagsasaalis ng SandataMessias, Propesiya tungkol saDiyos na Gumagawa ng KapayapaanMilenyal na Kaharian, Pangkalahatang Kapayapaan at Pagpapala

At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma.

103

Ang salita na naalaman ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem.

138
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakadDiyos na Nagbibigay Liwanag

Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo'y magsilakad sa liwanag ng Panginoon.

159
Mga Konsepto ng TaludtodPagtalikod sa mga KaibiganPinabayaanPanghuhula, Pagsasagawa ngJacob bilang PatriarkaPagano, MgaSinkretismoMula sa SilanganKaugnayan sa mga BanyagaDayuhan

Sapagka't iyong binayaan ang iyong bayan na sangbahayan ni Jacob, sapagka't sila'y puspos ng mga kaugaliang mula sa silanganan, at mga enkantador gaya ng mga Filisteo, at sila'y nangakikipagkamay sa mga anak ng mga taga ibang lupa.

177
Mga Konsepto ng TaludtodDaliri, MgaPagyukodPuspusin ang mga LugarPoliteismoPagsamba sa Diyus-diyusanNananambahan sa Diyos

Ang kanila namang lupain ay puno ng mga diosdiosan; kanilang sinasamba ang gawa ng kanilang sariling mga kamay, na ginawa ng kanilang sariling mga daliri.

179
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheGintoKabayo, MgaPuspusin ang mga LugarPilakTinustusan ng SalapiPagkakaroon ng Maraming KabayoPagkamit ng Kayamanan

Ang kanilang lupain naman ay puno ng pilak at ginto, ni walang wakas ang kanilang mga kayamanan; ang kanila namang lupain ay puno ng mga kabayo, ni walang katapusang bilang ang kanilang mga karo.

193
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PANGINOONKalakalHamakPagbagsak ng MayabangAng Araw ng KahatulanDiyos na Laban sa mga PalaloPagiging Mapagpakumbaba

Sapagka't magkakaroon ng isang kaarawan ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat na palalo at mapagmataas, at sa lahat na nagmamataas; at yao'y mabababa:

194
Mga Konsepto ng TaludtodMapagmataasKapalaluanPagiging MapagpakumbabaKayabangan

At ang kahambugan ng tao ay huhutukin, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mabababa: at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon.

197
Mga Konsepto ng TaludtodHindi PagpapatawadDiyos na Hindi Nagpapatawad

At ang taong hamak ay yumuyuko, at ang mataas na tao ay nabababa: kaya't huwag mong patawarin sila.

198
Mga Konsepto ng TaludtodKapakumbabaanKatigasan, Bunga ngKayabangan, Parusa laban saPagpapakababa sa PalaloPagiging Mapagpakumbaba

Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay mabababa, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok, at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon.

226
Mga Konsepto ng TaludtodOak, Mga Puno ng

At sa lahat ng cedro ng Libano, na matayog at mataas, at sa lahat ng encina ng Basan;

237
Mga Konsepto ng TaludtodYungibMaysala, Takot ngMga Taong nasa KuwebaNanginginigMga Taong TumatakasKatatakutan sa DiyosMga Butas sa LupaAng DaigdigPagtatagoSinusubukan

At ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato, at sa mga puwang ng lupa, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.

242

At sa lahat ng matataas na bundok, at sa lahat ng mga burol na nangataas;

246
Mga Konsepto ng TaludtodDaigdig, Kahatulan saMga Taong nasa KuwebaNanginginigKatatakutan sa Diyos

Upang pumasok sa mga puwang ng malalaking bato, at sa mga bitak ng mga malaking bato, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya'y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.

247
Mga Konsepto ng TaludtodMandaragat

At sa lahat ng mga sasakyang dagat ng Tarsis, at sa lahat ng maligayang bagay.

254

At sa bawa't matayog na moog, at sa bawa't kutang nababakod:

275
Mga Konsepto ng TaludtodGintoTinataponHayop, Uri ng mgaPanikiNunal, MgaPagtalikod sa mga Diyus-diyusan

Sa kaarawang yaon ay ihahagis ng mga tao ang kanilang mga diosdiosang pilak, at ang kanilang mga diosdiosang ginto, na kanilang ginawa upang sambahin, sa yungib ng mga bilig at ng mga paniki;

357
Mga Konsepto ng TaludtodPagakyatPagkakaalam sa Pamamaraan ng DiyosPamamaraan ng DiyosPakikibahagi kay CristoPaglalakbay, Banal naPagbangon, SamahangPaglalakadSalita ng DiyosPangalan at Titulo para sa IglesiaLandas ng KatuwiranDiyos bilang GuroPapunta sa Taas ng BundokDiyos na NagtuturoAng Kautusan ay Ibinigay sa IsraelMilenyal na PaghahandogLandas, Mga

At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.