Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 38

Isaias Rango:

428
Mga Konsepto ng TaludtodKabahayan, MgaPropesiya, Katuparan sa Lumang TipanPropeta, Gampanin ng mgaKahandahanPaghihirap, Katangian ngIsinasaayosNalalapit na KamatayanMaysakit na isang TaoKamatayan na MangyayariPinangalanang mga Propeta ng PanginoonKamatayanKaramdamanPagkamatayKamatayan ng isang Kaanib ng PamilyaKamatayan ng isang BataPagbutiKaramdaman

Nang mga araw na yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amoz ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong sangbahayan; sapagka't ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay.

582
Mga Konsepto ng TaludtodLibinganPagasa, Katangian ngPagasa, Bunga ng KawalangSheolHindi Nagpupuri sa DiyosKalagayan ng mga PatayKamatayan ng mga Mahal sa BuhayPagdiriwangPagkawala ng Mahal sa Buhay

Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan.

592
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalikPaghihirap ng mga MananampalatayaPagiging Masama ang LoobDiyos na NagpapatawadHukay na Sagisag ng KalungkutanPagasa sa Oras ng KagipitanKapaitanKorapsyon

Narito, sa aking ikapapayapa ay nagtamo ako ng malaking paghihirap: Nguni't ikaw, sa pagibig mo sa aking kaluluwa ay iyong iniligtas sa hukay ng kabulukan; Sapagka't iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan sa iyong likuran.

666
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanTarangkahan ng KadilimanMaagang KamatayanBuhay na Pinaikli

Aking sinabi, Sa katanghalian ng aking mga kaarawan ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol: Ako'y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon.

752
Mga Konsepto ng TaludtodAstronomiyaLiwanag, KaraniwangAnino, MgaHagdananAng ArawAraw, Orasan Gamit angSampung BagayHakbangIlagay sa Isang LugarPagbutiEklipsePaglaho ng Araw

Narito, aking ipauurong ang anino sa mga baytang, ng sangpung baytang, na aninong pinababa sa mga baytang ni Ahaz sa pamamagitan ng araw, Sa gayo'y umurong ang araw ng sangpung baytang sa mga baytang na binabaan.

809
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga MagulangPagiging GuroEdukasyon sa TahananMga Bata, Pangangailangan ngMagulang sa mga Anak, Tungkulin ngPamanaBuhay na mga BagayPagtuturo sa mga Bata

Ang buhay, ang buhay, siya'y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito: Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan.

860
Mga Konsepto ng TaludtodPagbuti

Ang sulat ni Ezechias na hari sa Juda, nang siya'y magkasakit, at gumaling sa kaniyang sakit.

953
Mga Konsepto ng TaludtodPagdaragdag ng Pagpapala15 hanggang 20 mga taonDiyos, Panalanging Sinagot ngDiyos na Nagbigay Pansin sa AkinPagbutiKaramdamanKalusugan, Pangangalaga sa

Ikaw ay yumaon, at sabihin mo kay Ezechias, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong magulang, Aking dininig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking idaragdag sa iyong mga kaarawan ang labing limang taon.

982
Mga Konsepto ng TaludtodKalapati, MgaPanghihina ng LoobPanalangin sa Oras ng Panghihina ng LoobLangay-langayanMga Sanhi ng Pagkabigo sa…

Gaya ng langaylangayan o ng tagak, humihibik ako; Ako'y tumangis na parang kalapati: ang aking mga mata ay nangangalumata sa pagtingala; Oh Panginoon, ako'y napipighati, ikaw nawa'y maging tangulan sa akin.

1007
Mga Konsepto ng TaludtodPuno ng IgosKatawanDoktor, MgaKaramdaman, MgaBukol at UlserGamotIgosPagbutiPaltos at Pamamaga

Sinabi nga ni Isaias, Magsikuha sila ng isang binilong igos, at ilagay na pinakatapal sa bukol, at siya'y gagaling.

1016
Mga Konsepto ng TaludtodPagpupuri, Ugali at PamamaraanKuwerdasDiyos ng Aking KaligtasanInstrumento, Mga

Ang Panginoon ay handa upang iligtas ako: Kaya't aming aawitin ang aming mga awit sa mga panugtog na kawad, Lahat ng kaarawan ng aming buhay sa bahay ng Panginoon.

1040
Mga Konsepto ng TaludtodTanda mula sa Diyos, Mga

At ito ang magiging pinaka tanda sa iyo na mula sa Panginoon, na gagawin ng Panginoon ang bagay na ito na kaniyang sinalita,

1074
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan, Halimbawa ngKatapatanIba pa na TumatangisIsang Tao, Gawa ngPagtatalaga

At nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo; Oh Panginoon, na iyong alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso, at gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak ng di kawasa.

1088
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang TagapagligtasTanggulang Gawa ng DiyosDiyos na Nagtatanggol

At aking ililigtas ikaw at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria: at aking ipagsasanggalang ang bayang ito.

1091
Mga Konsepto ng TaludtodPagbangon, Personal naPagbuti

Oh Panginoon, sa pamamagitan ng mga bagay na ito, nabubuhay ang mga tao; At buong nasa ilalim niyan ang buhay ng aking diwa: Kaya't pagalingin mo ako, at ako'y iyong buhayin.

1118
Mga Konsepto ng TaludtodMangagawa ng SiningBuhay ng TaoPisikal na BuhayNananahiMga Taong NagwakasBuhay na PinaikliBuhay bilang Pansamantala

Ang tirahan ko'y inaalis, at dinadala na gaya ng tolda ng pastor: Aking pinupulon ang aking buhay, na gaya ng pagpupulon ng manghahabi; kaniyang ihihiwalay ako sa habihan: Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako.

1185
Mga Konsepto ng TaludtodPader, MgaPagbuti

Nang magkagayo'y ipinihit ni Ezechias ang kaniyang mukha sa panig, at nanalangin sa Panginoon,

1209
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Nakikita ang Diyos

Aking sinabi, hindi ko makikita ang Panginoon, ang Panginoon sa lupain ng buhay: Hindi ko na makikita pa ang tao, na kasama ng mga nananahan sa sanglibutan.

1214
Mga Konsepto ng TaludtodLiwaywayButo, Mga BalingDiyos na Tulad ng LeonGaya ng mga NilalangMga Taong Nagwakas

Ako'y tumigil hanggang sa kinaumagahan; katulad ng leon, gayon niya binabali ang lahat kong mga buto: Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako.

1260
Mga Konsepto ng TaludtodKapakumbabaanKapaitan

Anong aking sasabihin? siya'y nagsalita sa akin, at kaniya namang ginawa: Ako'y yayaong marahan lahat kong taon, dahil sa paghihirap ng aking kaluluwa.

1273
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanap ng TandaPaghahanap ng Tanda

Sinabi rin ni Ezechias, Ano ang tanda na ako'y sasampa sa bahay ng Panginoon?

1275
Mga Konsepto ng TaludtodSalita ng Diyos

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Isaias, na nagsasabi,