Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 50

Isaias Rango:

467
Mga Konsepto ng TaludtodUtangDiborsyo sa Lumang TipanKatibayan ng DiborsyoPamimili at PagtitindaKaimperpektuhan at Panukala ng DiyosPag-aasawa sa Pagitan ng Diyos at ng Kanyang BayanIna bilang SagisagBatas ng PaghihiwalayIna, Mga

Ganito ang sabi ng Panginoon, Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kaniya? o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili kayo, at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina.

471
Mga Konsepto ng TaludtodPananampalataya, Kinakailangan angSakitPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayNagtitiwala sa DiyosMagtiwala sa Diyos!Diyos bilang Pansin ng Pananampalataya

Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, at umasa sa kaniyang Dios.

496
Mga Konsepto ng TaludtodPuyusanHindi NahihiyaPagiingat mula sa DiyosKatatagan, Halimbawa ngPaninindiganBuong PusoDiyos na Tumutulong!PagkaunsamiNananatiling Malakas sa Oras ng Kabigatan

Sapagka't tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, at talastas ko na hindi ako mapapahiya.

733
Mga Konsepto ng TaludtodKatuyuanProbidensyaSawayKaragatanAng Kaiklian ng PanahonDiyos, Kahinaan ngDiyos na Tinutuyo ang mga Bagay-bagayWalang Sinuman na MaariIba pa na Hindi Sumasagot

Bakit, nang ako'y parito, ay walang tao? nang ako'y tumawag, ay walang sumagot? naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos? o wala akong kapangyarihang makapagligtas? Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat, aking pinapaging ilang ang mga ilog: ang kanilang isda ay bumabaho, sapagka't walang tubig, at namamatay dahil sa uhaw.

760
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigPagtanggap ng TuroAng Kakayahan na MakinigKami ay SusunodPaghihimagsik

Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako'y hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man.

825
Mga Konsepto ng TaludtodBunga ng KasalananAng Paghihirap ng MasamaTadhana

Narito, kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy, na kumukubkob ng mga sulo: magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy, at sa gitna ng mga sulo na inyong pinagalab. Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay; kayo'y hihiga sa kapanglawan.

963
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ay Nasa Lahat ng DakoDiyos, Katuwiran ngKaligtasan, Katangian ngKalapitan sa DiyosDiyos, Paghihiganti ngAkusaPagtatanggol

Siya'y malapit na nagpapatotoo sa akin; sinong makikipaglaban sa akin? tayo'y magsitayong magkakasama: sino ang aking kaaway? bayaang lumapit siya sa akin.

1078
Mga Konsepto ng TaludtodPananamitPagiging MatulunginInsektoMasama, Inilalarawan BilangGamo GamoMga Taong Kinain ng UodMga Taong PagodWalang KahatulanDiyos na Tumutulong!

Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin sila ng tanga.

1189
Mga Konsepto ng TaludtodKadiliman, KaraniwangKaitimanSako at AboHimpapawidKulay, Itim na

Aking binibihisan ng kaitiman ang langit at aking ginagawang kayong magaspang ang kaniyang takip.