Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 58

Isaias Rango:

46
Mga Konsepto ng TaludtodPamatokPaano Mag-ayunoMga Taong Pinapalaya ang IbaKawalang KatarunganPagaayunoPagaayuno at PananalanginPatulin ang KadenaPagpapalaya

Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang?

70
Mga Konsepto ng TaludtodSabbath sa Lumang TipanPagsasalaula ng KabanalanSabbath, Pangingilin sa

Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita:

86
Mga Konsepto ng TaludtodPagaalanganSumisigawMinistro, Paraan ng Kanilang PagtuturoTrumpeta para sa Pagbibigay HudyatAnong Kasalanan?DamdaminPaghihimagsikHindi Paggalang sa Diyos

Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.

412
Mga Konsepto ng TaludtodGiba, MgaPader, MgaArkeolohiyaNasayang na Lugar, Pagpapanumbalik ng mgaInaayosMga TulayMuling Pagtatatag

At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.

442
Mga Konsepto ng TaludtodDaliri, MgaPanawagan sa DiyosSinagot na PangakoDiyos, Sasagutin ngMasdan nyo Ako!Usap-Usapan

Kung magkagayo'y tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako. Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang, ang pagtuturo, at ang pagsasalita ng masama:

462
Mga Konsepto ng TaludtodMapagbigay na TaoEtika, PanlipunangTanghaliPinahihirapan, Tungkulin sa kanilaKawanggawaPagbibigay LimosPagkakawang-GawaMapagkawanggawaLiwanag sa Bayan ng DiyosPagpapakain sa mga MahihirapGutom

At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat;

464
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno ng mga MapagpaimbabawPanginoon, MgaPaniniil, Katangian ngPaano Mag-ayunoWalang Kabuluhang Pag-aayunoKapakumbabaan ng SariliPagaayunoPagaayuno at PananalanginAbuso

Ano't kami ay nangagayuno, sabi nila, at hindi mo nakikita? ano't aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa.

573
Mga Konsepto ng TaludtodKapakumbabaanTamboSako at AboPagyukod ng Ulo sa Harapan ng DiyosAbo ng PagpapakababaPaano Mag-ayunoKapakumbabaan ng SariliPagaayunoMagpakumbaba KaKapakumbabaan

Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon?

759
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamasigasigPaghingiRelihiyon sa PangalanMapagpaimbabaw, Larawan sa mgaHindi Lumalapit sa DiyosPagsasagawa ng Pasya

Gayon ma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios, hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran; sila'y nangalulugod na magsilapit sa Dios.

848
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahan, Mabuting Uri ngUsaTiwala sa RelasyonPumailanglangPagbabagong-Lakas

Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon.

961
Mga Konsepto ng TaludtodNakikipagtaloEtika, Dahilan ngPagtataloPaano Mag-ayunoWalang Kabuluhang Pag-aayunoPakikipaglaban sa Isa't IsaPagaayunoPagaayuno at Pananalangin

Narito, kayo'y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas.