Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 32

Jeremias Rango:

118
Mga Konsepto ng TaludtodLugar para sa Pangalan ng DiyosKasuklamsuklam

Kundi kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinawag sa aking pangalan, upang lapastanganin.

170
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngIpataponPagtitipon sa mga IsraelitaDiyos, Iingatan sila ngPangitain ni Ezekiel

Narito, aking pipisanin sila mula sa lahat ng lupain, na aking pinagtabuyan sa kanila sa aking galit, at sa aking kapusukan at sa malaking poot, at dadalhin ko sila uli sa dakong ito, at akin silang patatahaning tiwasay.

284
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Gumagawa ng MabutiDiyos, Sinaktan sila ngKalamidad

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong aking dinala ang lahat na malaking kasamaang ito sa bayang ito, gayon dadalhin ko sa kanila ang lahat na mabuti na aking ipinangako sa kanila.

290
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamBulaang Diyus-diyusanInialay na mga BataMatataas na DakoKawalang Pag-iisipAltarLambak, Mga

At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ni Baal, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang paraanin sa apoy ang kanilang mga anak na lalake at babae kay Moloch; na hindi ko iniutos sa kanila o nasok man sa aking pagiisip, na kanilang gawin ang kasuklamsuklam na ito; na pinapagkasala ang Juda.

338
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Bibiguin sila ng

At ngayon ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa bayang ito, na inyong sinasabi, Nabigay sa kamay ng hari sa Babilonia sa pamamagitan ng tabak, at ng kagutom, at ng salot:

428
Mga Konsepto ng TaludtodTaon ni Zedekias, Mga

Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon nang ikasangpung taon ni Sedechias na hari sa Juda na siyang ikalabing walong taon ni Nabucodonosor.

436
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kabutihan ngDiyos na Walang HangganBinagong PusoAng Walang Hanggang TipanHuling Pahayag ng Tipan sa Diyos, MgaWalang HangganTipan ng Diyos na Walang HangganDiyos na Ginawang Mabuti ang MasamaTipan

At ako'y makikipagtipan ng walang hanggan sa kanila, na hindi ako hihiwalay sa kanila, upang gawan ko sila ng mabuti: at sisidlan ko sa puso ng takot sa akin, upang huwag silang magsihiwalay sa akin.

464
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kagalakan ngDamdaming Inihayag ng DiyosMabubuting GawaPuso ng DiyosBanal na KaluguranMatalinghagang PagtatanimDiyos na Gumagawa ng MabutiDiyos na Nagbabalik

Oo, ako'y magagalak sa kanila upang gawan ko sila ng mabuti, at aking tunay na itatatag sila sa lupaing ito ng aking buong puso at ng aking buong kaluluwa.

465
Mga Konsepto ng TaludtodAko ay Kanilang Magiging Diyos

At sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios:

473
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipitagan at PagpapalaKonsentrasyonNagkakaisang mga taoMabubuting mga AnakIsang KaisipanBuhay na may LayuninPagiging Walang AsawaPuso, Tibok ng

At bibigyan ko sila ng isang puso at ng isang daan, upang sila'y matakot sa akin magpakailan man; sa ikabubuti nila, at ng kanilang mga anak pagkamatay nila:

492

At sinabi ni Jeremias, Ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin, na nagsasabi:

556
Mga Konsepto ng TaludtodAma, Pagkakasala ng mgaMga Bata, Tungkulin sa MagulangMagulang, Kasalanan ngKasalanan ng mga MagulangDiyos bilang MandirigmaAng Pangalan Niya ay PanginoonMakapangyarihan, AngDiyos na Nagpakita ng Kanyang Kagandahang-Loob

Na ikaw ay nagpapakita ng kagandahang-loob sa mga libolibo, at iyong ginaganti ang kasamaan ng mga magulang sa sinapupunan ng kanilang mga anak pagkamatay nila; ang dakila, na makapangyarihang Dios, ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan.

605
Mga Konsepto ng TaludtodJudio, Ang mgaJudaismoEskribaPag-aaring LupaLagda

At ibinigay ko ang katibayan ng pagkabili kay Baruch na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, sa harapan ni Hanamel na anak ng aking amain, at sa harap ng mga saksi na naglagda ng pangalan sa katibayan ng pagkabili, sa harap ng lahat na Judio na nakaupo sa looban ng bantayan.

614
Mga Konsepto ng TaludtodPatyoBilanggo, MgaTunay na Pagsalakay sa Jerusalem

Nang panahon ngang yao'y ang hukbo ng hari sa Babilonia ay kumubkob sa Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakulong sa looban ng bantayan, na nasa bahay ng hari sa Juda.

616
Mga Konsepto ng TaludtodRelasyon at Panunuyo

Narito, si Hanamel na anak ni Sallum na iyong amain ay paroroon sa iyo, na magsasabi, Bilhin mo ang parang ko na nasa Anathoth: sapagka't ang matuwid ng pagtubos ay ukol sa iyo upang bilhin.

633
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalik sa mga BansaLagdaAng Sepela

Bibilhin nga ng mga tao ng salapi ang mga parang at mangaglalagda ng pangalan sa mga katibayan, at mga tatatakan, at magsisitawag ng mga saksi, sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, at sa mga bayan ng lupaing maburol, at sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan: sapagka't aking ibabalik sila mula sa kanilang pagkabihag, sabi ng Panginoon.

679
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoPag-aaring LupaPagtitimbang

At binili ko ang parang na nasa Anathoth kay Hanamel na anak ng aking amain, at tinimbang ko sa kaniya ang salapi, na labing pitong siklong pilak.

755
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan, Gamit sa Negosyo ngPagtitimbangLagdaPagsaksiTamang TimbangTimbang

At ako'y naglagda ng pangalan sa katibayan, at aking tinatakan, at tumawag ako ng mga saksi, at tinimbang ko sa kaniya ang salapi sa timbangan.

760

Pagkatapos nga na aking maibigay ang katibayan ng pagkabili kay Baruch na anak ni Nerias, dumalangin ako sa Panginoon, na aking sinabi,

846
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngDisiplina ng DiyosGantimpala ng DiyosDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngDiyos na Nakakakita sa Lahat ng TaoDiyos, Panukala ngMakapangyarihan, AngBinayaran ang Gawa

Dakila sa payo at makapangyarihan sa gawa; na ang mga mata ay dilat sa lahat ng mga lakad ng mga anak ng tao, upang bigyan ang bawa't isa ng ayon sa kaniyang mga lakad, at ayon sa bunga ng kaniyang mga gawa,

852
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Takas

At si Sedechias na hari sa Juda ay hindi makatatanan sa kamay ng mga Caldeo, kundi tunay na mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia, at makikipagusap sa kaniya ng bibig, at ang kaniyang mga mata ay titingin sa kaniyang mga mata;

901
Mga Konsepto ng TaludtodLahat ay Nagkasala

Dahil sa lahat ng kasamaan ng mga anak ni Israel at ng mga anak ni Juda, na kanilang ginawa upang mungkahiin ako sa galit, sila, ng kanilang mga hari, ng kanilang mga prinsipe, ng kanilang mga saserdote, at ng kanilang mga propeta, at ng mga tao ng Juda, at ng mga nananahan sa Jerusalem.

905
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon saHari na Ipinatapon, Mga

At kaniyang dadalhin si Sedechias sa Babilonia, at siya'y doroon hanggang sa dalawin ko siya, sabi ng Panginoon: bagaman kayo'y magsilaban sa mga Caldeo, hindi kayo magsisiginhawa?

922
Mga Konsepto ng TaludtodInuming HandogGalit ng Diyos, Dulot ngBubongBubunganPagsunog sa JerusalemInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ngIba't ibang mga Diyus-diyusan

At ang mga Caldeo, na nagsisilaban sa bayang ito, magsisiparito at susulsulan ang bayang ito, at susunugin, sangpu ng mga bahay na ang mga bubungan ay kanilang pinaghandugan ng kamangyan kay Baal, at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa mga ibang dios, upang mungkahiin ako sa galit.

935

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,

942
Mga Konsepto ng TaludtodPag-uusapKatubusan sa Bawat Araw

Sa gayo'y si Hanamel na anak ng aking amain ay naparoon sa akin sa looban ng bantayan ayon sa salita ng Panginoon, at sinabi sa akin, Bilhin mo ang aking parang, isinasamo ko sa iyo, na nasa Anathoth, na nasa lupain ng Benjamin; sapagka't ang matuwid ng pagmamana ay ukol sa iyo, at ang pagtubos ay ukol sa iyo; bilhin mo para sa iyong sarili. Nang magkagayo'y nakilala ko na ito'y salita ng Panginoon.

944
Mga Konsepto ng TaludtodUbasan

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Mga bahay, at mga parang, at mga ubasan ay mangabibili pa uli sa lupaing ito.

960
Mga Konsepto ng TaludtodLupain na Walang LamanAng mga Tao at Hayop ay Kapwa Naapektuhan

At mga parang ay mabibili sa lupaing ito, na iyong sinasabi, Sira, na walang tao o hayop man; nabigay sa kamay ng mga Caldeo.

974
Mga Konsepto ng TaludtodPagbihag sa mga Lungsod

Sapagka't kinulong siya ni Sedechias na hari sa Juda, na sinasabi, Bakit ka nanghuhula, at nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ibibigay ko ang bayang ito sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin:

1040
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Bibiguin sila ng

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ibibigay ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin,

1041
Mga Konsepto ng TaludtodSaksi, Naayon sa Batas na mga

At iyong sinabi sa akin, Oh Panginoong Dios, iyong bilhin ng salapi ang parang, at ikaw ay tumawag ng mga saksi; yamang ang bayan ay ibinibigay sa kamay ng mga Caldeo.

1042
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aaring Lupa

Sa gayo'y kinuha ko ang katibayan ng pagkabili, ang natatatakan, yaong ayon sa kautusan at kaugalian, at ang bukas:

1045
Mga Konsepto ng TaludtodTanda at Kababalaghan Bago Dumating si Cristo

Na naglagay ng mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Egipto, hanggang sa araw na ito, sa Israel at gayon din sa gitna ng ibang mga tao; at magtaglay ka ng pangalan, gaya sa araw na ito;

1048
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng Jerusalem

Sapagka't ang bayang ito ay naging kamungkahian sa aking galit at sa aking pagaalab ng loob mula sa araw na kanilang itinayo hanggang sa araw na ito; upang aking mailayo sa aking mukha.

1063
Mga Konsepto ng TaludtodLuwadNananatili ng Mahabang Panahon

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Iyong kunin ang mga katibayang ito, ang katibayang ito ng pagkabili, ang natatatakan, at gayon din itong katibayang bukas, at iyong isilid sa sisidlang lupa; upang tumagal ng maraming araw.

1072
Mga Konsepto ng TaludtodPaghinaPagiging Masama sapul PagkabataLahat ay Nagkasala

Sapagka't ang ginawa lamang ng mga anak ni Israel, at ng mga anak ni Juda ay ang masama sa aking paningin mula sa kanilang kabataan, sapagka't minungkahi lamang ako ng mga anak ni Israel sa galit ng gawa ng kanilang mga kamay, sabi ng Panginoon.

1092
Mga Konsepto ng TaludtodSinasalakayTunay na Pagsalakay sa JerusalemDiyos, Bibiguin sila ng

Narito, ang mga bunton, nagsisidating sa bayan upang sakupin; at ang bayan ay nabigay sa kamay ng mga taga Caldea na nagsisilaban doon, dahil sa tabak, at sa kagutom, at sa salot: at kung ano ang iyong sinalita ay nangyayari; at, narito, iyong nakikita.

1118

At sila'y pumasok, at kanilang inari; nguni't hindi dininig ang itong tinig, o lumakad man sa iyong kautusan; sila'y hindi nagsigawa ng anoman sa lahat na iyong iniutos sa kanila na gawin: kaya't iyong pinapangyari ang buong kasamaang ito sa kanila.

1213
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkatao na Paglalarawan saDiyos, Kapangyarihan ngKamay ng DiyosKalakasan, MakaDiyos naKalakasan ng DiyosKatatakutan sa DiyosTanda at Kababalaghan Bago Dumating si CristoDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At iyong inilabas ang iyong bayang Israel sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga kababalaghan, at ng malakas na kamay, at ng unat na kamay, at ng malaking kakilabutan,

1332
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainDiyos na Nagbigay ng LupainGatas at Pulot

At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito na iyong isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila, lupain na binubukalan ng gatas at pulot,

1342

At ibinilin ko kay Baruch sa harap nila, na aking sinasabi,