Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 31

Jeremias Rango:

3
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, BagongBagong mga BagayBago, PagigingBagong ArawIsraelTipan

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda:

17
Mga Konsepto ng TaludtodKarunungang Kumilala, Pinagmumulan ngKatigasang PusoPagiisipMoralidad at KatubusanEspiritu, Bumagsak at mga Tinubos na MgaTapyas ng BatoPagsusulatPagsamba, Taus PusongMapagtanggap na PusoPagsusulat sa mga TaoAko ay Kanilang Magiging DiyosSinasapuso ang Kautusan

Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan;

144
Mga Konsepto ng TaludtodLangit, Katangian ngDaigdig, Pundasyon ngPaghahanap sa mga BagayDiyos na Hindi NagpapabayaAng DaigdigPagtanggiIsraelPaglalakbaySukat

Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ang langit sa itaas ay masusukat, at ang mga patibayan ng lupa ay masisiyasat sa ilalim, akin ngang ihahagis ang buong lahi ng Israel dahil sa lahat nilang nagawa, sabi ng Panginoon.

232
Mga Konsepto ng TaludtodMaayos na ParisanIsrael

Kung ang mga ayos na ito ay humiwalay sa harap ko, sabi ng Panginoon, ang binhi nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap ko magpakailan man.

309
Mga Konsepto ng TaludtodPanukat na Tungkod

At ang panukat na pisi ay magpapatuloy na matuwid sa burol ng Gareb, at pipihit hanggang sa Goa.

366
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Katangian ngTipan, BagongKaranasan sa DiyosKatiyakan, Katangian ngPaglapit sa DiyosDakila at MuntiDiyos, Patatawarin sila ngPagtuturo ng Daan ng Diyos

At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.

369
Mga Konsepto ng TaludtodTorePinangalanang mga TarangkahanMuling Pagtatatag ng JerusalemMuling Pagtatatag

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ang bayan ay matatayo sa Panginoon mula sa moog ni Hananeel hanggang sa pintuang-bayan sa sulok.

381
Mga Konsepto ng TaludtodPinangalanang mga TarangkahanBanal na LupainJerusalem sa Milenyal na Kaharian

At ang buong libis ng mga katawang patay, at ng mga abo, at ang lahat na parang hanggang sa batis ng Cedron, hanggang sa sulok ng pintuang-bayan ng kabayo sa dakong silanganan, magiging banal sa Panginoon; hindi mabubunot o mahahagis ang sinoman magpakailan pa man.

418
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagka-Ama ngPag-ampon, Kalikasan ngPanganayPakikipagniigBayan ng Diyos sa Lumang TipanBatis ng TubigPagtangisSinagot na PangakoEspirituwal na Pag-aamponPanganay na Anak na LalakeTuwid na mga DaanHindi NatitisodBatisPagsusumamo

Sila'y magsisiparitong may iyakan, at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa tabi ng mga ilog ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y pinakaama sa Israel, at ang Ephraim ang aking panganay.

419
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang PastolPangangalat, AngPulo, MgaBayan ng Diyos sa Lumang TipanPastol, Bilang Hari at mga PinunoPastol, Trabaho ngCristo at ang mga TupaPagtitipon sa mga Israelita

Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga bansa, at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo; at inyong sabihin, Ang nagpangalat sa Israel, siyang magpipisan sa kaniya, at magiingat sa kaniya, gaya ng ginagawa ng pastor sa kaniyang kawan.

421
Mga Konsepto ng TaludtodPatutunguhan at KapalaranAstronomiyaMga Utos sa Lumang TipanLiwanag, KaraniwangBuwanKalikasanKaragatanMaayos na ParisanDiyos bilang MandirigmaAng Pangalan Niya ay PanginoonAraw, Buwan at mga Bituin sa Harapan ng DiyosAng Dagat ay PinukawAraw, Sikat ngAng Buwan

Ganito ang sabi ng Panginoon, na nagbibigay ng araw na sumisikat na pinakaliwanag sa araw, at ng mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag sa gabi, na nagpapakilos sa dagat, na humugong ang mga alon niyaon; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan:

425
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, BagongPakikipisan sa EbanghelyoAko ay Kanilang Magiging DiyosPamilya, Pagibig saPagibig at PamilyaPamilya, Unahin ang

Sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, magiging Dios ako ng lahat na angkan ni Israel, at sila'y magiging aking bayan.

434
Mga Konsepto ng TaludtodPapuriSumisigawMusika sa PagdiriwangNakaligtas, Lingap sa mga

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y magsiawit ng kasayahan dahil sa Jacob, at magsihiyaw kayo dahil sa puno ng mga bansa: mangagtanyag kayo, magsipuri kayo, at mangagsabi, Oh Panginoon, iligtas mo ang iyong bayan, ang nalabi sa Israel.

444
Mga Konsepto ng TaludtodSayawPagsasayawKagalakan ng IsraelPaglilibang at Pagpapalipas ng OrasInstrumento ng Musika, Uri ngBirhenMuling Pagtatatag ng JerusalemTambol, MgaMuling PagtatatagBirhen, Pagka

Muling itatayo kita, at ikaw ay matatayo, Oh dalaga ng Israel: muli na ikaw ay magagayakan ng iyong mga pandereta, at lalabas ka sa mga sayawan nila na nasasayahan.

448
Mga Konsepto ng TaludtodAng mga Tao at Hayop ay Kapwa NailigtasPagtatanim ng mga BinhiBinhi, Mga

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking hahasikan ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng binhi ng tao at ng binhi ng hayop.

450
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapala sa IlangNakaligtasKapahingahanLingap

Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang bayan na naiwan ng tabak ay nakasumpong ng biyaya sa ilang; oo, ang Israel, nang aking papagpahingahin.

451
Mga Konsepto ng TaludtodKapayapaan, Pangwawasak ng Tao saDentistaKasalanan ng mga MagulangPamilya, Pagiging Isa ngPagmamagulangMagulang, Tungkulin ng mgaMagulang na MaliAma, Mga Tungkulin ngMga Lolo

Sa mga araw na yaon ay hindi na sila mangagsasabi. Ang mga magulang ay nagsikain ng mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga bata ay nagsisipangilo.

482
Mga Konsepto ng TaludtodHardin ng Eden, AngHardin, KaraniwangPaghahalamanPatubigKagalakan at Karanasan ng TaoAlakKawan, MgaMatalinghagang PagpapatubigMga Taong Nagbibigay

At sila'y magsisiparito at magsisiawit sa kaitaasan ng Sion, at magsisihugos na magkakasama sa kabutihan ng Panginoon, sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa guya ng kawan at ng bakahan: at ang kanilang kaluluwa ay magiging parang dinilig na halamanan; at hindi na sila mangamamanglaw pa sa anoman.

487
Mga Konsepto ng TaludtodLandas na DaraananPagbabalik sa LupainLandas na Daraanan, MgaHadlang sa DaanBirhen, Pagka

Maglagay ka ng mga patotoo, gumawa ka ng mga haliging tanda: ilagak mo ang iyong puso sa dakong lansangan, sa daan na iyong pinaroonan: ikaw ay magbalik uli, Oh dalaga ng Israel, ikaw ay bumalik uli rito sa mga bayang ito.

489
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Katangian ngKatigasan laban sa DiyosMga GuyaPamamaloPagbangon, SamahangKahirapan, Panalangin sa Oras ngKahirapan, Mga Pakinabang ngSariling KaloobanPagpapanumbalik sa mga TaoDisiplinaIkaw ang Aming Diyos

Tunay na aking narinig ang Ephraim na nananaghoy sa kaniyang sarili ng ganito, Inyong pinarusahan ako, at ako'y naparusahan na parang guya na hindi hirati sa pamatok: papanumbalikin mo ako, at ako'y manunumbalik sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios.

490
Mga Konsepto ng TaludtodPinahihirapang mga BanalPagtangis na Naging KagalakanPagsasayawKalungkutanNaipanumbalik na KagalakanDiyos, Aaliwin sila ngPaghahanap ng Kaaliwan sa Diyos

Kung magkagayo'y magagalak ang dalaga sa sayawan, at ang mga binata, at ang matanda na magkakasama: sapagka't aking gagawing kagalakan ang kanilang pagluluksa, at aking aaliwin sila at aking pagagalakin sila sa kanilang kapanglawan.

500
Mga Konsepto ng TaludtodPananagutan sa DiyosPersonal na Pananagutan

Nguni't bawa't isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan: lahat na nagsisikain ng mga maasim na ubas ay magsisipangilo ang mga ngipin.

514
Mga Konsepto ng TaludtodBagong mga BagayPagtalikod sa Lumang TipanCristo, Ang Binhi ni CristoSinasakopMahinang mga BabaeBago Kumilos ang Taong-BayanPagtalikodMga TumalikodBabaePaglalagalag

Hanggang kailan magpaparoo't parito ka, Oh ikaw na tumatalikod na anak na babae? sapagka't ang Panginoon ay lumikha ng bagong bagay sa lupa, Ang babae ay siyang mananaig sa lalake.

563
Mga Konsepto ng TaludtodMasagana sa Pamamagitan ng DiyosKasaganahanAng KaluluwaKabutihanSaserdote, Mga

At aking sisiyahin ang loob ng mga saserdote sa kaginhawahan, at ang aking bayan ay masisiyahan sa aking kabutihan, sabi ng Panginoon.

568
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kagalakan ngDiyos, Kahabagan ngDiyos, Paghihirap ngPakikipagniigPagtanggi sa Diyos, Bunga ngKaloobanEspirituwal na Pag-aamponIsrael bilang mga Anak ng DiyosDiyos na Nakakaalala sa Kanyang BayanDiyos, Magpapakita ng Awa ang

Ang Ephraim baga'y aking minamahal na anak? siya baga'y iniibig na anak? sapagka't kung gaano kadalas nagsasalita ako laban sa kaniya, ay gayon ko inaalaala siya ng di kawasa: kaya't nananabik ang aking puso sa kaniya; ako'y tunay na maaawa sa kaniya, sabi ng Panginoon.

570
Mga Konsepto ng TaludtodKasipaganGantimpala ng DiyosPangako ng PagbabalikHuwag TumangisGantimpala para sa Gawa

Ganito ang sabi ng Panginoon, Iyong pigilin ang iyong tinig sa pagiyak, at ang iyong mga mata sa mga luha: sapagka't gagantihin ang iyong mga gawa, sabi ng Panginoon; at sila'y magsisibalik na mula sa lupain ng kaaway.

591
Mga Konsepto ng TaludtodLumpoKapansananPilay, PagigingPagtitipon sa mga IsraelitaPagbabalik Mula sa HilagaKapanganakanSaktan ang mga BuntisPagiging Ina

Narito, aking dadalhin sila mula sa lupaing hilagaan, at pipisanin ko sila mula sa mga kahulihulihang bahagi ng lupa, at kasama nila ang bulag at ang pilay, at ang buntis at ang nagdadamdam na magkakasama: malaking pulutong na magsisibalik sila rito.

618
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapala sa IsraelMatuwid na BayanNawa'y Pagpapalain ng Diyos

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kanilang gagamitin uli ang pananalitang ito sa lupain ng Juda at sa mga bayan niyaon, pagka aking dadalhin uli mula sa kanilang pagkabihag: Pagpalain ka ng Panginoon. Oh tahanan ng kaganapan, Oh bundok ng kabanalan.

622
Mga Konsepto ng TaludtodPaglapit sa DiyosTagapagbantayPapunta sa Taas ng BundokJerusalem sa Milenyal na Kaharian

Sapagka't magkakaroon ng araw, na ang mga bantay sa mga burol ng Ephraim ay magsisihiyaw. Kayo'y magsibangon, at tayo'y magsisampa sa Sion na pumaroon sa Panginoon nating Dios.

642
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyanSarili, Galang saPagsusuri sa SariliHita, MgaPamamalo sa SariliPagsisisiKahihiyan ay Dumating

Tunay na pagkapanumbalik ko sa iyo ay nagsisi ako; at pagkatapos na ako'y maturuan ay nagsugat ako ng hita: ako'y napahiya, oo, lito, sapagka't aking dinala ang kakutyaan ng aking kabataan.

724
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosPantubosKatubusan sa Lumang TipanLimitasyon ng LakasTinubos

Sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at tinubos niya siya sa kamay ng lalong malakas kay sa kaniya.

841
Mga Konsepto ng TaludtodHinaharapPagasa, Kahihinatnan ngPangako ng PagbabalikLahi niAng HinaharapPagasaHangganan

At may pagasa sa iyong huling wakas, sabi ng Panginoon; at ang iyong mga anak ay magsisiparoon uli sa kanilang sariling hangganan.

876
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahan sa mga Materyal na BagayTrabahoSamaritano, MgaPagtatanim at PagaaniPagtatanim ng UbasanKaraniwang PagtatanimPagsasaka

Muli kang magtatanim ng mga ubasan sa mga bundok ng Samaria: ang mga manananim ay mangagtatanim, at mangagagalak sa bunga niyaon.

885
Mga Konsepto ng TaludtodPagtulog, Pisikal naNatutulog ng PayapaPagkagising

Dito'y nagising ako, at ako'y lumingap; at ang aking pagkakatulog ay masarap.

899
Mga Konsepto ng TaludtodUgatPagbabantay ng DiyosHugutinMatalinghagang Pagtatanim

At mangyayari, na kung paanong binantayan ko sila upang alisin, at upang ibuwal, at upang madaig at upang ipahamak, at upang pagdalamhatiin, gayon babantayan ko sila upang itayo at upang itatag sabi ng Panginoon.

994
Mga Konsepto ng TaludtodMagsasaka, Mga

At ang Juda at ang lahat na bayan niya ay tatahan doon na magkakasama; ang mga mangbubukid at ang mga lumilibot na may mga kawan.