Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 5

Jeremias Rango:

33
Mga Konsepto ng TaludtodKagubatanLeopardoKumakain ng LamanLobo, MgaPanganib mula sa mga Leon

Kaya't papatayin sila ng leon na mula sa gubat, sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago.

50
Mga Konsepto ng TaludtodPangangalunya, Halimbawa ngProstitusyonHindi PagpapatawadPatutot, MgaDiyos na Hindi NagpapatawadPanunumpa Gamit angYaong mga Gumawa ng PangangalunyaBayarang Babae

Paanong mapatatawad kita? pinabayaan ako ng iyong mga anak, at nagsisumpa sa pamamagitan niyaong mga hindi dios. Nang sila'y aking mabusog, sila'y nangalunya, at nagpupulong na pulupulutong sa mga bahay ng mga patutot.

65
Mga Konsepto ng TaludtodHalinghing at UngalPaglilipat ng mga Asawa

Sila'y parang pinakaing mga kabayong pagalagala: bawa't isa'y humalinghing sa asawa ng kaniyang kapuwa.

84
Mga Konsepto ng TaludtodSinisira ang UbasaMuog TanggulanPagkawasak ng mga HalamanHindi Nasisira

Sampahin ninyo ang kaniyang mga kuta at inyong gibain; nguni't huwag kayong magsigawa ng lubos na kawakasan; alisin ninyo ang kaniyang mga sanga; sapagka't sila'y hindi sa Panginoon.

112
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Naghihiganti

Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon: at hindi baga manghihiganti ang kaluluwa ko sa isang ganiyang bansa na gaya nito?

132
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Tapat sa DiyosHindi Tapat

Sapagka't ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ay gumagawang may kataksilan laban sa akin, sabi ng Panginoon.

162
Mga Konsepto ng TaludtodSarili, Kahibangan saKawalang Katapatan sa DiyosPagtanggi sa DiyosWala ng TaggutomYaong mga Sinungaling

Kanilang ikinaila ang Panginoon, at sinabi, Hindi siya; ni darating sa atin ang kasamaan; ni makakakita tayo ng tabak o ng kagutom man:

180
Mga Konsepto ng TaludtodWika, MgaHindi Nauunawaan ang WikaHindi Alam na mga WikaMga Taong mula sa Malayong LugarBansang mga Sumalakay sa Israel, Mga

Narito, dadalhin ko ang bansa sa inyo na mula sa malayo, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon: siyang makapangyarihang bansa, siyang matandang bansa, isang bansa na ang wika ay hindi mo naiintindihan, o nababatid mo man kung ano ang kanilang sinasabi.

185
Mga Konsepto ng TaludtodHanginSalita ng DiyosPropesiya, Binuwag naPropeta, Mga

At ang mga propeta ay magiging parang hangin, at ang salita ay wala sa kanila: ganito ang gagawin sa kanila.

212
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan, Hindi Tapat na Gamit ngKalsadaMasamang PanahonPagkamamamayanLungsod, PunongDiyos, Patatawarin sila ngPaghahanap sa PagibigMakaDiyos na LalakeMabuting TaoPagiging Walang AsawaPaghahanapJerusalem

Magsitakbo kayong paroo't parito sa mga lansangan ng Jerusalem, at tingnan ngayon, at alamin, at hanapin sa mga luwal na dako niyaon, kung kayo'y makakasumpong ng tao, kung may sinoman na gumagawa ng kaganapan, na humahanap ng katotohanan; at aking patatawarin siya.

216
Mga Konsepto ng TaludtodSundalo, MgaApoy ng Salita ng DiyosPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng DiyosPagsasalitaAng Kapangyarihan ng SalitaMga Tao

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, Sapagka't inyong sinalita ang salitang ito, narito, gagawin ko na ang aking mga salita sa inyong bibig ay maging apoy, at ang bayang ito ay kahoy, at sila'y pupugnawin niyaon.

234
Mga Konsepto ng TaludtodPangangatalTalinghagang Libing

Ang kanilang lalagyan ng pana ay bukas na libingan, silang lahat ay makapangyarihang lalake.

240
Mga Konsepto ng TaludtodMga HanggananBuhanginKaragatanUgali ng PaggalangKaragatanPagkamanghaAlonBanal na Kapangyarihan sa KalikasanHadlangWalang Hanggang DaigdigHangganan para sa DagatBuhangin at GrabaMatakot sa Diyos!

Hindi kayo nangatatakot sa akin? sabi ng Panginoon: hindi baga kayo manginginig sa aking harapan, na naglagay ng buhangin na pinakahangganan ng dagat, sa pamamagitan ng pinakawalang hanggang pasiya, upang huwag makalampas? at bagaman maginalon ang kaniyang mga alon, hindi rin mananaig; bagaman ang mga ito'y nagsisihugong, hindi rin ang mga ito'y makaraan.

244
Mga Konsepto ng TaludtodPagwawalang-BahalaHindi Nakikita ang mga Espirituwal na BagayUgali ng Diyos sa mga HangalHindi Pinapakinggan

Inyong dinggin ngayon ito, Oh hangal na bayan, at walang unawa; na may mga mata, at hindi nakakakita; na may mga pakinig, at hindi nakakarinig:

262
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayPuno ng IgosBulaang TiwalaPag-AaniPagtatanim at PagaaniSinisira ang UbasaDigmaan bilang Hatol ng DiyosPagkawasak ng mga LungsodWalang PagkainMga Batang NaghihirapWalang Nagbabantay sa Kawan

At kakanin nila ang iyong ani, at ang iyong tinapay, na dapat sanang kanin ng iyong mga anak na lalake at babae; kanilang kakanin ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan; kanilang kakanin ang iyong mga puno ng ubas at ang iyong mga puno ng igos; kanilang ibabagsak ang iyong mga bayan na nababakuran, na iyong tinitiwalaan, sa pamamagitan ng tabak.

267
Mga Konsepto ng TaludtodSarili, Panlilinlang saKorap na mga SaserdoteMasamang mga PropetaPagmamahal sa MasamaTuntuninPropeta, Mga

Ang mga propeta ay nanganghuhula ng kasinungalingan, at ang mga saserdote ay nangagpupuno sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; at iniibig ng aking bayan na magkagayon: at ano ang inyong gagawin sa wakas niyaon?

272
Mga Konsepto ng TaludtodTipan ng Diyos kay NoahTagtuyot, Pisikal naPag-AaniPentecostesLagay ng Panahon, Paghahari ng Diyos saLinggo, MgaDiyos na Naghatid ng UlanHuli, PagigingTamang Panahon para sa DiyosWalang Takot sa DiyosPanahon, Nagbabagong

Hindi man nila sinasabi sa sarili, Mangatakot tayo ngayon sa Panginoon nating Dios, na naglalagpak ng ulan, ng maaga at gayon din ng huli, sa kaniyang kapanahunan; na itinataan sa atin ang mga takdang sanglinggo ng mga pagaani.

291
Mga Konsepto ng TaludtodPangangasoPatibongPaghihintayTambanganPatibong na Inihanda para sa mga TaoTao, Patibong saIbon, Mga

Sapagka't sa gitna ng aking bayan ay nakakasumpong ng mga masamang tao: sila'y nagbabantay, gaya ng pagbabantay ng mga mamimitag; sila'y nangaglalagay ng silo, sila'y nanghuhuli ng mga tao.

294
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Nasisira

Nguni't sa mga araw mang yaon, sabi ng Panginoon, hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa inyo.

297
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nagulat

Isang kamanghamangha at kakilakilabot na bagay ay nangyayari sa lupain:

300
Mga Konsepto ng TaludtodBunga ng KasalananKasalanan ay Nagdadala ng KarukhaanDiyos na Ginawang Mabuti ang Masama

Ang inyong mga kasamaan ang nangaghiwalay ng mga bagay na ito, at ang inyong mga kasalanan ang nagsipigil sa inyo ng kabutihan.

303
Mga Konsepto ng TaludtodHawlaTao, Panlilinlang sa mgaPagkamit ng KayamananIbon, Mga

Kung paanong ang kulungan ay puno ng mga ibon, gayon ang kanilang mga bahay ay puno ng karayaan: kaya't sila'y naging dakila, at nagsisiyaman.

307
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaTalikuran ang DiyosTalikuranHindi Tapat sa DiyosPagsamba sa Diyus-diyusan, Katangian ngPaghihirap mula sa mga BanyagaWalang Makalupang ManaNaglilingkod sa mga SamahanBakit ito Ginagawa ng Diyos?

At mangyayari, pagka inyong sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon nating Dios ang lahat ng mga bagay na ito sa atin? kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Kung paanong inyong pinabayaan ako, at nangaglingkod kayo sa mga ibang dios sa inyong lupain, gayon kayo mangaglingkod sa mga taga ibang lupa sa isang lupain na hindi inyo.

315
Mga Konsepto ng TaludtodJacob bilang Patriarka

Inyong ipahayag ito sa sangbahayan ni Jacob, at inyong ibalita sa Juda na inyong sabihin,

317
Mga Konsepto ng TaludtodPagsalungat sa Kasalanan at KasamaanUlila, MgaMatatabang TaoHindi Tumutulong sa MahirapUmuunlad

Sila'y nagsisitaba, sila'y makintab: oo, sila'y nagsisihigit sa mga paggawa ng kasamaan; hindi nila ipinakikipaglaban ang usap, ang usap ng ulila, upang sila'y guminhawa; at ang matuwid ng mapagkailangan ay hindi hinahatulan.

321
Mga Konsepto ng TaludtodPagwawalang-BahalaMineral, MgaPananalangin, HindiPagsisisi, Kahalagahan ngMapakiramdamKatigasan, Bunga ngKahirapan ng mga MasamaPayo, Pagtanggap ngKatigasan laban sa DiyosSariling KaloobanDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ng

Oh Panginoon, hindi baga tumitingin ang iyong mga mata sa katotohanan? iyong hinampas sila, nguni't hindi sila nangagdamdam; iyong pinugnaw sila, nguni't sila'y nagsitangging tumanggap ng sawa'y; kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato; sila'y nagsitangging manumbalik.

325
Mga Konsepto ng TaludtodPagsira sa KasunduanPanunumpa ng Panata, Maling

At bagaman kanilang sinasabi, Buhay ang Panginoon; tunay na sila'y nagsisisumpa na may kasinungalingan.

342
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Naghihiganti

Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ang aking kalooban sa ganiyang bansa na gaya nito?

350
Mga Konsepto ng TaludtodPamatokPagtakas mula sa DiyosPatulin ang Kadena

Ako'y paroroon sa mga dakilang tao, at magsasalita sa kanila; sapagka't kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon, at ang kahatulan ng kanilang Dios. Nguni't ang mga ito ay nagkaiisang magalis ng pamatok, at lumagot ng mga panali.

373
Mga Konsepto ng TaludtodHangal, Katangian ngKahangalan, Epekto ngKahirapan, Espirituwal naMoral na PagbulusokEspirituwal na KamangmanganMahirap na mga TaoIbinilang na mga Hangal

Nang magkagayo'y sinabi ko, Tunay na ang mga ito ay dukha; sila'y mga hangal; sapagka't hindi sila nangakakaalam ng daan ng Panginoon, o ng kahatulan ng kaniyang Dios.