35 Talata sa Bibliya tungkol sa Panahon, Nagbabagong
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa;
Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit:
Panahon ng pagibig, at panahon ng pagtatanim; panahon ng digma, at panahon ng kapayapaan.
Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw;
At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.
Ipinangingilin ninyo ang mga araw, at mga buwan, at mga panahon, at mga taon.
Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo;
At sinabi niya sa kanila, Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.
At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon:
Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon: nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.
Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim;
Bayaang ang kaniyang puso na pusong tao ay mapalitan at ang puso ng hayop ay mabigay sa kaniya; at mangyaring makapito sa kaniya.
Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon;
Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; nguni't ang lupa ay nananatili magpakailan man.
Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan; ang ulan ay lumagpas at wala na;
Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung inyong masisira ang aking tipan sa araw, at ang aking tipan sa gabi, na anopa't hindi magkakaroon ng araw at ng gabi sa kanilang kapanahunan;
Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at init, at ang tagaraw at taginaw, at ang araw at gabi.
Ang aking mga kapanahunan ay nasa iyong kamay: iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin.
Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.
At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.
Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.
Kayong mga mapagpaimbabaw! marunong kayong mangagpaaninaw ng anyo ng lupa at ng langit; datapuwa't bakit di ninyo nalalamang ipaaninaw ang panahong ito?
Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin: iyong inihanda ang liwanag at ang araw.
Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas;
Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ang aking tipan sa araw at sa gabi ay hindi manayo, kung hindi ko itinatag ang mga ayos ng langit at ng lupa;
Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.
Iyong inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa: iyong ginawa ang taginit at taginaw.
Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;
Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
Panahon ng pagpunit, at panahon ng pananahi; panahon ng pagtahimik, at panahon ng pagsasalita;
Siya ang ilawang nagniningas at lumiliwanag; at inibig ninyong kayo'y mangagkatuwang sumandali sa kaniyang liwanag.
At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng araw, At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng buwan,
Sapagka't bagaman ako'y nakapagpalumbay sa inyo sa aking sulat, ay hindi ko dinaramdam: bagama't aking dinamdam (sapagka't akin ngang natatalastas na ang sulat na yaon ay nakapagpalumbay sa inyo, bagama't sa maikling panahon lamang),
Hindi man nila sinasabi sa sarili, Mangatakot tayo ngayon sa Panginoon nating Dios, na naglalagpak ng ulan, ng maaga at gayon din ng huli, sa kaniyang kapanahunan; na itinataan sa atin ang mga takdang sanglinggo ng mga pagaani.
Mga Katulad na Paksa
- Ang Araw
- Ang Buwan
- Ang Papa
- Araw, Buwan at mga Bituin sa Harapan ng Diyos
- Buwan
- Diyos na Nagbibigay Karunungan
- Diyos, Panahon ng
- Diyos, Panahon ng
- Hindi Pabagobago
- Ipagkatiwala sa Kamay ng Iba
- Kalawakan, Pagbabago ng
- Kalendaryo
- Kapamahalaan
- Kapangyarihan ng Pamahalaan ng Tao
- Karunungang Kumilala
- Karunungang Kumilala, Pinagmumulan ng
- Kasaysayan
- Kaunawaan
- Labis na Kapaguran
- Lagay ng Panahon
- Lagay ng Panahon sa mga Huling Araw
- Mapagkakatiwalaan
- Mga Bagay ng Diyos, Nahahayag na
- Pagbabago
- Paghihimagsik ni Satanas at ng mga Anghel
- Pagpapaalis
- Pagtataas
- Pagtataksil
- Pagtataksil sa Kristyano
- Pamumusong
- Pamumusong, Halimbawa ng
- Panahon ng Buhay, Mga
- Panahon upang
- Panahon, Mga
- Pananatili
- Probisyon sa Araw at Gabi
- Sibil na Kapamahalaan
- Taglagas
- Tagsibol
- Talatakdaan
- Tanda ng Huling mga Panahon, Mga
- Tao, Itinatag ng Diyos ang Pamahalaan ng
- Tao, Katangian ng Pamahalaan ng
- Tatlo at Kalahating Taon
- Tipan ng Diyos kay Noah