Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 51

Jeremias Rango:

221
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaMuogHimpapawidYaong mga MangwawasakPapunta sa LangitHimpapawid, Talinghagang Gamit saLakas ng Babae

Bagaman ang Babilonia ay umilanglang hanggang sa langit, at bagaman kaniyang patibayin ang kataasan ng kaniyang kalakasan, gayon ma'y darating sa kaniya ang mga manglilipol na mula sa akin, sabi ng Panginoon.

229
Mga Konsepto ng TaludtodPagtalikod sa mga Diyus-diyusan

Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y maglalapat ng kahatulan sa kaniyang mga larawang inanyuan; at sa buong lupain niya ay dadaing ang nasugatan.

296
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Lamang mga SiyudadAng mga Tao at Hayop ay Kapwa Naapektuhan

At iyong sabihin, Oh Panginoon, ikaw ay nagsalita tungkol sa dakong ito, upang iyong ihiwalay, upang walang tumahan doon, maging tao o hayop man, kundi masisira magpakailan man.

488
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabalik Mula sa BabilonyaKagantihanKabayaranMasamang mga KasamahanDiyos na NaghihigantiAng Kahatulan ng BabilonyaPaghihiganti

Tumakas ka na mula sa gitna ng Babilonia, at iligtas ng bawa't tao ang kaniyang buhay; huwag kayong mangahiwalay ng dahil sa kaniyang kasamaan: sapagka't panahon ng panghihiganti ng Panginoon; siya'y maglalapat sa kaniya ng kagantihan.

509
Mga Konsepto ng TaludtodYaong mga MangwawasakBabilonya, Pagkawasak ng

Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magbabangon laban sa Babilonia, at laban sa nagsisitahan sa Lebcamai, ng manggigibang hangin.

534
Mga Konsepto ng TaludtodPalakolKaparusahan, Katangian ngSandata, MgaMartilyo, MgaSandata ng DiyosDigmaanEspirituwal na DigmaanLabananTambol, Mga

Ikaw ay aking pangbakang palakol at mga almas na pangdigma: at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mga bansa; at sa pamamagitan mo ay sisira ako ng mga kaharian;

548
Mga Konsepto ng TaludtodKatepilarTrumpetaTrumpeta sa Pakikipaglaban, MgaWatawat

Mangagtaas kayo ng watawat sa lupain, inyong hipan ang pakakak sa gitna ng mga bansa, magsihanda ang mga bansa laban sa kaniya, pisanin laban sa kaniya ang mga kaharian ng Ararat, ng Minmi, at ng Aschenaz: mangaghalal ng puno laban sa kaniya; pasampahin ang mga kabayo ng parang mga uod.

598
Mga Konsepto ng TaludtodSaro ng Poot ng DiyosKabaliwanAlkoholGintoKabaliwanAlakBagay na Tulad ng Ginto, Mga

Ang Babilonia ay naging gintong tasa sa kamay ng Panginoon, na lumango sa buong lupa: ang mga bansa ay nagsiinom ng kaniyang alak; kaya't ang mga bansa ay nangaulol.

609
Mga Konsepto ng TaludtodKahatulan ng Babilonya

Ang ingay ng hiyaw na mula sa Babilonia, at ng malaking paglipol na mula sa lupain ng mga Caldeo!

617
Mga Konsepto ng TaludtodPagtulog at KamatayanKarunungan, sa Likas ng TaoKarunungan ng Tao, Pinagmumulan ngDiyos na Nagbigay KalasinganAng Pangalan Niya ay Panginoon

At aking lalanguhin ang kaniyang mga prinsipe at ang kaniyang mga pantas, ang kaniyang mga gobernador at ang kaniyang mga kinatawan, at ang kaniyang mga makapangyarihan; at siya'y matutulog ng walang hanggang pagtulog, at hindi magigising, sabi ng Hari, na ang pangalan ay ang Panginoon ng mga hukbo.

629
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaBabilonya, Kasaysayan ngPagpapatibayBulaang Diyus-diyusanAng Kahatulan ng Babilonya

At ako'y maglalapat ng kahatulan kay Bel sa Babilonia, at aking ilalabas sa kaniyang bibig ang kaniyang nasakmal; at ang mga bansa ay hindi na bubugsong magkakasama pa sa kaniya: oo, ang kuta ng Babilonia ay mababagsak.

644
Mga Konsepto ng TaludtodPana, Inilarawan na gaya sa mgaSanggalangMamamana sa isang HukboPagkawasak ng BabilonyaBabilonya, Pagkawasak ngHinahasaDiyos na NaghihigantiPlano ng Diyos, MgaPana, MgaPaghihiganti

Inyong patalasin ang mga pana, inyong hawakang mahigpit ang mga kalasag; pinukaw ng Panginoon ang kalooban ng mga hari ng mga Medo; sapagka't ang kaniyang lalang ay laban sa Babilonia, upang sirain: sapagka't siyang panghihiganti ng Panginoon, panghihiganti ng kaniyang templo.

652
Mga Konsepto ng TaludtodKalituhanAhas, MgaTiyanWalang Laman na Buhay ng mga Tao

Nilamon ako ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, kaniyang pinisa ako, kaniyang ginawa akong sisidlan na walang laman, ako'y sinakmal niyang parang buwaya, kaniyang binusog ang kaniyang tiyan ng aking mga masarap na pagkain; kaniyang itinakuwil ako.

655
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng SanlibutanDiyos na LabanPitong Bundok

Narito, ako'y laban sa iyo, Oh mapangpahamak na bundok, sabi ng Panginoon, na gumigiba ng buong lupa; at aking iuunat ang aking kamay sa iyo, at pagugulungin kita mula sa malaking bato, at gagawin kitang bundok na sunog.

672
Mga Konsepto ng TaludtodPaglikha sa Pisikal na LangitKaunawaanDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ng

Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay iniladlad niya ang langit.

687
Mga Konsepto ng TaludtodPanghaplasGamotLangis na PampahidBabilonya, Pagkawasak ng

Ang Babilonia ay biglang nabuwal at napahamak: inyong tangisan siya, ikuha ninyo ng balsamo ang kaniyang sakit, baka sakaling siya'y mapagaling.

694
Mga Konsepto ng TaludtodHari na Ipinatapon, MgaTaon ni Zedekias, MgaPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

Ang salita na iniutos ni Jeremias na propeta kay Seraias na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, ng siya'y pumaroon sa Babilonia na kasama ni Sedechias na hari sa Juda, nang ikaapat na taon ng kaniyang paghahari. Si Seraias nga ay punong bating.

713
Mga Konsepto ng TaludtodGiba, MgaArkeolohiyaPagtatakaPagsasalaula ng KabanalanBabilonnya, Iniwang WasakWalang Lamang mga SiyudadSumisitsitGinawang Katatakutan

At ang Babilonia ay magiging mga bunton, tahanang dako sa mga chakal, katigilan, at kasutsutan, na mawawalan ng mananahan.

717
Mga Konsepto ng TaludtodKahatulan ng BabilonyaPropesiya, Paraan sa Lumang TipanPagsusulatMga Aklat ng Propesiya

At sinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat na kasamaan na darating sa Babilonia, ang lahat na salitang ito na nasusulat tungkol sa Babilonia.

743
Mga Konsepto ng TaludtodPagwasak sa mga SandataYaong mga MangwawasakBabilonya, Pagkawasak ngDiyos na NaghihigantiDiyos, Hihingin ng

Sapagka't ang manglilipol ay dumating doon, sa Babilonia, at ang mga makapangyarihang lalake niyaon ay nangahuli, ang kanilang mga busog ay nagkaputolputol: sapagka't ang Panginoon ay Dios ng mga kagantihan, siya'y tunay na magbabayad.

805
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Pagkawasak ngGinawang KatatakutanPagbihag sa mga Lungsod

Ano't nasakop ang Sesach! at ang kapurihan ng buong lupa ay nagitla! ano't ang Babilonia ay naging kagibaan sa gitna ng mga bansa!

817
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaDumadaloy na TubigKayamananKasakiman, Halimbawa ngMga Taong NagwakasMayayamang Tao

Oh ikaw na tumatahan sa ibabaw ng maraming tubig, sagana sa mga kayamanan, ang iyong wakas ay dumating, ang sukat ng iyong kasakiman.

821
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosGuwardiya, MgaTagapagbantayBabilonya, Pagkawasak ngTambanganWatawatAng Kahatulan ng Babilonya

Mangagtaas kayo ng watawat laban sa mga kuta ng Babilonia, inyong patibayin ang bantayan, inyong lagyan ng mga bantay, kayo'y mangaghanda ng mga pangbakay: sapagka't ang Panginoon ay nagpanukala at gumawa rin naman ng kaniyang sinalita tungkol sa mga nananahan sa Babilonia.

850
Mga Konsepto ng TaludtodUlap, Likas na Gamit ng mgaPaghinaMga Tao na Tinalikuran ang mga TaoWalang KagalinganAng Kahatulan ng BabilonyaKagalingan at Kaaliwan

Ibig sana nating mapagaling ang Babilonia, nguni't siya'y hindi napagaling: pabayaan siya, at yumaon bawa't isa sa atin sa kanikaniyang sariling lupain; sapagka't ang kaniyang kahatulan ay umaabot hanggang sa langit, at nataas hanggang sa mga alapaap.

857
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Hihingin ng

At aking ilalapat sa Babilonia at sa lahat na nananahan sa Caldea ang buo nilang kasamaan na kanilang ginawa sa Sion sa inyong paningin, sabi ng Panginoon.

878
Mga Konsepto ng TaludtodHandaan, Mga Gawain saPagtawaPagtulog at KamatayanDiyos na Nagbigay Kalasingan

Pagka sila'y nag-init, aking gagawin ang kanilang kapistahan, at akin silang lalanguhin, upang sila'y mangagalak, at patutulugin ng walang hanggang pagtulog, at huwag mangagising, sabi ng Panginoon.

883
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanKapangyarihan, KawalangBinabaePagtigilPigilan ang PagaawayMahinang mga BabaePagsunog sa mga LungsodWalang Lakas na NatiraKababaihan, Lakas ng mga

Ang mga makapangyarihan ng Babilonia ay nagsisiurong sa pakikipaglaban, sila'y nanatili sa kanilang mga katibayan; ang kanilang kapangyarihan ay nanglulupaypay; sila'y naging parang mga babae: ang kaniyang mga tahanang dako ay sinilaban; ang kaniyang mga halang ay nabali.

889
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawalang SaysayLungsodMalapadLungsod, Tarangkahan ngApoy ng KahatulanPagsunog sa mga LungsodWalang Kabuluhang mga PagtratrabahoPagpapagod ng Walang Kabuluhan

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang makapal na kuta ng Babilonia ay lubos na magigiba, at ang kaniyang mga mataas na pintuang-bayan ay masusunog ng apoy; at ang mga tao ay magpapagal sa walang kabuluhan, at ang mga bansa sa apoy; at sila'y mangapapagod.

896
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaKabahayan, MgaBatong PanulukanItinakuwil na Batong Panulukan

At hindi ka nila kukunan ng bato na panulok, o ng bato man na mga patibayan; kundi ikaw ay magiging sira magpakailan man, sabi ng Panginoon.

909
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaPag-AaniKaritPagtatanim at PagaaniGiikan

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ang anak na babae ng Babilonia ay parang giikan ng panahong yaon ng niyayapakan; sangdali na lamang, at ang panahon ng pagaani ay darating sa kaniya.

929
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyanKabanalan, Paglago sa KamunduhanInsulto, MgaPagibig, at ang MundoMga Banyaga sa Banal na DakoMapanghimasok sa TemploKahihiyan ay DumatingDayuhan

Kami ay nangapahiya, sapagka't kami ay nangakarinig ng kakutyaan; kalituhan ay tumakip sa aming mga mukha: sapagka't ang mga taga ibang lupa ay pumasok sa mga santuario ng bahay ng Panginoon.

938
Mga Konsepto ng TaludtodKalasag sa DibdibPagsasaalis ng SandataLubid

Laban sa kaniya na umaakma ay iakma ng mangbubusog ang kaniyang busog, at sa kaniya na nagmamataas sa kaniyang sapyaw: at huwag ninyong patawarin ang kaniyang mga binata; inyong lipuling lubos ang buo niyang hukbo.

956
Mga Konsepto ng TaludtodPagsaksi, Kahalagahan ngDiyos, Paghihiganti ngDiyos, Kapahayagan ng Gawa ngPagtatanggol

Inilabas ng Panginoon ang ating katuwiran: magsiparito kayo, at ating ipahayag sa Sion, ang gawa ng Panginoon nating Dios.

965
Mga Konsepto ng TaludtodKatahimikanPagkawasak ng BabilonyaBabilonya, Pagkawasak ngTunogAtungal ng mga Bansa

Sapagka't ang Panginoon ay nananamsam sa Babilonia, at nanglilipol doon ang dakilang tinig; at ang mga alon ng mga yaon ay nagsisihugong na parang maraming tubig; ang hugong ng kanilang kaingay ay lumabas:

977
Mga Konsepto ng TaludtodPakikibahagi sa KasalananMagmumula sa MasamaPagaalis ng mga Tao sa iyong Buhay

Bayan ko, magsilabas kayo sa kaniya, at lumigtas bawa't isa sa mabangis na galit ng Panginoon.

985
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabasa ng BibliaTinatapos

At mangyayari, pagkatapos mong bumasa ng aklat na ito, na iyong tatalian ng bato, at ihahagis mo sa gitna ng Eufrates:

995
Mga Konsepto ng TaludtodMangagawa ng SiningHangal, Katangian ngWalang HiningaKahangalan ng TaoKahihiyan ng Pagsamba sa Diyus-diyusanYaong mga Mangmang

Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ginto ay nalagay sa kahihiyan dahil sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay kasinungalingan, at walang hinga sa mga yaon.

1028

Ang karahasang ginawa sa akin at sa aking laman ay mahulog nawa sa Babilonia, sasabihin ng taga Sion; at, Ang dugo ko ay mahulog nawa sa mga nananahan sa Caldea, sasabihin ng Jerusalem.

1043
Mga Konsepto ng TaludtodKatuyuanTanggulang Gawa ng DiyosBalon, MgaDiyos na Tinutuyo ang mga Bagay-bagayDiyos na NagtatanggolBalon, Talinghagang Gamit ngTaggutomPaghihiganti

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking ipakikipaglaban ang iyong usap, at igaganti kita; at aking tutuyuin ang kaniyang dagat, at gagawin ko siyang bukal na tuyo.

1058
Mga Konsepto ng TaludtodUlanPagiimbakKidlatDiyos na Nagsusugo ng HanginDiyos, Kamalig ngDiyos na Kontrolado ang Ulan

Paglalakas niya ng kaniyang tinig, nagkaroon ng kagulo ng tubig sa langit, at kaniyang pinailanglang ang mga singaw mula sa mga wakas ng lupa: kaniyang iginawa ng mga kidlat ang ulan, at inilabas ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan.

1059
Mga Konsepto ng TaludtodBalang, MgaMaraming Kaaway

Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa sa pamamagitan ng kaniyang sarili, na sinasabi, Tunay na pupunuin kita ng mga tao, na parang balang; at sila'y mangaglalakas ng hiyaw laban sa iyo.

1060
Mga Konsepto ng TaludtodPinabayaanDiyos na Hindi NagpapabayaSalaIsrael

Sapagka't ang Israel ay hindi pinababayaan, o ang Juda man, ng kaniyang Dios, ng Panginoon ng mga hukbo; bagaman ang kanilang lupain ay puno ng sala laban sa Banal ng Israel.

1075
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na PanukalaWalang Lamang mga Siyudad

At ang lupain ay manginginig at nasa paghihirap; sapagka't ang mga pasiya ng Panginoon laban sa Babilonia ay nananayo, upang sirain ang lupain ng Babilonia, na nawalan ng mananahan.

1083
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaNagtatahip

At ako'y magsusugo sa Babilonia ng mga taga ibang lupa na papalisin siya; at kanilang wawalaan ang kaniyang lupain: sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay magiging laban sila sa kaniya sa palibot.

1106
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabasaLiterasiyaPagbabasa ng Kasulatan

At sinabi ni Jeremias kay Seraias, Pagdating mo sa Babilonia, iyo ngang tingnan na iyong basahin ang lahat na mga salitang ito,

1115
Mga Konsepto ng TaludtodHuling mga SalitaLumulubog

At iyong sasabihin, Ganito lulubog ang Babilonia, at hindi lilitaw uli dahil sa kasamaan na aking dadalhin sa kaniya; at sila'y mapapagod. Hanggang dito ang mga salita ni Jeremias.

1144
Mga Konsepto ng TaludtodGobernadorMagsasaka, MgaPangangalaga ng Kawan

At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang pastor at ang kaniyang kawan; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mangbubukid at ang kaniyang tuwang na mga baka; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang mga tagapamahala at ang mga kinatawan.

1152
Mga Konsepto ng TaludtodSugoPagbihag sa mga Lungsod

Ang isang utusan ay tatakbo upang sumalubong sa iba, at isang sugo upang sumalubong sa iba, upang ibalita sa hari sa Babilonia, na ang kaniyang bayan ay nasakop sa lahat ng sulok:

1163
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaLeon, MgaGaya ng mga Nilalang

Sila'y magsisiangal na magkakasama na parang mga batang leon; sila'y magsisiangal na parang mga anak ng leon.

1180
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Lamang mga SiyudadTuyong mga LugarGinawang Katatakutan

Ang kaniyang mga bayan ay nasira, tuyong lupain at ilang, lupain na walang taong tumatahan, o dinaraanan man ng sinomang anak ng tao.

1205
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagmanaPalakolHindi Tulad ng mga Diyus-diyusanAng Pangalan Niya ay Panginoon

Ang bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang naganyo sa lahat ng bagay; at ang Israel ay lipi ng kaniyang mana: ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan.

1217

Magsihanda laban sa kaniya ang mga bansa, ang mga hari ng mga Medo, ang mga gobernador niyaon, at ang lahat na kinatawan niyaon, at ang buong lupain na kaniyang sakop.

1229
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheKabayo, MgaKabalyerya

At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang kabayo at ang kaniyang sakay;

1238
Mga Konsepto ng TaludtodKahatulan ng BabilonyaPagtalikod sa mga Diyus-diyusanAng Kahatulan ng Babilonya

Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, na ako'y maglalapat ng kahatulan sa mga larawang inanyuan sa Babilonia; at ang kaniyang buong lupain ay mapapahiya; at ang lahat ng mapapatay sa kaniya ay mangabubulagta sa gitna niya.

1255
Mga Konsepto ng TaludtodKaragatanAlonAng Dagat ay PinukawKaragatan, Talinghagang KahuluganAng Karagatan

Ang dagat ay umapaw sa Babilonia; siya'y natakpan ng karamihan ng mga alon niyaon.

1262
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig, at ang MundoPagalaalaMga Taong NakakaalalaExodoMabuting mga Bagay mula sa MalayoJerusalemMananampalataya na Umaalala sa Diyos

Kayong nangakatanan sa tabak, magsiyaon kayo, huwag kayong magsitigil; inyong alalahanin ang Panginoon sa malayo, at pasukin ang inyong pagiisip ng Jerusalem.

1268
Mga Konsepto ng TaludtodKahatulan ng BabilonyaBabilonya, Pagkawasak ngPagpatay sa mga Israelita

Kung paanong ibinuwal ng Babilonia ang namatay sa Israel, gayon mabubuwal sa Babilonia ang namatay sa buong lupain.

1277
Mga Konsepto ng TaludtodLangit at LupaKagalakan ng IsraelYaong mga MangwawasakKahatulan ng BabilonyaMula sa HilagaNagagalak sa Katarungan

Kung magkagayo'y ang langit at ang lupa, at lahat na nandoon, magsisiawit dahil sa Babilonia sa kagalakan; sapagka't ang mga manglilipol ay darating sa kaniya mula sa hilagaan, sabi ng Panginoon.

1279
Mga Konsepto ng TaludtodLatian, MgaTumawid na IlogTakot sa mga KaawayMga Tulay

At ang mga tawiran ay nangasapol, at ang mga tambo ay nangasunog ng apoy, at ang mga lalaking mangdidigma ay nangatakot.

1283

At sila'y mangabubuwal na patay sa lupain ng mga Caldeo, at napalagpasan sa kaniyang mga lansangan.

1296
Mga Konsepto ng TaludtodSinisirang mga Karwahe

At sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang karo at ang nakasakay roon; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang lalake at ang babae; at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang matanda at ang bata: at sa pamamagitan mo ay pagwawaraywarayin ko ang binata at ang dalaga;

1335
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Kabuluhang mga Diyus-diyusanPagbibiro

Ang mga yaon ay walang kabuluhan, isang gawa ng karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon ay mangalilipol.

1336
Mga Konsepto ng TaludtodNamatay na tulad ng HayopPinatay na Gaya ng Hayop

Aking ibababa sila na parang mga kordero sa patayan, mga lalaking tupa na kasama ng mga kambing na lalake.

1340
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan sa LupaPanghihina ng LoobSibil na KaguluhanUsap-UsapanTakot sa HinaharapLabanan ang Kahinaan ng LoobYaong Hindi NatatakotUsap-Usapan

At huwag manganglupaypay ang inyong puso, o mangatakot man kayo sa balita na maririnig sa lupain; sapagka't ang balita ay darating na isang taon, at pagkatapos niyaon ay darating sa ibang taon ang isang balita, at ang pangdadahas sa lupain, pinuno laban sa pinuno.