Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 8

Jeremias Rango:

86
Mga Konsepto ng TaludtodPagiimbot, Utos laban saKasakiman, Hatol saKapakinabanganTao, Panlilinlang sa mgaMasamang mga PropetaDakila at MuntiPaglilipat ng mga AsawaKasakimanAsawang BabaeKabiyakPagsasagawaManlolokoIba pa

Kaya't ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa mga iba, at ang kanilang mga parang sa mga magaari sa mga yaon: sapagka't bawa't isa mula sa kaliitliitan hanggang sa kalakilakihan, ay ibinigay sa kasakiman; mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan.

105
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang TiwalaPabayaan ang mga TaoWalang KagalinganWalang KapayapaanKapayapaan at Kaligtasan

At kanilang pinagaling ng kaunti ang sugat ng anak na babae ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan.

138
Mga Konsepto ng TaludtodNamumulaPaghinaMga Taong NatitisodPulang Mukha, MgaHindi Alam na mga Bagay

Nangahiya baga sila nang sila'y gumawa ng kasuklamsuklam? hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, ni nangamula man sila: kaya't sila'y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon ng pagdalaw sa kanila ay mahahagis sila, sabi ng Panginoon.

151
Mga Konsepto ng TaludtodPuno ng IgosKatuyuanUbasPag-AaniPagtatanim at PagaaniPuno ng UbasTaggutom

Aking lubos na lilipulin sila, sabi ng Panginoon: hindi magkakaroon ng mga ubas sa puno ng ubas, o ng mga higos man sa mga puno ng higos, at ang dahon ay malalanta; at ang mga bagay na aking naibigay sa kanila ay mapapawi sa kanila.

196
Mga Konsepto ng TaludtodIlongHalinghing at Ungal

Ang singasing ng kaniyang mga kabayo ay naririnig mula sa Dan: sa tinig ng halinghing ng kaniyang mga malakas ay nayayanig ang buong lupain; sapagka't sila'y nagsidating, at nilamon ang lupain at lahat ng naroon; ang bayan at yaong mga nagsisitahan doon.

203
Mga Konsepto ng TaludtodLason

Bakit tayo'y nagsisitigil na nakaupo? kayo'y magkatipon, at tayo'y magsipasok sa mga bayang nakukutaan, at tayo'y magsitahimik doon; sapagka't tayo'y pinatahimik ng Panginoon nating Dios, at binigyan tayo ng inuming mapait upang inumin, sapagka't tayo'y nangagkasala laban sa Panginoon.

213
Mga Konsepto ng TaludtodPagkaunsami, MgaKalusuganPagasa, Katangian ngBulaang PagasaTakot na DaratingWalang KagalinganWalang KapayapaanKalusugan at KagalinganTerorismo

Tayo'y nangaghihintay ng kapayapaan, nguni't walang dumating na mabuti; at ng panahon ng kagalingan, at narito panglulupaypay!

243
Mga Konsepto ng TaludtodYamutin ang DiyosDiyos na Laban sa IdolatriyaMga Taong mula sa Malayong Lugar

Narito, ang tinig ng hiyaw ng anak na babae ng aking bayan na mula sa lupain na totoong malayo: Hindi baga ang Panginoon ay nasa Sion? hindi baga ang kaniyang Hari ay nandoon? Bakit minungkahi nila ako sa galit ng kanilang mga larawang inanyuan, at ng mga walang kabuluhan ng iba?

247
Mga Konsepto ng TaludtodPangangagatLasonAhas, Tuklaw ng

Sapagka't, narito, ako'y magsusugo ng mga ahas, ng mga ulupong sa gitna ninyo, na hindi maeenkanto, at kakagatin nila kayo, sabi ng Panginoon.

287
Mga Konsepto ng TaludtodKalapati, MgaHimpapawidAng Tamang PanahonIbon, Katangian ng mgaIbon, Uri ng mgaKatutubong GawiLangay-langayanTaglagasPagkakaalamDiyos, Panahon ngDiyos, Panahon ng

Oo, nalalaman ng ciguena sa himpapawid ang kaniyang mga takdang kapanahunan; at ang bato bato at ang langaylangayan at ang tagak ay nangagmamalas ng panahon ng pagdating ng mga yaon; nguni't hindi nalalaman ng aking bayan ang alituntunin ng Panginoon.

318
Mga Konsepto ng TaludtodAng Kawalang Katiyakan ng Masama

Bukod dito'y sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon. Mangabubuwal baga ang mga tao, at hindi magsisibangon uli? maliligaw baga ang isa, at hindi babalik?

319
Mga Konsepto ng TaludtodKatigasan laban sa DiyosMasama, Inilalarawan Bilang

Aking pinakinggan at narinig ko, nguni't hindi sila nagsalita ng matuwid: walang nagsisisi ng kaniyang kasamaan, na nagsasabi, Anong aking ginawa? bawa't isa'y lumilihis sa kaniyang lakad, gaya ng kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.

330
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang RelihiyonDumiAstrolohiyaBuwanBituin, MgaPagbabawas ng DumiButo, MgaWalang LibingPagsamba sa Diyus-diyusan ng BuwanDiyos na Hahatol sa mga Nananalig sa BituinAng Buwan

At kanilang ikakalat sa liwanag ng araw, at ng buwan, at ng lahat na natatanaw sa langit na kanilang inibig, at kanilang pinaglingkuran, at siya nilang sinundan, at siyang kanilang hinanap, at siyang kanilang sinamba: hindi mangapipisan, o mangalilibing man, sila'y magiging pinakasukal sa ibabaw ng lupa.

339
Mga Konsepto ng TaludtodButo, Mga

Sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ay ilalabas nila ang mga buto ng mga hari sa Juda, at ang mga buto ng kaniyang mga prinsipe, at ang mga buto ng mga saserdote, at ang mga buto ng mga propeta, at ang mga buto ng mga nananahan sa Jerusalem, mula sa kanilang mga libingan;

349
Mga Konsepto ng TaludtodIpataponKawalang-Pagasa, Larawan ngPagasa, Bunga ng KawalangHangarin na MamatayNakaligtas sa mga Bansa, MgaNakaligtas, Pananakot sa mgaPamilya, Pagibig saPagibig at PamilyaPamilya, Kamatayan sa

At ang kamatayan ay pipiliin na higit kay sa kabuhayan ng lahat ng naiwang nalabi rito sa masamang angkan, na nalabi sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

353
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Hinihingi ng Diyos para saWalang HumpayNagpapatuloy na KasalananTao, Panlilinlang sa mgaMga TumalikodPagtalikod sa Pananampalataya

Bakit nga ang bayang ito na Jerusalem ay tumatalikod ng walang hanggang pagtalikod? sila'y nagsisihawak na mahigpit ng karayaan, sila'y nagsisitangging bumalik.

440
Mga Konsepto ng TaludtodPanulatPaghinaBulaang KarununganGinawang Sinungaling ang DiyosMaling PaglalarawanPaglabag sa Kautusan ng DiyosPagiging Totoo

Paano ninyo sinasabi, Kami ay pantas, at ang kautusan ng Panginoon ay sumasaamin? Nguni't, narito, ang sinungaling na pangsulat ng mga escriba ay sumulat na may kasinungalingan.