Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 7

Jeremias Rango:

59
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote sa Lumang TipanLugar para sa Pangalan ng DiyosAng Unang Templo

Nguni't magsiparoon kayo ngayon sa aking dako na nasa Silo, na siyang aking pinagpatahanan ng aking pangalan nang una, at inyong tingnan kung ano ang aking ginawa dahil sa kasamaan ng aking bayang Israel.

64
Mga Konsepto ng TaludtodLugar para sa Pangalan ng Diyos

At magsisiparito at magsisitayo sa harap ko sa bahay na ito, na tinatawag sa aking pangalan, na mangagsasabi, Kami ay laya; upang inyong gawin ang lahat na kasuklamsuklam na ito?

72
Mga Konsepto ng TaludtodPaggalang sa Katangian ng DiyosPagnanakawLunggaKatayuan ng TemploLugar para sa Pangalan ng DiyosMagnanakaw, Mga

Ang bahay bagang ito na tinawag sa aking pangalan, naging yungib ng mga tulisan sa harap ng inyong mga mata? Narito, ako, ako nga ang nakakita, sabi ng Panginoon.

88
Mga Konsepto ng TaludtodPagwawalang-BahalaPakikinigPagtanggi sa DiyosPagbabantay ng DiyosPanawagan ng Diyos, Ilang TugonYaong mga Bumangon ng UmagaPagsasagawa ng Paulit-ulitIba pa na Hindi SumasagotMaagang Pagbangon

At ngayon, sapagka't inyong ginawa ang lahat ng gawang ito, sabi ng Panginoon, at nagsalita ako sa inyo, na ako'y bumabangong maaga at nagsasalita, nguni't hindi ninyo dininig: at aking tinawag kayo, nguni't hindi kayo sumagot:

113
Mga Konsepto ng TaludtodKumakain ng Karne

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Inyong idagdag ang inyong mga handog na susunugin sa inyong mga hain, at magsikain kayo ng laman.

134
Mga Konsepto ng TaludtodTiwala, Kakulangan ngLugar para sa Pangalan ng Diyos

Kaya't gagawin ko sa bahay na tinatawag sa aking pangalan, na inyong tinitiwalaan, at sa dakong ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang, ang gaya ng aking ginawa sa Silo.

148
Mga Konsepto ng TaludtodInuming HandogMinasang ArinaReynaHapag, MgaPanggatongMinamasa ang HarinaIba't ibang mga Diyus-diyusanPagkain para sa Ibang DiyosNananambahan sa mga Materyal na BagayNaglilingkod kay AserahPagtitipon

Ang mga anak ay nangamumulot ng kahoy, at ang mga ama ay nangagpapaningas ng apoy, at ang mga babae ay nangagmamasa ng masa, upang igawa ng mga tinapay ang reina ng langit, at upang magbuhos ng mga handog na inumin sa ibang mga dios, upang kanilang mungkahiin ako sa galit.

150
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggi sa Diyos, Bunga ngPinalayas mula sa Presensya ng Diyos

At akin kayong itatakuwil sa aking paningin, gaya ng pagkatakuwil ko sa lahat ninyong mga kapatid, sa buong binhi ni Ephraim.

172
Mga Konsepto ng TaludtodPananalangin para sa IbaItinakuwil, MgaHindi NananalanginNananalangin para sa IbaNananalanginPagsusumamoKahilingan

Kaya't huwag mong idalangin ang bayang ito, ni palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man, o mamagitan man ikaw sa akin; sapagka't hindi kita didinggin.

182
Mga Konsepto ng TaludtodHindi NapapawiAng mga Tao at Hayop ay Kapwa NaapektuhanSirain ang mga Puno

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking galit at ang aking kapusukan ay mabubuhos sa dakong ito, sa tao, at sa hayop, at sa mga punong kahoy sa parang, at sa bunga ng lupa: at masusupok, at hindi mapapatay.

190

Hindi mo ba nakikita kung ano ang kanilang ginagawa sa bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?

200
Mga Konsepto ng TaludtodPaninindigan sa DiyosEtika at BiyayaTaingaPaglalakadMasunurin sa DiyosAko ay Kanilang Magiging DiyosMasunurinSumusunod sa DiyosSumusunod

Kundi ang bagay na ito ang iniutos ko sa kanila, na aking sinasabi, Inyong dinggin ang aking tinig, at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan; at magsilakad kayo sa lahat ng daan na iniuutos ko sa inyo, sa ikabubuti ninyo.

204
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkatao na Paglalarawan saBalaam, Asno niBulaang Diyus-diyusanInialay na mga BataKawalang Pag-iisipAltar

At kanilang itinayo ang mga mataas na dako ng Topheth, na nasa libis ng anak ni Hinnom, upang sunugin ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy; na hindi ko iniuutos, o pumasok man sa aking pagiisip.

225
Mga Konsepto ng TaludtodAlay, MgaDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoAlay

Sapagka't hindi ako nagsalita sa inyong mga magulang, o nagutos man sa kanila nang araw na inilabas ko sila sa lupain ng Egipto, tungkol sa mga handog na susunugin, o sa mga hain:

233
Mga Konsepto ng TaludtodYamutinBunga ng KasalananKahihiyan ay DumatingNasasaktan

Kanila baga akong minumungkahi sa galit? sabi ng Panginoon; hindi baga sila namumungkahi sa kanilang sarili sa ikalilito ng kanila ring mukha?

257
Mga Konsepto ng TaludtodKatigasanDaanan ng KasalananSariling KaloobanPatalikodAng Masamang Hangarin ng PusoImahinasyonPansinPagtalikod mula sa Diyos

Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi nagsilakad sa kanilang sariling mga payo at sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso, at nagsiyaong paurong at hindi pasulong.

305
Mga Konsepto ng TaludtodRepormasyon

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Inyong pabutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at akin kayong patatahanin sa dakong ito.

320
Mga Konsepto ng TaludtodWalang TiwalaPositibong PananawMapagpaimbabaw, Larawan sa mgaNagtitiwala sa Mapanlinlang na mga BagayKatayuan ng TemploPagtitiwala

Huwag kayong magsitiwala sa mga kabulaanang salita, na nangagsasabi, Ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ay ang mga ito.

327
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang PitaganKasuklamsuklam, Pagsamba sa Diyus-diyusan ayKasuklamsuklam, Kasalanan ayKarumihan, Mga

Sapagka't nagsigawa ang mga anak ni Juda ng masama sa aking paningin, sabi ng Panginoon: kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay na tinatawag sa aking pangalan, upang lapastanganin.

329
Mga Konsepto ng TaludtodSalinlahiBuhok, MgaTumatangisPagtangisPagtanggi sa Diyos, Bunga ngAwit, MgaBarberoGalit ng Diyos, Dulot ngGinugupitan ang BuhokSaliw ng Kalungkutan

Iyong gupitin ang iyong buhok, Oh Jerusalem, at ihagis mo, at maglakas ka ng panaghoy sa mga luwal na kaitaasan; sapagka't itinakuwil ng Panginoon at nilimot ang lahat ng kaniyang poot.

340
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kilos ngGawa ng Diyos sa IsraelTagapamagitanMinisteryo, Katangian ngUmali sa EhiptoYaong mga Bumangon ng UmagaPanahon ng mga Tao

Mula nang araw na ang inyong mga magulang ay magsilabas sa lupain ng Egipto hanggang sa araw na ito, aking sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na araw-araw ay bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila:

341
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabagoPakikitungo sa Iba

Sapagka't kung inyong lubos na pabubutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa; kung kayo'y lubos na magsisigawa ng kahatulan sa isang tao at sa kaniyang kapuwa.

346
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigPropesiya, Paraan sa Lumang TipanPagsamba, Nararapat na Paguugali saNakatayo sa Pasukan

Ikaw ay tumayo sa pintuang-daan ng bahay ng Panginoon, at itanyag mo roon ang salitang ito, at iyong sabihin, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa Juda, na nagsisipasok sa mga pintuang-daang ito upang magsisamba sa Panginoon.

348
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Pananalig, Bilang Tugon sa DiyosPagkabulokMatitigas na Ulo, Mga

Gayon ma'y hindi sila nangakinig sa akin, o nangagkiling man ng kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg: sila'y nagsigawa ng lalong masama kay sa kanilang mga magulang.

355
Mga Konsepto ng TaludtodPayo, Pagtanggap ngSariling KaloobanYaong Laban sa KatotohananLaban sa Katotohanan

At iyong sasabihin sa kanila, Ito ang bansang hindi nakinig sa tinig ng Panginoon nilang Dios, o tumanggap man ng aral: katotohanan ay nawala, at nahiwalay sa kanilang bibig.

357
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaPaniniil, Katangian ngBalo ay Hindi Dapat Na, Ang MgaPagpapadanakPaniniil sa mga BanyagaIba't ibang mga Diyus-diyusanHuwag PumatayParusa sa Paglilingkod sa mga Diyus-diyusan

Kung hindi ninyo pipighatiin ang makikipamayan, ang ulila, at ang babaing bao, at hindi kayo magbububo ng walang salang dugo sa dakong ito, o susunod man sa ibang mga dios sa inyong sariling kapahamakan.

365
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbigay ng Lupain

Ay patatahanin ko nga kayo sa dakong ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang mula ng una hanggang sa walang hanggan.

376
Mga Konsepto ng TaludtodIba pa na Hindi SumasagotPakikinig sa Diyos

At iyong sasalitain ang lahat na salitang ito sa kanila; nguni't hindi sila mangakikinig sa iyo: iyo namang tatawagin sila; nguni't hindi sila magsisisagot sa iyo.

438
Mga Konsepto ng TaludtodSalita ng DiyosPagsasalita ng Ibinigay na Salita ng Diyos

Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa Panginoon na nagsasabi,

604
Mga Konsepto ng TaludtodAng PatayHindi Inilibing na mga KatawanHayop, Kumakain ng Tao ng mgaKinakain ang mga BangkayKakulangan sa Maayos na LibingIbon, Mga

At ang mga bangkay ng bayang ito ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa; at walang bubugaw sa mga yaon.

624
Mga Konsepto ng TaludtodKulang na mga LibinganPagpatay na MangyayariWalang SilidLibingan

Kaya't, narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na siya tatawaging Topheth, o ang libis ng anak ni Hinnom man, kundi Ang libis ng Patayan: sapagka't sila'y mangaglilibing sa Topheth, hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan.

660
Mga Konsepto ng TaludtodLalaking IkakasalMga Babaing IkakasalPag-aasawa, Kaugalian tungkol saTinig, MgaKasal, MgaPagtigilPigilan ang PagsasayaKakulangan sa Kagalakan

Kung magkagayo'y aking ipatitigil sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae: sapagka't ang lupain ay masisira.