Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Joel

  • Kapitulo
    1 2 3

Joel Rango:

1
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaBabae, MgaBautismo, Kahalagahan ngPanaginipPatnubay ng Diyos, Pagtanggap ngAnak, MgaIbinubuhosPangitain, MgaKinasihan ng Espiritu Santo, Katangian ngPropetesaPagasa para sa mga MatatandaPangitain mula sa DiyosMga Pinagpalang BataPagpapahayag ng Propesiya sa IglesiaTao, Kanyang Relasyon sa Diyos

At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:

2
Mga Konsepto ng TaludtodHardin ng Eden, AngEdenInaasahanApoy ng KahatulanWalang Takas

Isang apoy ang sumusupok sa harap nila; at sa likuran nila'y isang liyab ang sumusunog: ang lupain ay parang halamanan sa Eden sa harap nila, at sa likuran nila'y isang sirang ilang; oo, at walang nakatanan sa kanila.

3
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PANGINOONPatutunguhan at KapalaranPanawagan sa DiyosHuling mga ArawNalabiPagsagipZion, Bilang LugarPagtakas mula sa Taung-BayanNakaligtas, Lingap sa mga

At mangyayari na ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagka't sa bundok ng Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan, gaya ng sinabi ng Panginoon, at sa nangalabi ay yaong mga tinatawag ng Panginoon.

4
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpetaPaparating na PangyayariGrupong NanginginigAng Katotohanan ng Araw na IyonNalalapit na Panahon, PangkalahatanTrumpeta sa Katapusan, MgaTambol, Mga

Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, at mangagpatunog kayo ng hudyat sa aking banal na bundok; manginig ang lahat na mananahan sa lupain: sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, sapagka't malapit na;

6
Mga Konsepto ng TaludtodKabayo, MgaMabilis TumakboPagpapakitaPagpapakita ng

Ang anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo; at kung paano ang mga mangangabayo, gayon sila nagsisitakbo.

7
Mga Konsepto ng TaludtodBilisAno ba ang ating Pagkakatulad?Diyos, Hihingin ngTrabaho na Malapit na Matapos

Oo, at ano kayo sa akin. Oh Tiro, at Sidon, at buong lupain ng Filistia? gagantihin baga ninyo ako? at kung ako'y inyong gantihin, maliksi at madali na aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo.

8
Mga Konsepto ng TaludtodHuling mga Araw

Sapagka't, narito, sa mga kaarawang yaon, at sa panahong yaon, pagka aking ibabalik ang mangabihag sa Juda at Jerusalem.

9
Mga Konsepto ng TaludtodInsektoTaggutom, Sanhi ngKatepilarBalang, MgaPaghihirap, Katangian ngSagisag, MgaPagkawasak ng mga HalamanPagtitipon ng PagkainNatitirang Pagkain

Ang iniwan ng tipaklong, ay kinain ng balang; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig.

10
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kahabagan ngDiyos, Katiyagaan ngDiyos, Pagsisisi ngBiyaya sa Lumang TipanMapagtanggap, PagigingPagsisis, Katangian ngPagpipigilDiyos na MapagbiyayaPagtitiyaga ng DiyosPagbabalik sa DiyosHindi Pinupunit ang DamitBilis ng Galit ng DiyosPagkaantala ng Ikalawang PagparitoPagsukoLikas na mga SakunaSugatang PusoWalang TigilKabuoan

At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.

11
Mga Konsepto ng TaludtodAlkoholLabiAlakPagkalangoAlkohol, Paggamit ngKakapusan ng AlakWalang PagkainGumising!Lasenggero

Magsibangon kayo, kayong mga manglalasing, at magsiiyak kayo; at manambitan kayo, kayong lahat na manginginom ng alak, dahil sa matamis na alak; sapagka't nahiwalay sa inyong bibig.

12
Mga Konsepto ng TaludtodIngayLumulundagGulong, MgaSinasalakay gamit ang KarwaheNilalang, Tumatalon na mgaPagsunog sa mga HalamanIngayUmugong

Parang ingay ng mga karo sa mga taluktok ng mga bundok nagsisilukso sila, parang hugong ng liyab ng apoy na sumusupok sa dayami, parang isang matibay na bayan na humahanay sa pagbabaka.

13
Mga Konsepto ng TaludtodPangangagatMakabayanNgipinDiyos na MapagbiyayaNilalang na Katulad ng mga LeonMaraming mga NilalangBansang mga Sumalakay sa Israel, Mga

Sapagka't isang bansa ay sumampa sa aking lupain, malakas at walang bilang; ang kaniyang mga ngipin ay mga ngipin ng leon, at siya'y may bagang ng malaking leon.

14
Mga Konsepto ng TaludtodPutiBagay na Hinubaran, MgaMga Bunga at Dahon

Kaniyang iniwasak ang aking puno ng ubas, at ibinagsak ang aking puno ng igos: kaniyang tinalupang malinis at inihagis; ang mga sanga niyao'y naging maputi.

16
Mga Konsepto ng TaludtodTrigoPag-AaniTrabahoSinisira ang UbasaTagapagararoHindi Inaani ang Iyong Itinanim

Mangahiya kayo, Oh kayong mga mangbubukid, manambitan kayo, Oh kayong mga maguubas, dahil sa trigo at dahil sa cebada; sapagka't ang pagaani sa bukid ay nawala.

17
Mga Konsepto ng TaludtodPangitain

Sa kanilang harapan ay nangahihirapan ang mga bayan; lahat ng mukha ay nangamumutla.

18
Mga Konsepto ng TaludtodAlkoholKatuyuanLangisAlakPagkawasak ng mga HalamanKakapusan ng AlakProbisyon ng LangisWalang PagkainPagtangis dahil sa Pagkawasak

Ang bukid ay sira, ang lupain ay nahahapis; sapagka't ang trigo ay sira, ang bagong alak ay tuyo, ang langis ay kulang.

19
Mga Konsepto ng TaludtodKumuha ng mga Pinahalong Metal

Yamang inyong kinuha ang aking pilak at aking ginto, at inyong dinala sa inyong mga templo ang aking mainam at maligayang mga bagay,

20
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon ng IsraelHalimbawa ng PamumunoPagaayunoPagaayuno at PananalanginMatatanda, Mga

Mangaghayag kayo ng ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan, inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios, at magsidaing kayo sa Panginoon.

21
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasagawa ng Butil na Handog sa DiyosMga Taong Tumatangis sa PagkawasakKarne, Handog na

Ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng Panginoon; ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, ay nangananangis.

22
Mga Konsepto ng TaludtodPalma, Puno ngBungaPuno ng IgosKatuyuanMansanasGranada, Prutas naSirain ang mga PunoKakulangan sa Kagalakan

Ang puno ng ubas ay natuyo, at ang puno ng higos ay nalalanta; ang puno ng granada, ang puno ng palma ay gayon din at ang puno ng manzanas, lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo; sapagka't ang kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao.

23
Mga Konsepto ng TaludtodKilos at GalawTelaSako at AboMagdamag na PananalanginDinaramtan ang SariliPagsasagawa ng Butil na Handog sa Diyos

Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, at magsipanaghoy kayong mga saserdote; manambitan kayo, kayong mga tagapangasiwa ng dambana; halikayo, magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang, kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios: sapagka't ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios.

24
Mga Konsepto ng TaludtodSunod sa AntasHuwag Humadlang

Ni nagtutulakan mang isa'y isa; sila'y lumalakad bawa't isa sa kanikaniyang landas; at sila'y magsisisagupa sa mga almas, at hindi sila malalansag.

25
Mga Konsepto ng TaludtodKamaligTrigoPagiimbakTitulo at Pangalan ng mga Ministro

Ang mga binhi ay nangabubulok sa kanilang bugal; ang mga kamalig ay nangakahandusay na sira, ang mga imbakan ay bagsak; sapagka't ang trigo ay natuyo.

26
Mga Konsepto ng TaludtodSundalo, MgaDiyos na MapagbiyayaMabilis TumakboMaayos na HukboPagtagumpayan ang mga Hadlang

Sila'y nagsisitakbong parang mga malakas na lalake; sila'y nagsisipagalambitin sa kuta na parang mga lalaking mangdidigma; at sila'y nagsisilakad bawa't isa ng kanikaniyang mga lakad, at hindi nila binabago ang kanilang mga hanay.

27
Mga Konsepto ng TaludtodKatuyuanTubig, NatutuyongPagsunog sa mga HalamanBatis

Oo, ang mga hayop sa bukid ay nagsisihingal sa iyo; sapagka't ang mga batis ng tubig ay nangatuyo, at sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang.

28
Mga Konsepto ng TaludtodTahananMalayo mula rito

At ipinagbili ang mga anak ng Juda at ang mga anak ng Jerusalem ay inyong ipinagbili sa mga anak ng mga taga Grecia, upang inyong mailayo sa kanilang hangganan;

29
Mga Konsepto ng TaludtodBaka

Ganyan na lamang ang ungal ng mga hayop! ang mga kawan ng mga hayop ay natitigilan, sapagka't wala silang pastulan; oo, ang mga kawan ng tupa ay nangapahamak.

30
Mga Konsepto ng TaludtodWalang PagkainKakulangan sa Kagalakan

Hindi baga ang pagkain ay nahiwalay sa ating mga mata, oo, ang kagalakan at ang kasayahan ay nahiwalay sa bahay ng ating Dios?

31
Mga Konsepto ng TaludtodPanawagan sa DiyosPagsunog sa mga HalamanSirain ang mga PunoAko ay Nananalangin

Oh Panginoon, sa iyo'y dumadaing ako: sapagka't sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang, at sinunog ng liyab ang lahat na punong kahoy sa parang.

32
Mga Konsepto ng TaludtodNilalang, Tumatalon na mgaKabahayan, Nilulusob na mgaMagnanakaw, MgaMga LoloTumatalon

Kanilang nilulukso ang bayan; kanilang tinatakbo ang kuta; kanilang pinagaalambitinan ang mga bahay; sila'y nagsisipasok sa mga dungawan na parang magnanakaw.

33
Mga Konsepto ng TaludtodKawikaanLabas, Mga TaongSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanBalkonaheDiyos na Hindi UmiiralSinasawayNasaan ang Diyos?

Manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag mong ibigay ang iyong bayan sa kakutyaan, na ang mga bansa baga'y magpuno sa kanila: bakit nila sasabihin sa gitna ng mga bayan, Saan nandoon ang kanilang Dios?

34
Mga Konsepto ng TaludtodKalakasanDiyos, Hihingin ng

Narito, aking pasisiglahin sila sa dako na inyong pinagbilhan sa kanila, at aking ibabalik ang inyong kagantihan sa inyong sariling ulo;

35
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Sigasig ngPaninibughoSinagot na PangakoDiyos, Magpapakita ng Awa angDiyos, Pakikialam ngKahabaghabag

Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan.

36
Mga Konsepto ng TaludtodLalaking IkakasalMga Babaing IkakasalDibdib, Pangangalaga ng InaAparadorKasal, MgaDiyos na MapagbiyayaPagtitipon ng IsraelLumabasPakikitungo sa mga KabataanGinawang Banal ang BayanPagpapakabanalAng MatatandaMatatanda, MgaMagkabiyakDibdibPagtitipon

Tipunin ninyo ang bayan, banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matanda, tipunin ang mga bata, at yaong mga pasusuhin; lumabas ang bagong kasal na lalake sa kaniyang silid, at ang bagong kasal na babae sa kaniyang silid.

37
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan at Panukat ng DistansyaMga Batang NaghihirapMalayo mula rito

At aking ipagbibili ang inyong mga anak na lalake at babae sa kamay ng mga anak ni Juda, at ipagbibili nila sila sa mga tao sa Seba, sa isang bansang malayo: sapagka't sinalita ng Panginoon.

38
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaKaburulanKabanalan bilang Ibinukod sa DiyosDumaan sa GitnaZion, Bilang SagisagMga Banyaga sa Banal na DakoAko ay Kanilang Magiging DiyosKadalisayan ng Bagong NilalangDiyos na Nananahan sa Jerusalem

Sa gayo'y inyong malalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios, na tumatahan sa Sion, na aking banal na bundok: kung magkagayo'y magiging banal ang Jerusalem, at hindi na daraan pa sa kaniya ang mga taga ibang lupa.

39
Mga Konsepto ng TaludtodPinuputulanSibat, MgaKagamitanKahinaan, Espirituwal naAlanganing DamdaminWalang Lakas na Lampasan

Gawin ninyong mga tabak ang inyong mga sudsod, at mga sibat ang inyong mga karit: magsabi ang mahina, Ako'y malakas.

40
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasagawa ng Butil na Handog sa Diyos

Sinong nakakaalam kung siya'y hindi magbabalik-loob, at magsisisi, at magiiwan ng isang pagpapala sa likuran niya, ng handog na harina, at ng inuming handog sa Panginoon ninyong Dios?

41
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahanMasagana ang AlakProbisyon ng LangisMasagana sa Pamamagitan ng DiyosDiyos na Nagpapakain sa Daigdig

At ang Panginoon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang bayan, Narito, ako'y magdadala sa inyo ng trigo, at alak, at langis, at inyong kabubusugan; at hindi ko na gagawin pa kayo na kakutyaan sa gitna ng mga bansa;

43
Mga Konsepto ng TaludtodBaogBaog na LupainAmoyMediteraneo, DagatDagat na PulaPagbabalik Mula sa HilagaTuyong mga LugarHarap at Likod

Kundi aking ihihiwalay na malayo sa inyo ang hukbo sa hilagaan, at aking itataboy siya sa isang lupaing basal at sira, ang kaniyang unaha'y sa dagat silanganan, at ang kaniyang pinakahuling bahagi ay sa dagat kanluran; at ang kaniyang baho ay aalingasaw, at ang masamang amoy ay iilanglang, sapagka't siya'y gumawa ng mga malaking bagay.

44
Mga Konsepto ng TaludtodKumakainPapuriHindi NahihiyaTalumpati, Mabuting Aspeto ngMasagana sa Pamamagitan ng DiyosHindi Inilagay sa KahihiyanPurihin ang Diyosl sa Kanyang PagpapalaPagkaunsamiPagiging Kontento

At kayo'y magsisikaing sagana, at mangabubusog, at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Dios, na gumawa ng kababalaghan sa inyo; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya kailan man.

45
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomKahatulan, Luklukan ngNauupoKalakasanPagkagising

Magpakasigla ang mga bansa, at magsisampa sa libis ni Josaphat; sapagka't doo'y uupo ako upang hatulan ang lahat na bansa sa palibot.

46
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon sa Ibang mga BansaPinagmamadali ang Iba

Mangagmadali kayo, at magsiparito kayong lahat na bansa sa palibot, at magpipisan kayo: iyong pababain doon ang iyong mga makapangyarihan, Oh Panginoon.

47
Mga Konsepto ng TaludtodPag-AaniKalaguang PisikalKaritPagtatanim at PagaaniPampiga ng UbasKasaganahan, Materyal naPagtapak sa mga UbasSisidlang Balat ng Alak

Gamitin ninyo ang karit; sapagka't ang aanihin ay hinog na: kayo'y magsiparito, at magsiyapak; sapagka't ang alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay inaapawan; sapagka't ang kanilang kasamaan ay malaki.

48
Mga Konsepto ng TaludtodGiikanMasagana ang AlakMasagana sa Pamamagitan ng DiyosSisidlang Balat ng Alak

At ang mga lapag ay mangapupuno ng trigo, at ang mga kamalig ay aapawan ng alak at langis.

49
Mga Konsepto ng TaludtodBatisPuno ng UbasHayop, Pangangalaga sa mgaBerdePamumungaTakot at mga Hayop

Huwag kayong mangatakot, kayong mga hayop sa parang; sapagka't ang mga pastulan sa ilang ay lumalago, sapagka't ang punong kahoy ay nagbubunga, ang puno ng higos at ang puno ng ubas ay nagbubunga.

50
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PanginoonWalang Iba na DiyosDiyos ay SumasainyoAko ay Kanilang Magiging DiyosPagkakaalam tungkol sa Kaharian ng Diyos

At inyong malalaman na ako'y nasa gitna ng Israel, at ako ang Panginoon ninyong Dios, at wala nang iba; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man.

51
Mga Konsepto ng TaludtodAlkoholProstitusyonKalakalAlakKumuha ng AlakHalaga ng mga TaoKabayaraan sa Bayarang BabaePangaabuso sa BataHalaga na Inilagay sa Ilang TaoKabataan

At kanilang pinagsapalaran ang aking bayan, at kanilang ibinigay ang isang batang lalake dahil sa isang patutot, at ipinagbili ang isang batang babae dahil sa alak, upang sila'y mangakainom.

52
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Muwang na DugoAng Propesiya sa EdomPagpapadanakPagkawasak ng mga BansaKarahasan sa LupaPagpatay sa Walang Sala

Ang Egipto ay masisira, at ang Edom ay magiging ilang na sira, dahil sa karahasang ginawa sa mga anak ni Juda, sapagka't sila'y nagbubo ng walang salang dugo sa kanilang lupain.

53
Mga Konsepto ng TaludtodTirahanJerusalem

Nguni't ang Juda'y tatahan magpakailan man, at ang Jerusalem ay sa sali't saling lahi.

54
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Pagpapalaya na Mula sa DiyosDiyos na Nananahan sa JerusalemPanlinis

At aking lilinisin ang kanilang dugo na hindi ko nilinis: sapagka't ang Panginoon ay tumatahan sa Sion.

55
Mga Konsepto ng TaludtodLagay ng Panahon, Paghahari ng Diyos saKasaganahan, Materyal naPangalan at Titulo para sa KristyanoDiyos na Naghatid ng UlanHuli, PagigingTagsibolPagtatanggol

Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan, sa unang buwan.

56
Mga Konsepto ng TaludtodLingkod ng PanginoonLingkod ng mga tao

At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu.

57
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PANGINOONMakapangyarihan sa Lahat, AngDiyos na LumilipolAng Katotohanan ng Araw na IyonNalalapit na Panahon, Pangkalahatan

Sa aba ng araw na yaon! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, at darating na parang kagibaan na mula sa Makapangyarihan sa lahat.

58
Mga Konsepto ng TaludtodArmagedonMakabayanBayan ng Diyos sa Lumang TipanKahatulanPangalan at Titulo para sa IglesiaPagtitipon sa Ibang mga Bansa

Aking pipisanin ang lahat na bansa, at aking ibababa sila sa libis ni Josaphat; at ako'y makikipagtanggol sa kanila roon dahil sa aking bayan at dahil sa aking manang Israel, na kanilang pinangalat sa mga bansa, at binahagi ang aking lupain,

59
Mga Konsepto ng TaludtodBukalAlkoholUmiinomKaburulanMessias, Panahon ngGatasPagaari na KabahayanAlakBukal ng BuhayMasagana ang AlakMatalinghagang TagsibolPagpapala mula sa KabundukanBukal, Talinghagang Gamit ngMilenyal na PaghahandogBatis

At mangyayari sa araw na yaon, na ang mga bundok ay tutuluan ng matamis na alak, at ang mga burol ay aagusan ng gatas, at ang lahat na batis ng Juda ay aagusan ng mga tubig; at isang bukal ay babalong sa bahay ng Panginoon, at didiligin ang libis ng Sittim.

61
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PANGINOONAstronomiyaBuwanHimpapawidEklipse, MgaDiyos na Nagyayanig sa DaigdigNanginginigNagdidilim na Araw, Buwan at mga BituinKadiliman sa KatapusanTatak ng Kahatulan

Ang lupa ay nayayanig sa harap nila; ang langit ay nanginginig; ang araw at ang buwan ay nagdidilim at itinitigil ng mga bituin ang kanilang kislap:

62
Mga Konsepto ng TaludtodKulisap

Ang salita ng Panginoon na dumating kay Joel na anak ni Pethuel.

63
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng PanahonKatepilarInsektoBalang, MgaPagbabagoKanserMaligamgamRehabilitasyonUod

At aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo.

65
Mga Konsepto ng TaludtodNatatanging mga PangyayariMatatanda, Mga

Dinggin ninyo ito, ninyong mga matanda, at pakinggan ninyo, ninyong lahat na mananahan sa lupain. Nagkaroon baga nito sa inyong mga kaarawan o sa mga kaarawan ng inyong mga magulang?

66
Mga Konsepto ng TaludtodTanggulang Gawa ng DiyosDiyos na ating BatoHimpapawidKidlatTanggulanZion, Bilang SagisagNanginginigDiyos na NagsasalitaZionKidlat na Kapahayagan ng Hatol ng Diyos

At ang Panginoo'y aangal mula sa Sion, at palalakasin ang kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang langit at ang lupa ay mangayayanig: nguni't ang Panginoon ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan, at katibayan sa mga anak ni Israel.

67
Mga Konsepto ng TaludtodMaraming mga KalabanHuling mga ArawKidlatMaayos na HukboAng Katotohanan ng Araw na IyonPagiging MatatagDiyos bilang MandirigmaDiyos na NagsasalitaMga Taong NagulatNakaligtasAng Presensya ng DiyosSandatahang-LakasKidlat na Kapahayagan ng Hatol ng Diyos

At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at sinong makatatahan?

68
Mga Konsepto ng TaludtodKalakasanHanda na sa DigmaanPaghahandaDigmaanLabananBayani, Mga

Itanyag ninyo ito sa mga bansa: mangaghanda kayo ng digma; pasiglahin ninyo ang mga malakas na lalake; magsilapit ang lahat na lalaking mangdidigma, sila'y magsisampa.

70
Mga Konsepto ng TaludtodAno ang Ginagawa ng DiyosHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay TutulongLupain

Huwag kang matakot, Oh lupain, ikaw ay matuwa at magalak; sapagka't ang Panginoon ay gumawa ng dakilang mga bagay.

72
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpetaPagtitipon ng IsraelTrumpeta para sa PagdiriwangPagaayuno

Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;

73
Mga Konsepto ng TaludtodItimKalakihanMadilim na mga ArawNatatanging mga PangyayariMalaking Hukbo

Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.