Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Josue 3

Josue Rango:

16
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Gamit ngHindi Lumalapit sa DiyosHindi NagagamitDistansyaKalawakan

Gayon ma'y magkakapagitan sa inyo at sa kaban ng may dalawang libong siko ang sukat: huwag ninyong lapitan, upang alamin ang daan na inyong marapat paroonan; sapagka't hindi pa ninyo nararaanan ang daang ito ng una.

71
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Pagsasalarawan saKaban, Ang Paglilipat-lipat saPagtawid tungo sa Lupang PangakoIlog, Tawiran ngBagay Na Nauuna, MgaSaserdote, Gawain ngKaban ng Tipan

At nagsalita si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, Buhatin ninyo ang kaban ng tipan at magpauna kayo sa bayan. At kanilang binuhat ang kaban ng tipan, at nagpauna sa bayan.

79

At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Magsilapit kayo at dinggin ninyo ang mga salita ng Panginoon ninyong Dios.

80
Mga Konsepto ng TaludtodKatiyakan, Katangian ngDiyos sa piling ng mga TaoPinagmumulan ng Dangal

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay pasisimulan kong padakilain ka sa paningin ng buong Israel, upang kanilang makilala, na kung paanong ako'y suma kay Moises ay gayon ako sasaiyo.

97
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanNakatayoHindi GumagalawPagdating sa KapahingahanPaglalakad sa Gitna ng TubigSa JordanSaserdote, Gawain ngSaserdote, Mga

At iyong uutusan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan, na iyong sasabihin, Pagka kayo'y dumating sa tabi ng tubig ng Jordan, ay tumigil kayo sa Jordan.

112
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ay Buhay at Umiiral sa SariliJerusalem, Kasaysayan ngPagkakakilala sa DiyosHukbo, Laban sa IsraelDiyos ay Sumasainyo

At sinabi ni Josue, Sa ganito ay inyong makikilala na ang buhay na Dios ay nasa gitna ninyo, at walang pagsalang kaniyang itataboy sa harap ninyo ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Heveo, at ang Pherezeo, at ang Gergeseo, at ang Amorrheo, at ang Jebuseo.

116
Mga Konsepto ng TaludtodUmagaBumangon, MaagangPagtawid tungo sa Lupang PangakoIlog, Tawiran ngYaong mga Bumangon ng Umaga

At bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan; at sila'y umalis sa Sittim at napasa Jordan, siya at ang lahat na mga anak ni Israel; at sila'y tumigil doon bago sila tumawid.

117
Mga Konsepto ng TaludtodKaban, Ang Paglilipat-lipat saSa JordanKalikasan ng DiyosBagay Na Nauuna, Mga

Narito, ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong lupa ay nagpapauna sa inyo sa Jordan.

130
Mga Konsepto ng TaludtodPag-AaniPaglalakad sa Gitna ng TubigPamamagaPaa sa Pagsasakatuparan

At nang dumating sa Jordan ang mga may dala ng kaban, at ang mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ay nabasa sa gilid ng tubig, (sapagka't inaapawan ng Jordan ang lahat niyang pangpang sa buong panahon ng pagaani,)

136
Mga Konsepto ng TaludtodBagay Na Nauuna, MgaSaserdote, Gawain ng

At nangyari nang umalis ang bayan sa kanilang mga tolda, upang tumawid sa Jordan, ay nasa unahan ng bayan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan;

138
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang na Labing DalawaLabing Dalawang Tribo

Ngayon nga ay kumuha kayo ng labing dalawang lalake sa mga lipi ni Israel, na isang lalake sa bawa't lipi.

147
Mga Konsepto ng TaludtodDagat na PulaPagtawid tungo sa Lupang PangakoRosas

Na ang tubig na bumababang mula sa itaas ay tumigil, at nagisang bunton na malayo sa kanila, sa Adam, na bayang nasa tabi ng Sarethan: at yaong nagsisibaba sa dagat ng Araba, na Dagat na Alat ay lubos na nahawi: at ang bayan ay tumawid sa tapat ng Jerico.

154
Mga Konsepto ng TaludtodDaigdig ay Pag-aari ng DiyosPagkakaroon ng BungaPagtigilTuyong LupaPaa sa PagsasakatuparanSa JordanKalikasan ng DiyosBagay na Humihinto, Mga

At mangyayari, na pagka ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ng Panginoon, ng Panginoon ng buong lupa, ay titigil sa tubig ng Jordan, na ang tubig ng Jordan ay mahahawi, sa makatuwid baga'y ang tubig na bumababang mula sa itaas; at magiisang bunton.

169
Mga Konsepto ng TaludtodTuyong LupaSa JordanSaserdote, Gawain ng

At ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ay tumayong panatag sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan; at ang buong Israel ay dumaan sa tuyong lupa, hanggang sa nakatawid na lubos sa Jordan ang buong bansa.

235
Mga Konsepto ng TaludtodKaban, Ang Paglilipat-lipat saSaserdote, Gawain ng

At sila'y nagutos sa bayan, na sinasabi, Pagka inyong nakita ang kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, at dinadala ng mga saserdote na Levita, ay kikilos nga kayo sa inyong dako at susunod doon.

251

At nangyari pagkatapos ng tatlong araw, na ang mga pinuno ay napasa gitna ng kampamento;