Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Josue 2

Josue Rango:

26
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nakilala

At ang hari sa Jerico ay nagsugo kay Rahab, na sinasabi, Ilabas mo ang mga lalake na naparito sa iyo, na pumasok sa iyong bahay; sapagka't sila'y naparito upang kilalanin ang buong lupain.

43
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging MatulunginMga Taong Nagtatago ng mga TaoMakaDiyos na BabaeLalake at BabaePagtatago

At ipinagsama ng babae ang dalawang lalake at ikinubli, at sinabi niya, Oo, ang mga lalake ay naparito sa akin, nguni't hindi ko talastas kung sila'y taga saan:

66
Mga Konsepto ng TaludtodPlaksKabahayan, MgaPagiimbakSa Tuktok ng BahayBubunganMga Taong Nagtatago ng mga Tao

Nguni't kaniyang isinampa sila sa bubungan, at ikinubli sa mga puno ng lino, na kaniyang inilagay na maayos sa bubungan.

67
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanIpinipinid ang Tarangkahan

At nangyari, sa may oras ng pagsasara ng pintuang-bayan, nang madilim na, na ang mga lalake ay lumabas; hindi ko talastas kung saan naparoon ang mga lalaking yaon; habulin ninyong madali sila; sapagka't inyo silang aabutan.

89
Mga Konsepto ng TaludtodPesimismoMadali para sa mga TaoPagkawala ng TapangWalang Lakas

At sinabi niya sa mga lalake, Talastas ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain, at dinatnan kami ng pangingilabot sa inyo at ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo.

94
Mga Konsepto ng TaludtodIlog at Sapa, MgaHinahanap na mga TaoIpinipinid ang TarangkahanTumawid na Ilog

At hinabol ng mga tao sila sa daan na patungo sa Jordan hanggang sa mga tawiran: at pagkalabas ng humabol sa kanila, ay kanilang sinarhan ang pintuang-bayan.

99
Mga Konsepto ng TaludtodBubongBubungan

At bago sila nahiga, ay sinampa niya sila sa bubungan.

104
Mga Konsepto ng TaludtodKatuyuanMoises, Buhay niPagkalipolTuyong LupaDiyos na Tinutuyo ang mga Bagay-bagayDaan sa Gitna ng DagatAng Dagat ay NahatiDalawa Pang LalakeRehabilitasyon

Sapagka't aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Mapula sa harap ninyo, nang kayo'y lumabas sa Egipto; at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako roon ng Jordan, kay Sehon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa.

113
Mga Konsepto ng TaludtodPanunumpa

Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, sumumpa kayo sa akin sa pangalan ng Panginoon, na kung paanong ako'y nagmagandang loob sa inyo ay magmamagandang loob naman kayo sa sangbahayan ng aking magulang, at bibigyan ninyo ako ng tunay na tanda;

132
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Naghahari sa LahatPuso ng TaoTao, Damdamin ngKatapanganPagkawala ng TapangAng Panginoong Yahweh ay DiyosKatapanganKatapangan at Lakas

At pagkabalita namin, ay nanglumo ang aming puso, ni walang diwa na naiwan sa kanino mang tao, dahil sa inyo; sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.

150
Mga Konsepto ng TaludtodPinapanatiling Buhay ng mga TaoKamatayan ng isang Kaanib ng PamilyaKamatayan ng isang InaKamatayan ng isang AmaPamilya, Kamatayan saPagiingat sa Iyong Pamilya

At inyong ililigtas na buhay ang aking ama, at ang aking ina, at ang aking mga kapatid na lalake at babae, at ang lahat nilang tinatangkilik, at inyong ililigtas ang aming mga buhay sa kamatayan.

156
Mga Konsepto ng TaludtodKaburulanTatlong ArawPagtakas tungo sa KabundukanPagtatago mula sa mga Tao

At sinabi niya sa kanila, Pumaroon kayo sa bundok, baka kayo'y abutan ng manghahabol sa inyo; at kayo'y magkubli roon na tatlong araw, hanggang sa magsibalik ang mga manghahabol: at pagkatapos ay makayayaon kayo ng inyong lakad.

161
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa Pakikitungo sa TaoGantimpala ng TaoPag-uusapHuwag SabihinPagpapalitan ng mga Tao

At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Ang aming buhay ay ilalagak namin sa inyo, kung hindi ninyo ihahayag itong aming pakay; at mangyayari, na pagka ibinigay sa amin ng Panginoon ang lupain, kami ay magmamagandang loob at magtatapat sa inyo.

165
Mga Konsepto ng TaludtodLungsodLubidPader, MgaIbinababa mula sa BintanaIbinababang mga Tao

Nang magkagayo'y kaniyang pinababa sila sa pamamagitan ng isang lubid sa dungawan: sapagka't ang kaniyang bahay ay nasa kuta ng bayan, at siya'y tumatahan sa kuta.

187

At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Kami ay hindi magpapakasala sa sumpang ito, na iyong ipinasumpa sa amin.

205
Mga Konsepto ng TaludtodNagsasabi tungkol sa Kilos

At ito'y nasaysay sa hari sa Jerico, na sinasabi, Narito, may mga lalake, sa mga anak ni Israel na pumasok dito ngayong gabi upang kilalanin ang lupain.

207
Mga Konsepto ng TaludtodLubidPulang Tali, MgaPagtitipon ng mga Kaibigan

Narito, pagka kami ay pumasok sa lupain, ay iyong itatali itong panaling pula sa dungawan na iyong pinagpababaan sa amin: at iyong pipisanin sa iyo sa loob ng bahay ang iyong ama, at ang iyong ina, at ang iyong mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng iyong ama.

218

Nguni't kung iyong ihayag itong aming pakay, ay hindi namin ipagkakasala ang pagkapanumpa sa iyo, na iyong ipinapanumpa sa amin.

225
Mga Konsepto ng TaludtodKasunduan, Pagsasagawa ngLubidPulang Tali, Mga

At kaniyang sinabi, Ayon sa inyong mga salita, ay siya nawang mangyari. At kaniyang pinapagpaalam sila at sila'y yumaon: at kaniyang itinali ang panaling pula sa dungawan.

226
Mga Konsepto ng TaludtodUlo, MgaKalsadaKalye, MgaLumabasPananagutan

At mangyayari, na sinomang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay sa lansangan, ay mabububo sa kaniyang ulo ang kaniyang dugo at hindi namin magiging kasalanan: at sinomang kasama mo sa bahay ay mahuhulog sa aming ulo ang dugo niya, kung may magbuhat sa kaniya ng kamay.

232
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong ArawPagtakas tungo sa KabundukanYaong Naghahanap sa mga Tao

At sila'y yumaon at naparoon sa bundok, at tumahan doon na tatlong araw, hanggang sa nagsibalik ang mga manghahabol; at hinanap sila ng mga manghahabol sa lahat ng daan, nguni't hindi sila nasumpungan.

252
Mga Konsepto ng TaludtodNagsasabi tungkol sa mga Pangyayari

Nang magkagayo'y nagsibalik ang dalawang lalake at bumaba sa bundok, at tumawid at naparoon kay Josue na anak ni Nun; at kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila.

260
Mga Konsepto ng TaludtodNahimatayMadali para sa mga TaoPagkawala ng TapangYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At kanilang sinabi kay Josue, Tunay na ibinigay ng Panginoon sa ating mga kamay ang buong lupain; at bukod dito'y nangliliit ang lahat na nananahan sa lupain sa harap natin.

263
Mga Konsepto ng TaludtodMapangalunyang Babae, HalimbawaDalawaLupain bilang Kaloob ng DiyosPagaari na KabahayanProstitusyonLihimGumagawa ng LihimDalawa Pang LalakePaglalakbay

At si Josue na anak ni Nun ay nagsugong lihim mula sa Sittim ng dalawang lalake na pinakatiktik, na sinasabi, Yumaon kayo na inyong kilalanin ang lupain, at ang Jerico. At sila'y yumaon at pumasok sa isang bahay ng isang patutot na ang pangalan ay Rahab, at nakituloy doon.