Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Marcos 12

Marcos Rango:

12
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging UnaTinatanong si CristoSinasagotPagtupad sa KautusanDakilang mga BagayMoralidadKahalagahan

At lumapit ang isa sa mga eskriba, at nakarinig ng kanilang pagtatalo, at palibhasa'y nalalamang mabuti ang pagkasagot niya sa kanila, ay tinanong siya, Ano baga ang pangulong utos sa lahat?

46
Mga Konsepto ng TaludtodPananalapiTansoMagkaibang PanigMga Taong NakaupoTamang Gamit ng KayamananPagkakita sa mga SitwasyonSalapi para sa TemploSalapi, Kahon ng

At umupo siya sa tapat ng kabang-yaman, at minasdan kung paanong inihuhulog ng karamihan ang salapi sa kabang-yaman: at maraming mayayaman ang nangaghuhulog ng marami.

70
Mga Konsepto ng TaludtodPambobolaPagkakaalam sa Pamamaraan ng DiyosKatapatanParangalDaan, AngCaesarPagpapalabas ng KatotohananCristo, Pagtuturo niPagtuturo ng Daan ng DiyosSalita ng Diyos ay TotooNagsasabi ng KatotohananPansinBuwis, Mga

At nang sila'y magsilapit, ay kanilang sinabi sa kaniya, Guro, nalalaman namin na ikaw ay totoo, at hindi ka nangingimi kanino man; sapagka't hindi ka nagtatangi ng mga tao, kundi itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios: Matuwid bagang bumuwis kay Cesar, o hindi?

90
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakbayTrabahoHukay, MgaToreUbasanPampiga ng UbasKutaPaghuhukayPagtapak sa mga UbasSimula ng PagtuturoJesus, ang Kanyang Paggamit ng TalinghagaPagpapaupaMga Butas sa Lupa

At nagpasimulang pinagsalitaan niya sila sa mga talinghaga. Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at binakuran ng mga buhay na punong kahoy, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain.

116
Mga Konsepto ng TaludtodPagbatiPalengkeBalabalPamilihang LugarMahabang mga BagayMagandang KasuotanIpinahayag na PagbatiMakabayanDoktrina

At sinabi niya sa kaniyang pagtuturo, Mangagingat kayo sa mga eskriba, na ibig magsilakad na may mahahabang damit, at pagpugayan sa mga pamilihan.

151
Mga Konsepto ng TaludtodHalimbawa ng PandarayaSalapi, Gamit ngPatibongPanlalansiCaesarKarunungang Kumilala ni JesusSubukan si CristoCristo na Nakakaalam sa mga TaoPagpapakita ng KapaimbabawanBuwis na Dapat BayaranKapaimbabawan

Bubuwis baga kami, o hindi kami bubuwis? Datapuwa't siya, na nakatataho ng kanilang pagpapaimbabaw, ay nagsabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso? magdala kayo rito sa akin ng isang denario, upang aking makita.

156
Mga Konsepto ng TaludtodLarawanInskripsyonKatangian ng mga HariSarili, Imahe saWangisBuwis, Mga

At dinalhan nila. At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat? At sinabi nila sa kaniya, kay Cesar.

176
Mga Konsepto ng TaludtodAnak, MgaBalo, MgaKonseptoKulang sa Anak

Guro, isinulat sa amin ni Moises, Kung ang kapatid na lalake ng isang lalake ay mamatay, at may maiwang asawa, at walang maiwang anak, ay kukunin ng kaniyang kapatid ang kaniyang asawa, at bigyan ng anak ang kaniyang kapatid.

187
Mga Konsepto ng TaludtodIkalawang TaoIkatlong PersonaKumuha ng AsawaIkalawang Pag-aasawaKamatayan ng isang BataPamilya, Kamatayan sa

At nagasawa sa bao ang pangalawa, at namatay na walang naiwang anak; at gayon din naman ang pangatlo:

191
Mga Konsepto ng TaludtodPitong AnakUna, Ang mgaKamatayan ng mga Hindi Pinangalanang TaoKumuha ng AsawaPamilya, Kamatayan sa

May pitong lalaking magkakapatid: at nagasawa ang panganay, at nang mamatay ay walang naiwang anak;

205
Mga Konsepto ng TaludtodPitong AnakKamatayan ng mga Hindi Pinangalanang TaoKamatayan ng isang Bata

At ang ikapito'y walang naiwang anak. Sa kahulihulihan ng lahat ay namatay naman ang babae.

249
Mga Konsepto ng TaludtodKaramihan ng TaoPariseo, Ugali nila kay Jesu-CristoGuro ng KautusanWastong PagkakaunawaPagdakip kay CristoTakot sa Ibang mga TaoJesus, ang Kanyang Paggamit ng TalinghagaIwan ang mga Tao

At pinagsikapan nilang hulihin siya; at sila'y natakot sa karamihan; sapagka't kanilang napaghalata na kaniyang sinalita ang talinghaga laban sa kanila: at siya'y iniwan nila, at nagsialis.

263
Mga Konsepto ng TaludtodPitong AnakPag-aasawa, Hindi naPaglilipat ng mga AsawaAng Muling Pagkabuhay

Sa pagkabuhay na maguli, sino sa kanila ang magiging asawa ng babae? sapagka't siya'y naging asawa ng pito.

293
Mga Konsepto ng TaludtodAno ang Ginagawa ng Diyos

Ito'y mula sa Panginoon, At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.

295
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng KakayahanLingkod ng mga taoPagsasaka

At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin niya sa mga magsasaka ang mga bunga ng ubasan.

320
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Lamang Kamay

At hinawakan nila siya, at hinampas siya, at siya'y pinauwing walang dala.

329
Mga Konsepto ng TaludtodMana, Materyal naPag-uusig, Katangian ngMakasariliCristo, Mamamatay angGawing Pag-aari

Datapuwa't ang mga magsasakang yaon ay nangagsangusapan, Ito ang tagapagmana; halikayo, atin siyang patayin, at magiging atin ang mana.

340
Mga Konsepto ng TaludtodPagibig sa Pagitan Ama at AnakPaggalang sa mga Tao

Mayroon pa siyang isa, isang sinisintang anak na lalake: ito'y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila, na sinasabi, Igagalang nila ang aking anak.

348

At siya'y muling nagsugo sa kanila ng ibang alipin; at ito'y kanilang sinugatan sa ulo, at dinuwahagi.

351
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Katuruan, MgaJudaismoMasamang PalagayPagkabuhay na Maguli ng mga PatayTinatanong si CristoBubuhayin ba ang mga Patay?Pagtanggi

At nagsilapit sa kaniya ang mga Saduceo, na nangagsasabi na walang pagkabuhay na maguli; at siya'y kanilang tinanong, na sinasabi,

356
Mga Konsepto ng TaludtodItinatapong mga TaoCristo, Pinatay si

At siya'y kanilang hinawakan, at siya'y pinatay, at itinaboy sa labas ng ubasan.

363
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga DisipuloPakikitungo sa Iba

At nagsugo siya ng iba; at ito'y kanilang pinatay: at ang iba pang marami; na hinampas ang iba, at ang iba'y pinatay.

418
Mga Konsepto ng TaludtodJesus bilang Anak ni DavidCristo, Pagtuturo niCristo sa TemploCristo, Pinagmulan ni

At sumagot si Jesus at nagsabi nang siya'y nagtuturo sa templo, Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Cristo ay anak ni David?

444
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Iba na DiyosDiyos ay Iisa

At sinabi sa kaniya ng eskriba, Sa katotohanan, Guro, ay mabuti ang pagkasabi mo na siya'y iisa; at wala nang iba liban sa kaniya:

461
Mga Konsepto ng TaludtodNagliliyab na Punong-KahoyPagbabasa ng KasulatanAklat ng Kautusan

Nguni't tungkol sa mga patay, na sila'y mga ibabangon; hindi baga ninyo nabasa sa aklat ni Moises, tungkol sa Mababang punong kahoy, kung paanong siya'y kinausap ng Dios na sinasabi, Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob?

489
Mga Konsepto ng TaludtodPaniniil, Katangian ngMapanalanginin, PagigingKapalaluan, Halimbawa ngKaparusahan ng DiyosNagkukunwariGumagawa ng Mahabang PanahonHindi Tumutulong sa mga Balo

Silang nangananakmal ng mga bahay ng mga babaing bao, at dinadahilan ay ang mahahabang panalangin; ang mga ito'y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.

563
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Humihiling sa IbaSinasagotAng Pagpapala ng Diyos ay MalapitPagkawala ng TapangTinatanong ang DiyosPaaralanSagot, Mga

At nang makita ni Jesus na siya'y sumagot na may katalinuhan, ay sinabi niya sa kaniya, Hindi ka malayo sa kaharian ng Dios. At walang tao, pagkatapos noon na nangahas na tumanong pa sa kaniya ng anomang tanong.

581
Mga Konsepto ng TaludtodArkitekturaDiyos na ating BatoMason, MgaTrabahoPagtanggi kay CristoCristo, Mga Pangalan niBatong-BubunganTagapagtatagCristo bilang BatoPagbabasa ng KasulatanPagtanggiKahalagahan

Hindi man lamang baga nabasa ninyo ang kasulatang ito: Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;

595
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamasigasigKaramihan ng TaoKatanyagan ni Cristo

Si David din ang tumatawag na Panginoon sa kaniya; at paano ngang siya'y kaniyang anak? At ang mga karaniwang tao ay nangakikinig sa kaniyang may galak.

607
Mga Konsepto ng TaludtodKahirapan, Sanhi ngLabisPagpapala ng MahirapPagbibigay ng Pera sa SimbahanAng MahirapPagbibigay

Sapagka't silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanila'y labis; datapuwa't siya sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong nasa kaniya, sa makatuwid baga'y ang buong kaniyang ikabubuhay.

610
Mga Konsepto ng TaludtodHandaan, Katangian ngUpuanPaghahanap sa KarangalanKahalagahan

At ibig nila ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pangulong luklukan sa mga pigingan:

614
Mga Konsepto ng TaludtodMalampasanCristo at ang Kanyang mga Disipulo

At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang baong babaing ito, ay naghulog ng higit kay sa lahat ng nangaghuhulog sa kabang-yaman: