Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Marcos 13

Marcos Rango:

72
Mga Konsepto ng TaludtodPaglilibang at Pagpapalipas ng OrasPropesiya na Sinabi ni Jesus, MgaAng Gawa ng mga AlagadKatayuan ng Templo

At paglabas niya sa templo, ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Guro, masdan mo, pagkaiinam ng mga bato, at pagkaiinam na mga gusali!

76
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamPagbabasaKaligtasanKaunawaanAng Propesiya sa JerusalemPagtakas tungo sa Kabundukan

Nguni't pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:

96
Mga Konsepto ng TaludtodAng ArawEklipse, MgaNagdidilim na Araw, Buwan at mga BituinKadiliman sa KatapusanTanda sa Kalawakan, MgaTatak ng KahatulanAraw, Sikat ngAng Buwan

Nguni't sa mga araw na yaon, pagkatapos ng kapighatiang yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag,

123
Mga Konsepto ng TaludtodDibdib, Pangangalaga ng InaSinapupunanSaktan ang mga BuntisPagiging Ina

Datapuwa't sa aba ng nangagdadalangtao at ng nangagpapasuso sa mga araw na yaon!

127
Mga Konsepto ng TaludtodBubongBubunganTao na Bumabagsak

At ang nasa bubungan ay huwag bumaba, ni pumasok, upang maglabas ng anoman sa kaniyang bahay:

131
Mga Konsepto ng TaludtodTaglamigAng PaglisanLumilipad

At magsipanalangin kayo na ito'y huwag mangyari sa panahong taginaw.

158
Mga Konsepto ng TaludtodBalabalPanlabas na Kasuotan

At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.

169
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipigilSandaling PanahonMaiksing Panahon Hanggang KatapusanYaong Hindi LigtasSa Kapakanan ng Bayan ng DiyosDiyos, Pakikialam ng

At malibang paikliin ng Panginoon ang mga araw, ay walang laman na makaliligtas; datapuwa't dahil sa mga hirang, na kaniyang hinirang, ay pinaikli niya ang mga araw.

237
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PANGINOONPasimulaNatatanging mga PangyayariMula sa Pasimula

Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

254
Mga Konsepto ng TaludtodBatisMalambingTaginitKalambutanMga Bunga at DahonTalinghaga ng Puno ng Igos

Sa puno nga ng igos ay pag-aralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;

273
Mga Konsepto ng TaludtodTinipon ng DiyosApat na HanginDiyos na Nagsusugo ng mga PropetaAng Ebanghelyo sa Buong DaigdigMga KasaKasama sa Ikalawang PagparitoPagtitipon

At kung magkagayo'y susuguin niya ang mga anghel, at titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin, mula sa wakas ng lupa hanggang sa dulo ng langit.

280
Mga Konsepto ng TaludtodHula sa HinaharapPagbibigay ng ImpormasyonMagbantay

Datapuwa't mangagingat kayo: narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo ang lahat ng mga bagay.

375
Mga Konsepto ng TaludtodAndresPribadoMga Taong NakaupoTinatanong si Cristo

At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo sa tapat ng templo, ay tinanong siya ng lihim ni Pedro at ni Santiago at ni Juan at ni Andres,

377
Mga Konsepto ng TaludtodPaghagupitGobernadorPag-uusig, Uri ngPag-uusig, Katangian ngSanhedrinSinagogaIbinigay sa mga TaoPamamalo sa MananampalatayaSaksi para sa EbanghelyoMagbantayHentil na mga Tagapamahala

Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin; at kayo'y hahampasin sa mga sinagoga; at kayo'y magsisitindig sa harap ng mga gobernador at ng mga hari dahil sa akin, na bilang patotoo sa kanila.

404
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga TemploItinakuwil na Batong PanulukanIbinababa ang mga Bagay

At sinabi ni Jesus sa kaniya, Nakikita mo baga ang malalaking gusaling ito? walang matitira ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak.

407
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabantay ng mga MananampalatayaKahangalan sa Pagbabalik ni CristoMagbantayAng Hindi Nalalamang PanahonPursigido

Kayo'y mangagingat, mangagpuyat at magsipanalangin: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon.

443
Mga Konsepto ng TaludtodLindolPasimulaSalot, MgaHirap ng PanganganakTaggutom, Darating naSimula ng mga PanahonPakikitungo ng mga BansaTaggutom na DaratingTanda ng mga Panahon, MgaUsap-Usapan

Sapagka't magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan.

473
Mga Konsepto ng TaludtodNatuturuanTanda ng Pagbabalik ni Cristo, MgaKailan?

Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito?

476
Mga Konsepto ng TaludtodOrasHuling mga BagayGabiUwakPagtulog, Babala Laban saHating GabiMadaling ArawKahangalan sa Pagbabalik ni CristoSa Pagbubukang LiwaywayAng Hindi Nalalamang PanahonUgali habang Naghihintay sa Ikalawang Pagpaparito

Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay, kung sa hapon, o sa hating gabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga;

481
Mga Konsepto ng TaludtodKabagabagan, Sanhi ngSibil na KaguluhanUsap-UsapanDigmaan, MgaKatapusan ng MundoPrinsipyo ng Digmaan, MgaTanda ng mga Panahon, MgaDigmaanUsap-Usapan

At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma, ay huwag kayong mangagulumihanan: ang mga bagay na ito'y dapat na mangyari: datapuwa't hindi pa ang wakas.

488
Mga Konsepto ng TaludtodHuling mga Araw

At si Jesus ay nagpasimulang magsabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong paligaw kanino mang tao.

512
Mga Konsepto ng TaludtodBantay PintoTao, Katangian ng Pamahalaan ngTao, Itinalagang

Gaya ng isang tao na nanirahan sa ibang lupain, na pagkaiwan ng kaniyang bahay, at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang mga alipin, sa bawa't isa'y ang kaniyang gawain, ay nagutos din naman sa bantay-pinto na magpuyat.

515
Mga Konsepto ng TaludtodPananatiliDiyos na Hindi MaliliwatPaparating na Pangyayari

Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.

516
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang mga KristoHindi Nananampalatayang mga Tao

At kung magkagayon kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito, ang Cristo; o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan:

541

At ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat, Mangagpuyat kayo.

583
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PANGINOONNalalapit na Panahon, Pangkalahatan

Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.