Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Bilang 20

Mga Bilang Rango:

67

Ganito tumanggi si Edom na paraanin ang Israel sa kaniyang hangganan: kaya't ang Israel ay lumayo sa kaniya.

136

At sila'y naglakbay mula sa Cades: at ang mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan, ay napasa bundok ng Hor.

145
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, bilang Punong SaserdoteHangganan

At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron sa bundok ng Hor, sa tabi ng hangganan ng lupain ng Edom, na sinasabi,

404
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik laban sa DiyosAaron, ang kanyang KasalananTinipon sa Sariling Bayan

Si Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan: sapagka't siya'y hindi makapapasok sa lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel, sapagka't kayo'y nagsipanghimagsik laban sa aking salita sa tubig ng Meriba.

470
Mga Konsepto ng TaludtodPapunta sa Taas ng Bundok

Dalhin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak, at isampa mo sila sa bundok ng Hor.

501
Mga Konsepto ng TaludtodLibingan, Lugar ng mgaAaron, ang kanyang KasalananIlang ng ZinBuwan, Unang

At ang mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan ay nagsipasok sa ilang ng Zin nang unang buwan: at ang bayan ay tumahan sa Cades; at si Miriam ay namatay doon, at inilibing doon.

502
Mga Konsepto ng TaludtodSugo, Mga IpinadalangSugoMabigat na GawainTagapamahala sa EdomKahirapan

At si Moises ay nagutos ng mga sugo sa hari sa Edom mula sa Cades, na ipinasabi, Ganito, ang sabi ng iyong kapatid na Israelita, Talastas mo ang buong kahirapan na dumating sa amin:

505
Mga Konsepto ng TaludtodPapunta sa Taas ng Bundok

At ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon: at sila'y sumampa sa bundok ng Hor sa paningin ng buong kapisanan.

525
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hinuhubaran ang mga TaoSaserdote, Kasuotan ng mgaTinipon sa Sariling Bayan

At hubaran mo si Aaron ng kaniyang mga suot at isuot mo kay Eleazar na kaniyang anak: at si Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan, at doon siya mamamatay.

538
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aalinlangan, Bunga ngDangalMoises, Buhay niTiwala, Kakulangan ngHindi Pananalig, Halimbawa ngMapagalinlanganPag-aalinlangan sa DiyosHindi Paggalang sa DiyosHindi Pananalig sa Diyos

At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Sapagka't hindi kayo sumampalataya sa akin upang ipakilala ninyong banal ako sa mga mata ng mga anak ni Israel, kaya't hindi ninyo dadalhin ang kapisanang ito sa lupain na aking ibinigay sa kanila.

586
Mga Konsepto ng TaludtodPagsuway, Halimbawa ngPagtitipon ng IsraelProbisyon mula sa mga BatoPagbati sa Iba

Hawakan mo ang tungkod, at pisanin mo ang kapisanan, pisanin mo at ni Aaron na iyong kapatid, at magsalita kayo sa bato sa harap ng kanilang mga mata, na ibibigay niyaon ang kaniyang tubig; at ikukuha mo sila ng tubig sa bato: sa ganito paiinumin mo ang kapisanan at ang kanilang mga hayop.

601
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, mga Pangyayari sa kanyang BuhayTuyong mga LugarWalang Tubig para sa mga Tao

At walang tubig na mainom ang kapisanan; at sila'y nagpulong laban kay Moises at laban kay Aaron.

604
Mga Konsepto ng TaludtodBisigHimala ni Moises at Aaron, MgaHinating BatoPagsasagawa ng Dalawang UlitHampasin ang mga BatoProbisyon mula sa mga Bato

At itinaas ni Moises ang kaniyang kamay, at pinalong makalawa ang bato ng kaniyang tungkod: at ang tubig ay lumabas na sagana, at ang kapisanan ay uminom at ang kanilang mga hayop.

614
Mga Konsepto ng TaludtodKalugihanBuwanPagtangisIsang BuwanTinatangisan ang Kamatayan ng Iba

At nang makita ng buong kapisanan na si Aaron ay namatay, ay kanilang tinangisan si Aaron na tatlong pung araw, sa makatuwid baga'y ng buong sangbahayan ni Israel.

615
Mga Konsepto ng TaludtodKamatayan ng mga Banal, Halimbawa ngMga Taong Hinuhubaran ang mga TaoSaserdote, Kasuotan ng mga

At hinubaran ni Moises si Aaron, ng kaniyang mga suot, at isinuot kay Eleazar na kaniyang anak; at namatay si Aaron doon sa taluktok ng bundok: at si Moises at si Eleazar ay bumaba sa bundok.

618
Mga Konsepto ng TaludtodWalang TiyagaAbuso sa mga Espirituwal na BagayGalit, Halimbawa ng MakasalanangPagtitipon ng Israel

At pinisan ni Moises at ni Aaron ang kapulungan sa harap ng bato, at kaniyang sinabi sa kanila, Makinig kayo ngayon, mga mapanghimagsik, ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito?

672

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

689
Mga Konsepto ng TaludtodNagpupunyagi sa Diyos

Ito ang tubig ng Meriba; sapagka't sinisi ng mga anak ni Israel ang Panginoon, at siya'y napakilalang banal sa kanila.

714
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwalhatian, Pahayag ngUgali sa PananalanginPanalangin, Praktikalidad saPagpapatirapaKaluwalhatian ng Diyos sa IsraelPagtitipon sa Pasukang Daanan

At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at nangagpatirapa: at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa kanila.

732
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel, Lingkod ng Diyos ang mgaPanalangin, Sagot saAnghel, Gumagawa ayon sa Utos ng Diyos ang mgaDiyos na Nagbigay Pansin sa KanilaDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At nang kami ay dumaing sa Panginoon ay dininig niya ang aming tinig, at nagsugo siya ng isang anghel, at inilabas kami sa Egipto: at, narito, kami ay nasa Cades, na isang bayan na nasa dulo ng iyong hangganan:

800
Mga Konsepto ng TaludtodBungaPuno ng IgosSisiGranada, Prutas naPagtitipon sa Pasukang DaananPagsasaalis ng Israel mula sa EhiptoWalang Tubig para sa mga TaoIba pa na Inaalis ang Israel mula Ehipto

At bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang dalhin kami sa masamang dakong ito? hindi dakong bukirin, o ng igos; o ng ubasan, o ng mga granada; at wala kahit tubig na mainom.

835
Mga Konsepto ng TaludtodKalakihanMakalupang HukboMalaking Hukbo

At kaniyang sinabi, Huwag kang magdadaan. At si Edom ay lumabas laban sa kaniya na may dalang maraming tao, at may malakas na kamay.

846
Mga Konsepto ng TaludtodLandas na DaraananTao na Nagbibigay TubigPagbabayad sa mga Paninda

At sinabi ng mga anak ni Israel sa kaniya, Kami ay aahon sa lansangan: at kung kami ay uminom ng iyong tubig, ako at ang aking mga hayop, ay pagbabayaran ko ang halaga: pahintulutan mo lamang ako na makaraan ng aking mga paa na walang anoman.

869
Mga Konsepto ng TaludtodLandas na DaraananDumaan sa GitnaKalsadaUbasanBalon, MgaHindi LumilikoTao na Nagbibigay Tubig

Isinasamo ko sa iyo, na paraanin mo kami, sa iyong lupain: hindi kami dadaan sa kabukiran o sa ubasan, ni di kami iinom ng tubig sa mga balon: kami ay manunuwid sa maluwang na lansangan, hindi kami liliko sa dakong kanan ni sa dakong kaliwa man hanggang sa maraanan namin ang iyong hangganan.

902
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaMagiliw na Pagtanggap, Halimbawa ngHindi Pagpapatuloy

At sinabi ni Edom sa kaniya, Huwag kang magdadaan sa aking lupain, baka kita'y salubungin ng tabak.

928
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik laban sa Diyos, Ipinakita saPagtataloPaghihinalaHangarin na MamatayKamatayan

At sinisi ng bayan si Moises, at nagsipagsalita, na sinasabi, Ibigin sana na kami ay nangamatay, nang mamatay ang aming mga kapatid sa harap ng Panginoon!

929

At kinuha ni Moises ang tungkod sa harap ng Panginoon, na gaya ng iniutos sa kaniya.

1003
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamatay sa IlangPosibilidad ng KamatayanBakit mo ito Ginagawa?

At bakit ninyo dinala ang kapulungan ng Panginoon sa ilang na ito, upang mamatay rito, kami at ang aming mga hayop?

1104
Mga Konsepto ng TaludtodMga Tao na Talagang Gumagawa ng KasamaanNananatili ng Mahabang Panahon

Kung paanong ang aming mga magulang ay bumaba sa Egipto, at kami ay tumahan sa Egipto na malaong panahon, at inalipusta ng mga Egipcio kami at ang aming mga magulang: