Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Bilang 21

Mga Bilang Rango:

18
Mga Konsepto ng TaludtodLandas na DaraananDumaan sa GitnaUbasanBalon, MgaTao na Nagbibigay Tubig

Paraanin mo ako sa iyong lupain: kami ay hindi liliko sa bukid, ni sa ubasan; kami ay hindi iinom ng tubig ng mga balon: kami ay magdadaan sa maluwang na lansangan, hanggang sa aming maraanan ang iyong hangganan.

46
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at Juda

At hindi ipinahintulot paraanin ni Sehon ang Israel sa kaniyang hangganan: kungdi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at lumabas sa ilang laban sa Israel at dumating hanggang Jahaz: at nilabanan ang Israel.

110
Mga Konsepto ng TaludtodPaglipol

Gayon nila sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak, at ang buong bayan niya hanggang sa walang natira sa kaniya: at kanilang inari ang kaniyang lupain.

111
Mga Konsepto ng TaludtodArnon

At sinaktan siya ng Israel ng talim ng tabak, at inari ang kaniyang lupain mula sa Arnon hanggang Jaboc, hanggang sa mga anak ni Ammon: sapagka't ang hangganan ng mga anak ni Ammon ay matibay.

119

Aming pinana sila; ang Hesbon ay namatay hanggang sa Dibon, At aming iniwasak hanggang Nopha, Na umaabot hanggang Medeba.

125

Ganito tumahan ang Israel sa lupain ng mga Amorrheo.

139
Mga Konsepto ng TaludtodEspiya, MgaEspiya, Kilos

At si Moises ay nagsugo upang tumiktik sa Jazer, at kanilang sinakop ang mga bayan niyaon at pinalayas nila ang mga Amorrheo na nandoon.

187
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag Matakot sa TaoYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Huwag mo siyang katakutan; sapagka't aking ibinigay siya sa iyong kamay, at ang buong bayan niya, at ang kaniyang lupain, at iyong gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon.

194

At sinakop ng Israel ang lahat ng mga bayang ito: at ang Israel ay tumahan sa lahat ng mga bayan ng mga Amorrheo, sa Hesbon at sa lahat ng mga bayan niyaon.

315
Mga Konsepto ng TaludtodArnon

Sapagka't ang Hesbon ay siyang bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na siyang nakipaglaban sa unang hari sa Moab, at sumakop ng buong lupain niyaon sa kaniyang kamay hanggang sa Arnon.

328
Mga Konsepto ng TaludtodWalang TiyagaPagdating sa Dagat na PulaBumabagsak

At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor na napasa daang patungo sa Dagat na Mapula upang lumiko sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng bayan ay nainip dahil sa daan.

365
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa mga LungsodArnon

Sapagka't may isang apoy na lumabas sa Hesbon, Isang liyab na mula sa bayan ni Sehon: Na sumupok sa Ar ng Moab, Sa mga panginoon sa matataas na dako ng Arnon.

408

Kaya't yaong mga nagsasalita ng mga kawikaan ay nagsasabi, Halina kayo sa Hesbon, Itayo at itatag ang bayan ni Sehon:

435
Mga Konsepto ng TaludtodBansang mga Sumalakay sa Israel, Mga

At ang Cananeo, na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan ay nakabalita na ang Israel ay dumating sa daan ng Atarim; at nilabanan niya ang Israel at binihag ang iba sa kanila.

474
Mga Konsepto ng TaludtodAhas, Tuklaw ngBuhay na BuhayWangis

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon.

477
Mga Konsepto ng TaludtodAklat, MgaMga Aklat na Hindi NapanatiliArnonMga Aklat ng KasaysayanBatisPagiging Totoo

Kaya't sinasabi sa aklat ng Mga Pakikipagbaka ng Panginoon, Ang Vaheb ay sa Sufa, At ang mga libis ng Arnon,

479
Mga Konsepto ng TaludtodAhas, MgaSagisag ni Cristo

At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso,

480
Mga Konsepto ng TaludtodPuganteBulaang Diyus-diyusan

Sa aba mo, Moab! Ikaw ay napahamak, Oh bayan ni Chemos: Na nagpagala ng kaniyang mga anak na lalake, At ipinabihag ang kaniyang mga anak na babae, Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo.

483
Mga Konsepto ng TaludtodPangangagatLasonAhas, MgaGalit ng Diyos, Mga Halimbawa ngKamatayan bilang Kaparusahan

At ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan, at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay.

489
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaLandas na DaraananHindi Pagpapatuloy

At sila'y lumiko at umahon sa daan ng Basan: at si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa kanila, siya at ang buong bayan niya, upang makipagbaka sa Edrei.

507
Mga Konsepto ng TaludtodSugo, Mga Ipinadalang

At ang Israel ay nagutos ng mga sugo kay Sehon, na hari ng mga Amorrheo, na sinasabi,

517
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakamali, MgaSisiReklamoPagkamatay sa IlangPosibilidad ng KamatayanWalang PagkainPagsasaalis ng Israel mula sa EhiptoWalang Tubig para sa mga TaoIba pa na Inaalis ang Israel mula EhiptoBakit mo ito Ginagawa?PagrereklamoTinatanong ang Buhay

At ang bayan ay nagsalita laban sa Dios at laban kay Moises: Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang mamatay sa ilang? sapagka't walang tinapay at walang tubig; at ang aming kaluluwa ay nasusuya na sa manang ito.

551
Mga Konsepto ng TaludtodPanata, MgaIpagkatiwala sa Kamay ng Iba

At ang Israel ay nanata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na ibibigay mo ang bayang ito sa aking kamay, ay aking lubos na gigibain nga ang kanilang mga bayan.

584
Mga Konsepto ng TaludtodPanawagan sa DiyosMoises, Kahalagahan niPagsisisi, Halimbawa ngPagkilala sa KasalananKahirapan, Mga Pakinabang ngNananalangin para sa MakasalananKami ay NagkasalaReklamo

At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka't kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan.

643
Mga Konsepto ng TaludtodTagsibol

Nang magkagayo'y inawit ng Israel ang awit na ito: Bumalong ka, Oh balon; awitan ninyo siya;

655
Mga Konsepto ng TaludtodPagkalipolYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At dininig ng Panginoon ang tinig ng Israel, at ibinigay ang Cananeo sa kanila, at kanilang lubos na nilipol sila at ang kanilang mga bayan: at ang ipinangalan sa dakong yaon ay Horma.

674
Mga Konsepto ng TaludtodMga HanggananArnonPagkakampo sa Panahon ng Exodo

Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa kabilang ibayo ng Arnon, na nasa ilang na lumalabas sa hangganan ng mga Amorrheo: sapagka't ang Arnon ay hangganan ng Moab, na nasa pagitan ng Moab at ng mga Amorrheo.

736

At mula sa Bamoth ay napasa libis na nasa bukid ng Moab, sa taluktok ng Pisga, na patungo sa ilang.

739
Mga Konsepto ng TaludtodPrinsipe, MgaSetroPaghuhukay

Siyang balong hinukay ng mga prinsipe, Na pinalalim ng mga mahal sa bayan, Ng setro at ng kanilang mga tungkod. At mula sa ilang, sila'y napasa Mathana.

740
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakampo sa Panahon ng Exodo

At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at humantong sa Oboth.

759
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbibigay ng TubigBeer

At mula roon, ay napasa Beer sila, na siyang balong pinagsabihan ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo ang bayan at aking bibigyan sila ng tubig.

821
Mga Konsepto ng TaludtodAng Araw

At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Ije-abarim sa ilang na nasa tapat ng Moab, sa dakong sinisikatan ng araw.

831

At mula sa Mathana ay napasa Nahaliel: at mula sa Nahaliel ay napasa Bamoth;

851

At ang kiling ng mga libis Na kumikiling sa dakong tahanan ng Ar, At humihilig sa hangganan ng Moab.

910
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakampo sa Panahon ng Exodo

Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa libis ng Zared.