Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 19

Mga Hukom Rango:

32
Mga Konsepto ng TaludtodPagbatiMagiliw na PagtanggapManlalakbayLungsod, PunongPagpapatuloy

At sinabi ng matandang lalake, Kapayapaan nawa ang sumaiyo; sa anomang paraa'y pabayaan mo sa akin ang lahat ng iyong mga kailangan: at huwag ka lamang tumigil sa lansangan.

141
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaBabae, MgaBirhenAbusoKeridaPanliligaligBirhen, Pagka

Narito, nandito ang aking anak na dalaga, at ang kaniyang babae; akin silang ilalabas ngayon, at pangayupapain ninyo sila, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa kanila: nguni't sa lalaking ito ay huwag kayong gumawa ng anomang masama.

157
Mga Konsepto ng TaludtodPagkaPanginoon ng Tao at Diyos

At lumabas sa kanila ang lalake, ang may-ari ng bahay, at sinabi sa kanila, Huwag, mga kapatid ko, isinasamo ko sa inyong huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan; yamang ang lalaking ito'y pumasok sa aking bahay, ay huwag ninyong gawin ang kaululang ito.

197
Mga Konsepto ng TaludtodNatatanging mga Pangyayari

At nangyari, na lahat ng nakakita ay nagsabi, Walang ganitong gawang ginawa o nakita man mula sa araw na umahon ang mga anak ni Israel na mula sa lupain ng Egipto hanggang sa araw na ito: kayo'y magdilidili, pumayo, at magsalita.

215

At bumangon ang kaniyang panginoon ng kinaumagahan, at ibinukas ang mga pinto ng bahay, at lumabas na nagpatuloy ng kaniyang lakad: at, narito, ang babae na kaniyang kinakasama ay nakabuwal sa pintuan ng bahay, na ang kaniyang mga kamay ay nasa tayuan.

242
Mga Konsepto ng TaludtodDala-dalang mga Patay na KatawanBumangon Ka!Iba pa na Hindi Sumasagot

At sinabi niya sa kaniya, Bumangon ka, at tayo na; nguni't walang sumagot: nang magkagayo'y kaniyang isinakay sa asno; at ang lalake ay bumangon, at napasa kaniyang dako.

325
Mga Konsepto ng TaludtodPaghuhugas ng PaaPagpapakain sa mga HayopMalinis na Paa

Sa gayo'y kaniyang ipinasok sa kaniyang bahay, at binigyan ng pagkain ang mga asno: at sila'y naghugas ng kanilang mga paa, at nagkainan at naginuman.

359
Mga Konsepto ng TaludtodKeridaPagkahari, PantaongBethlehemWalang Hari

At nangyari nang mga araw na yaon, nang walang hari sa Israel, na may isang Levita na nakikipamayan sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim, na kumuha ng babae mula sa Bethlehem-juda.

383
Mga Konsepto ng TaludtodKasagwaanPangit na PananalitaPaghinaBakla at TomboyKumakatokSeksuwal na Pag-uugnay, NinaisAbuso

Nang nangatutuwa na ang kanilang mga puso, narito, ang mga lalake sa bayan, na ilang hamak na tao, ay kinubkob ang bahay sa palibot, na hinahampas ang pintuan; at sila'y nagsalita sa may-ari ng bahay, sa matanda, na sinasabi, Ilabas mo ang lalake na pumasok sa iyong bahay upang makilala namin siya.

419
Mga Konsepto ng TaludtodKutsilyoMga Taong Pinagpira-pirasoLabing Dalawang BagayKeridaGinugupitan

At nang siya'y pumasok sa kaniyang bahay, ay kumuha siya ng isang sundang, at itinaga sa kaniyang babae, at pinagputolputol siya ayon sa kaniyang buto, ng labing dalawang putol; at ipinadala siya sa lahat ng hangganan ng Israel.

423
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging IsaDalawa Hanggang Apat na BuwanYaong mga Gumawa ng PangangalunyaBayarang Babae

At ang kaniyang babae ay nagpatutot at iniwan siya na napasa bahay ng kaniyang ama sa Bethlehem-juda, at dumoon sa loob ng apat na buwan.

433
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hindi Nagkukusa

Nguni't hindi na inibig ng lalake na magpahinga roon nang gabing yaon, kundi siya'y tumindig at yumaon at tinapat ang Jebus (na siyang Jerusalem): at may dala siyang dalawang magkatuwang na asno na gayak; ang kaniyang babae ay kasama rin niya.

434
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Halimbawa ngGumagawa, Magdamag na

Nguni't hindi siya dininig ng mga lalake: sa gayo'y hinawakan ng lalake ang kaniyang babae at inilabas sa kanila: at sinipingan nila siya, at hinalay buong gabi hanggang sa kinaumagahan; at nang magbukang liwayway, ay pinayaon nila siya.

442
Mga Konsepto ng TaludtodGabiTao, Nagtratrabahong mga

At, narito, may umuwing isang matandang lalake na galing sa kaniyang paggawa sa bukid sa paglubog ng araw; ang lalake nga'y taga lupaing maburol ng Ephraim, at nakikipamayan sa Gabaa; nguni't ang mga tao sa dakong yaon ay mga Benjamita.

446
Mga Konsepto ng TaludtodMadaling ArawMga Taong SumisirkoSa Pagbubukang Liwayway

Nang magkagayo'y dumating ang babae, pagbubukang liwayway, at nabuwal sa pintuan ng bahay ng lalake, na kinaroroonan ng kaniyang panginoon, hanggang sa lumiwanag.

454

Sa gayo'y nagdaan sila at nagpatuloy ng kanilang paglakad; at nilubugan sila ng araw sa malapit sa Gabaa, na nauukol sa Benjamin.

479
Mga Konsepto ng TaludtodTinapay bilang PagkainSabsabanAlakPagpapakain sa mga Hayop

Gayon man ay may dayami at damo para sa aming mga asno; at may tinapay at alak naman para sa akin, at sa iyong lingkod na babae, at sa batang kasama ng iyong mga lingkod: walang kakulangang anomang bagay,

499
Mga Konsepto ng TaludtodMagiliw na Pagtanggap, Halimbawa ngHindi PagpapatuloyLungsod, PunongHindi Pinatutuloy ang mga TaoNananatiling Pansamantala

At sila'y lumiko roon, upang pumasok na tumigil sa Gabaa: at sila'y pumasok, at naupo sila sa lansangan ng bayan: sapagka't walang taong magpatuloy sa kanila.

500
Mga Konsepto ng TaludtodSaan Mula?Saan Tutungo?

At itiningin niya ang kaniyang mga mata, at nakita niya ang naglalakbay sa lansangan ng bayan; at sinabi ng matandang lalake, Saan ka paroroon? at saan ka nanggaling?

501
Mga Konsepto ng TaludtodGabiTao, Kanyang Kilos sa Kinabukasan

At nang tumindig ang lalake upang yumaon, siya, at ang kaniyang babae, at ang kaniyang bataan, ay sinabi ng kaniyang biyanan, na ama ng kaniyang babae, sa kaniya, Narito, ngayo'y ang araw ay gumagabi na, isinasamo ko sa inyong magpahinga sa buong gabi: narito, ang araw ay nananaw; tumigil dito, upang ang iyong puso ay sumaya; at bukas ay yumaon kayong maaga sa inyong paglakad, upang makauwi ka.

513
Mga Konsepto ng TaludtodPanghihikayat

At ang kaniyang asawa ay yumaon at sumunod sa kaniya, upang makiusap na maigi sa kaniya, na ibalik siya, na kasama ang kaniyang bataan, at dalawang magkatuwang na asno: at ipinasok siya ng babae sa bahay ng kaniyang ama: at nang makita siya ng ama ng babae, ay galak na sinalubong siya.

515
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong ArawBiyenang Lalake

At pinigil siya ng kaniyang biyanan, ng ama ng babae; at siya'y tumahang kasama niya na tatlong araw: sa gayo'y sila'y nagkainan at naginuman, at tumuloy roon.

524

Nang sila'y nasa tabi na ng Jebus, ang araw ay nananaw; at sinabi ng bataan sa kaniyang panginoon, Isinasamo ko sa iyo na halina, at tayo'y lumiko sa bayang ito ng mga Jebuseo, at tumigil dito.

538
Mga Konsepto ng TaludtodNananatiling Pansamantala

At sinabi niya sa kaniyang alipin, Halina at tayo'y lumapit sa isa sa mga dakong ito; at tayo'y titigil sa Gabaa o sa Rama.

539
Mga Konsepto ng TaludtodAnak, MgaAng Ikaapat na Araw ng LinggoYaong mga Bumangon ng UmagaMga Taong NaantalaAraw, Ikaapat na

At nangyari nang ikaapat na araw, na sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at siya'y bumangon upang yumaon: at sinabi ng ama ng babae sa kaniyang manugang, Palakasin mo muna ang iyong puso ng isang subong tinapay, at pagkatapos ay ipagpatuloy ninyo ang inyong lakad.

541
Mga Konsepto ng TaludtodPag-Iwas sa mga Banyaga

At sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya, Hindi tayo liliko sa bayan ng iba, na hindi sa mga anak ni Israel; kundi dadaan tayo sa Gabaa.

544
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Pinatutuloy ang mga Tao

At sinabi niya sa kaniya, Kami ay nagdadaang mula sa Bethlehem-juda na patungo sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim; tagaroon ako at ako'y naparon sa Bethlehem-juda: at ako'y pasasabahay ng Panginoon; at walang taong magpatuloy sa akin.

545
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahan sa mga Materyal na BagayNauupoMga Taong Naantala

Sa gayo'y naupo sila, at kumain at uminom silang dalawa: at sinabi ng ama ng babae sa lalake, Isinasamo ko sa iyo na magsaya ka, at magpahinga sa buong gabi, at matuwa ang iyong puso.

562
Mga Konsepto ng TaludtodAng Ikalimang Araw ng LinggoYaong mga Bumangon ng UmagaMga Taong NaantalaAraw, Ikalimang

At siya'y bumangong maaga sa kinaumagahan nang ikalimang araw upang yumaon; at sinabi ng ama ng babae, Isinasamo ko sa iyong palakasin mo muna ang iyong puso, at maghintay ka hanggang sa kumulimlim ang araw; at sila'y kumain, silang dalawa.

589
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Naantala

At ang lalake ay bumangon upang umalis; nguni't pinilit siya ng kaniyang biyanan; at siya'y tumigil uli roon.