Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Taga-Galacia 3

Mga Taga-Galacia Rango:

8
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihirap ng mga MananampalatayaWalang Kabuluhang mga PagtratrabahoPaghihirapKaranasan

Tiniis baga ninyong walang kabuluhan ang lubhang maraming mga bagay? kung tunay na walang kabuluhan.

23
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan, Epekto ngHuling PaghuhukomMasamang HalimbawaKahangalan ng TaoIwasan ang PangkukulamCristo, Pinatay siKahalagahan ng Pagkapako ni Cristo

Oh mga mangmang na taga Galacia, sino ang mga nagsigayuma sa inyo, na sa harapan ng inyong mga mata'y si Jesucristo, na napako sa krus, ay maliwanag na inihayag?

31
Mga Konsepto ng TaludtodSumpa ng DiyosKatubusanAklat ng KautusanMapagpatunay na GawaBibliya, Katawagan saPagtitiwala sa GawaAng Sumpa ng KautusanIlalim ng Kautusan, SaGawa ng KautusanPaglabag sa Sampung UtosKautusanSumpaSumusunod

Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila.

32
Mga Konsepto ng TaludtodAbrahamPagpapala kay AbrahamCristo, Ang Binhi ni CristoMisyon ng IsraelKasulatan, Kawalang Pagkakamali ngPropesiya Tungkol kay CristoMga Anak ni AbrahamCristo, Pinagmulan niPangako ng Diyos kay AbrahamAng mga Pangako ng DiyosPangako Tungkol sa, MgaLahi ni

Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo.

38
Mga Konsepto ng TaludtodSusi, MgaIlalim ng Kautusan, Sa

Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos.

76
Mga Konsepto ng TaludtodEpekto ng KautusanBuhay sa Pamamagitan ng Pagtupad sa KautusanGawa ng KautusanTumutupad na Pananampalataya

At ang kautusan ay hindi sa pananampalataya; kundi, Ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay sa mga yaon.

85
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkakaisa ngPagkakaisa, Mithiin ng Diyos hinggil saDiyos ay Iisa

Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa.

86
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagmanaMana, Espirituwal naPangako ng Diyos kay AbrahamBiyaya Laban sa Kautusan

Sapagka't kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi na sa pamamagitan ng pangako: datapuwa't ipinagkaloob ng Dios kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.

95
Mga Konsepto ng TaludtodPaaralan

Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo.

122
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Tungkulin saKasunduanKasunduanPaghihiwalay ng Mag-asawa

Mga kapatid, nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama't ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma'y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man.

132
Mga Konsepto ng TaludtodPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanPakikinigAng Banal na Espiritu at Muling PagsilangTinatanggap ang EspirituGawa ng KautusanTumutupad na PananampalatayaEspirituwal na KaloobPagkakaroon ng PananampalatayaKautusanPaniniwalaSumusunod

Ito lamang ang ibig kong maalaman sa inyo, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?

139
Mga Konsepto ng TaludtodBiyaya at Espiritu SantoHimala, Katangian ng mgaPagsusugo sa Espiritu SantoDiyos na Ibinibigay ang Kanyang EspirituHimala, MgaPaghahayag ng Ebanghelyo

Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu, at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo, ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?

141
Mga Konsepto ng TaludtodIsangdaang taon at higit paTipan ng Diyos sa mga PatriarkaAng Kautusan ay Ibinigay sa IsraelAng Kautusan ni Moises

Ito nga ang aking sinasabi: Ang isang pakikipagtipang pinagtibay na nang una ng Dios, ay hindi mapawawalang kabuluhan ng kautusan, na sumipot nang makaraan ang apat na raan at tatlongpung taon, ano pa't upang pawalang kabuluhan ang pangako.

147
Mga Konsepto ng TaludtodKautusan, Layunin ngKaligtasan Hindi sa Pamamagitan ng GawaDiyos na LabanHuwag Na Mangyari!Pangako ng Diyos kay AbrahamInaring Ganap sa Pamamagitan ng GawaBuhay sa Pamamagitan ng Pagtupad sa Kautusan

Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Dios? Huwag nawang mangyari: sapagka't kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay, tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan.