79 Bible Verses about Pananampalataya

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Romans 10:17

Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.

Hebrews 11:6

At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.

Romans 4:17

(Gaya ng nasusulat, Ginawa kitang ama ng maraming bansa) sa harapan niyaong kaniyang pinanampalatayanan, sa makatuwid baga'y ang Dios, na nagbibigay ng buhay sa mga patay, at tumatawag sa mga bagay na hindi pa hayag na tila hayag na.

Hebrews 11:1

Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.

2 Corinthians 5:7

(Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin);

Ephesians 2:8

Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;

Romans 1:17

Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.

1 Corinthians 13:13

Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

Romans 5:1

Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;

Matthew 21:22

At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin.

2 Timothy 4:7

Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:

Matthew 17:20

At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.

1 Corinthians 12:9

Sa iba'y ang pananampalataya, sa gayon ding Espiritu; at sa iba'y ang mga kaloob na pagpapagaling, sa iisang Espiritu.

1 Timothy 6:12

Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.

Ephesians 4:5

Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo,

Luke 17:5

At sinabi ng mga apostol sa Panginoon, Dagdagan mo ang pananampalataya namin.

Ephesians 1:15

Dahil dito ako rin naman, pagkarinig ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na nasa inyo, at ng pagibig na inyong ipinakita sa lahat ng mga banal,

2 Peter 1:5

Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman;

Romans 4:16

Dahil dito'y sa pananampalataya, upang maging ayon sa biyaya; upang ang pangako ay lumagi sa lahat ng binhi; hindi lamang sa nasa kautusan, kundi pati naman sa nasa pananampalataya ni Abraham, na ama nating lahat.

Romans 3:27

Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.

Topics on Pananampalataya

Ang Epekto ng Pananampalataya

Jeremias 39:18

Sapagka't tunay na ililigtas kita, at ikaw ay hindi ibubuwal ng tabak, kundi ang iyong buhay ay magiging pinakasamsam sa iyo; sapagka't iyong inilagak ang iyong tiwala sa akin, sabi ng Panginoon.

Gawa ng Pananampalataya

Santiago 2:14

Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?

Kabayanihan ng Pananampalataya

Daniel 11:32

At ang gayon na gumagawa na may kasamaan laban sa tipan, ay mahihikayat niya sa pamamagitan ng mga daya; nguni't ang bayan na nakakakilala ng kanilang dios ay magiging matibay, at gagawa ng kabayanihan.

Katiyakan sa Buhay Pananampalataya

Deuteronomio 9:3

Talastasin mo nga sa araw na ito, na ang Panginoon mong Dios ay siyang mangunguna sa iyo na parang mamumugnaw na apoy; kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo; sa gayo'y iyong mapalalayas sila, at iyong malilipol silang madali, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon.

Nagliligtas na Pananampalataya

Juan 3:16
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusanPagtanggap kay CristoMga GawainPaskoSanggol na si JesusPagibigKaloob, MgaAdan, Mga Lahi niNagbibigay KaaliwanMalamigKakayahan ng Diyos na MagligtasGawa ng KabutihanPakikipagsapalaranKamanghamanghang DiyosKinatawanPananampalataya, Kalikasan ngPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanPagbagsak ng Tao, Kinahinatnan ngPagiging KristyanoPagiging PagpapalaPagiging LiwanagWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngWalang Hanggang Buhay, Biyaya ngPagiging Kabilang sa Pamilya ng DiyosPagiging Ganap na KristyanoPagiging ManlalakbayMapagbigay, Diyos naPagiging PinagpalaPagiging Ipinanganak na MuliInialay na mga BataPagpapala, Espirituwal naUgali ng Diyos sa mga TaoDiyos, Pagibig ngDiyos, Paghihirap ngPuso ng DiyosBiyaya at si Jesu-CristoPagibig, Katangian ngMisyon ni Jesu-CristoMinsang Ligtas, Laging LigtasPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngNatatangiKaloob mula sa Diyos, Espirituwal naPakikipaglaban sa KamatayanCristo, Relasyon Niya sa DiyosSawing-PusoKaligtasan bilang KaloobNagliligtas na PananampalatayaWalang Hanggang KatiyakanPagkakaalam na Ako ay LigtasPagaalay ng mga Panganay na AnakAraw, Paglubog ngMalapadTirintasBuhay sa Pamamagitan ng PananampalatayaHindi NamamatayNaligtas sa Pamamagitan ng PananampalatayaBugtong na Anak ng DiyosDiyos na Ibinibigay ang Kanyang AnakPagibig ng Diyos kay CristoEspirituwal na KamatayanJesus, Ginampanan Niya sa KaligtasanKagalingan sa KanserWalang Hanggang BuhayWalang HangganPagbibigayPagibig ng Diyos para sa AtinPagmamahal sa LahatPagibig bilang Bunga ng EspirituAng SanlibutanDiyos, Pagibig ngAma, Pagibig ngMinamahalHindi SumusukoPagkawala ng Mahal sa BuhayWalang HangganPagasa para sa Di-MananampalatayaCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaUnang Pagibig

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Pagkilala sa Pananampalataya kay Cristo

Juan 9:35-38

Nabalitaan ni Jesus na siya'y pinalayas nila; at pagkasumpong sa kaniya, ay sinabi niya, Sumasampalataya ka baga sa Anak ng Dios?

Pakinabang ng Paghihirap sa Pananampalataya

Genesis 22:1-2

At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinubok ng Dios si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Abraham; at sinabi niya, Narito ako.

Pananampalataya bilang Katuruan

Mga Taga-Galacia 1:23

Kundi ang kanila lamang naririnig na pinaguusapan ay, Yaong umuusig sa atin nang una, ngayo'y nangangaral ng pananampalataya na nang ibang panahon ay kaniyang sinisira;

Pananampalataya, Kinakailangan ang

Awit 37:3-5

Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat.

Pananampalataya, Pagsubok sa

1 Pedro 1:6-7

Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't ngayo'y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok,

Pananampalataya, Pinagmulan ng

Juan 6:63-65

Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.

Pinalalakas ang Loob ng Pananampalataya kay Cristo

Mga Gawa 18:27

At nang ibig niyang lumipat sa Acaya, ay pinalakas ng mga kapatid ang kaniyang loob at sila'y nagsisulat sa mga alagad na siya'y tanggapin: at nang siya'y dumating doon, ay lubos na tumulong siya sa mga nagsisampalataya sa pamamagitan ng biyaya;

Ugali ng Pananampalataya

Mateo 8:10

At nang marinig ito ni Jesus, ay nagtaka siya, at sinabi sa nagsisisunod, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kahit sa Israel man, ay hindi ako nakasumpong ng ganito kalaking pananampalataya.

Yaong mga may Pananampalataya

Mga Hebreo 11:4-40

Sa pananampalataya si Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain, sa pamamagitan nito'y sinaksihan sa kaniyang siya'y matuwid, na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob: at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a