29 Talata sa Bibliya tungkol sa Diborsyo sa Lumang Tipan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At sinabi nila, Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay siya.
Sinabi nila sa kaniya, Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay ang babae?
At kung ang isang anak na babae ng saserdote ay magasawa sa isang taga ibang bayan, ay hindi makakakain sa handog na itinaas sa mga banal na bagay. Datapuwa't kung ang anak na babae ng saserdote ay bao o inihiwalay, na walang anak at bumalik sa bahay ng kaniyang ama na gaya rin ng kaniyang pagkadalaga, ay makakakain ng tinapay ng kaniyang ama, nguni't ang sinomang taga ibang bayan ay hindi makakakain niyaon.
Kung ang sinoman ay magasawa, at sumiping sa kaniya, at kaniyang kapootan siya, At kaniyang bintangan ng mga kahiyahiyang bagay, at ikalat ang isang masamang dangal niya, at sabihin, Aking kinuha ang babaing ito, at nang sipingan ko siya, ay hindi ko nasumpungan sa kaniya ang mga tanda ng pagka donselya: Kung magkagayo'y ang ama ng dalaga at ang kaniyang ina ay kukuha at maglalabas ng mga tanda ng pagka donselya ng dalaga sa harap ng mga matanda sa bayan, sa pintuang-bayan;magbasa pa.
At sasabihin ng ama ng dalaga sa mga matanda, Ibinigay ko ang aking anak sa lalaking ito na maging asawa at kaniyang kinapootan siya; At, narito, kaniyang binibintangan ng mga kahiyahiyang bagay, na sinasabi, Hindi ko nasumpungan sa iyong anak ang mga tanda ng pagka donselya: at gayon ma'y ito ang mga tanda ng pagka donselya ng aking anak. At kanilang ilaladlad ang kasuutan sa harap ng matatanda sa bayan. At kukunin ng mga matanda sa bayang yaon ang lalake at parurusahan siya; At kanilang sisingilin siya ng isang daang siklong pilak at ibibigay sa ama ng dalaga sapagka't kaniyang ikinalat ang isang masamang dangal ng isang donselya sa Israel: at siya'y magiging kaniyang asawa; hindi niya mapalalayas siya sa lahat ng kaniyang kaarawan.
Nguni't ang panata ng isang babaing bao, o ng isang hiniwalayan ng asawa, ay magkakabisa sa bawa't bagay na kaniyang itinali sa kaniyang kaluluwa.
Kung masumpungan ng isang lalake ang isang dalagang donselya na hindi pa naipangangako, at ihiga niya siya, at sipingan niya siya, at sila'y masumpungan; Ang lalake nga na sumiping sa kaniya ay magbibigay sa ama ng babae ng limang pung siklong pilak, at siya'y magiging kaniyang asawa, sapagka't kaniyang pinangayupapa siya; hindi niya mapalalayas sa lahat ng kaniyang kaarawan.
Pagka ang isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan, ay mangyayari nga, na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata, sapagka't kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay, ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibibigay niya sa kaniyang kamay, at papagpapaalamin niya siya sa kaniyang bahay. At pagkaalis niya sa bahay ng lalake, ay makayayaon siya at makapagaasawa sa ibang lalake.
At kung kapootan siya ng huling asawa, at lagdaan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibigay sa kaniyang kamay, at papagpaalamin siya sa kaniyang bahay; o kung mamatay ang huling asawa, na kumuha sa kaniya upang maging asawa niya; Hindi na siya makukuhang muling maging asawa ng kaniyang unang asawa na humiwalay sa kaniya, pagkatapos na kaniyang mapangayupapa siya; sapagka't yao'y karumaldumal sa harap ng Panginoon: at huwag mong papagkakasalahin ang lupain na ibinibigay na pinakamana sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Makipagtalo kayo sa inyong ina, makipagtalo kayo; sapagka't siya'y hindi ko asawa, ni ako man ay kaniyang asawa; at alisin niya ang kaniyang pagpapatutot sa kaniyang mukha, at ang kaniyang mga pangangalunya sa pagitan ng kaniyang mga suso;
Sinabi rin naman, Ang sinomang lalake na ihiwalay na ang kaniyang asawa, ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay:
Kanilang sinabi, Kung ihiwalay ng lalake ang kaniyang asawa, at siya'y humiwalay sa kaniya, at mapasa ibang lalake, babalik pa baga uli ang lalake sa kaniya? hindi baga lubos na madudumhan ang lupaing yaon? Nguni't ikaw ay nagpatutot sa maraming nangingibig; gayon ma'y manumbalik ka uli sa akin, sabi ng Panginoon.
Wala baga tayong lahat na isang ama? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang? Ang Juda'y gumawa ng paglililo, at ang kasuklamsuklam ay nagawa sa Israel at sa Jerusalem; sapagka't nilapastangan ng Juda ang santuario ng Panginoon, na kaniyang iniibig, at nagasawa sa anak na babae ng ibang dios. Ihihiwalay ng Panginoon ang taong gumawa nito, ang gumigising at ang sumasagot, mula sa mga tolda ng Jacob, at ang naghahandog ng handog sa Panginoon ng mga hukbo.magbasa pa.
At ito'y muli ninyong ginagawa: inyong tinatakpan ang dambana ng Panginoon ng mga luha, ng tangis, at ng buntong hininga, na anopa't hindi na niya nililingap ang handog ni tinatanggap man sa inyong kamay na may lugod. Gayon ma'y inyong sinasabi, Bakit? Sapagka't ang Panginoon ay naging saksi sa iyo at sa asawa ng iyong kabataan, na ginawan mo ng paglililo, bagaman siya'y iyong kasama, at siyang asawa ng iyong tipan. At di baga siya'y gumawa ng isa, bagaman siya'y may labis na Espiritu? At bakit isa? Kaniyang hinanap ang lahing maka Dios. Kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban, at huwag nang manglilo laban sa asawa ng kaniyang kabataan. Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban na huwag kayong magsalita na may paglililo.
Huwag silang makikisama sa patutot o lapastangan, ni makikisama sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa: sapagka't ang saserdote ay banal sa kaniyang Dios.
At siya'y sumagot at sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula, ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.magbasa pa.
Sinabi nila sa kaniya, Bakit nga ipinagutos ni Moises na magbigay ng kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay ang babae? Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinaubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon.
Ni mangagaasawa man sa babaing bao, o sa inihiwalay man: kundi sila'y magaasawa ng mga dalaga sa lahi ng sangbahayan ni Israel, o ng babaing bao na nabao sa saserdote.
Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay inilagda niya ang utos na ito. Nguni't buhat nang pasimula ng paglalang, Lalake at babaing ginawa niya sila. Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa;magbasa pa.
At ang dalawa ay magiging isang laman; kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.
Bukod dito'y sinabi sa akin ng Panginoon sa kaarawan ni Josias na hari, Iyo bagang nakita ang ginawa ng tumatalikod na Israel? siya'y yumaon sa bawa't mataas na bundok at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at doon siya nagpatutot. At aking sinabi pagkatapos na magawa niya ang lahat na bagay na ito, Siya'y babalik sa akin; nguni't hindi siya bumalik: at nakita ng taksil niyang kapatid na Juda. At aking nakita, nang, dahil dito sa pangangalunya ng tumatalikod na Israel, akin siyang pinalayas at binigyan ko siya ng sulat ng paghihiwalay, gayon ma'y hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda; kundi siya man ay yumaon at nagpatutot.magbasa pa.
At nangyari, sa walang kabuluhan niyang pagsamba sa diosdiosan, na ang lupain ay nadumhan, at siya'y sumamba sa pamamagitan ng mga bato at ng mga kahoy. At gayon ma'y sa lahat ng ito ay hindi bumalik sa akin ang taksil niyang kapatid na Juda, ng kaniyang buong puso, kundi paimbabaw, sabi ng Panginoon.
Ganito ang sabi ng Panginoon, Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kaniya? o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili kayo, at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina.
Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.
Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon.
Huwag kang matakot; sapagka't ikaw ay hindi mapapahiya: o malilito ka man; sapagka't hindi ka malalagay sa kahihiyan: sapagka't iyong kalilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan, at ang pula sa iyong pagkabao ay hindi mo maaalaala pa. Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa; ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya. Sapagka't tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Dios.magbasa pa.
Sa sangdaling-sangdali ay kinalimutan kita; nguni't pipisanin kita sa pamamagitan ng mga malaking kaawaan. Sa kaunting pagiinit ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo sa isang sangdali; nguni't kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob, sabi ng Panginoon, na iyong Manunubos.
Pagka ang isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan, ay mangyayari nga, na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata, sapagka't kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay, ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibibigay niya sa kaniyang kamay, at papagpapaalamin niya siya sa kaniyang bahay.
At kaniyang huhubarin ang suot na pagkabihag sa kaniya, at matitira sa iyong bahay, at iiyakan ang kaniyang ama at ang kaniyang ina na isang buong buwan: at pagkatapos noo'y sisiping ka sa kaniya, at ikaw ay magiging asawa niya, at siya'y magiging iyong asawa. At mangyayari, na kung di mo kalugdan siya, ay iyo ngang pababayaan siyang yumaon kung saan niya ibig; nguni't huwag mo siyang ipagbibili ng salapi, huwag mo siyang aalipinin, sapagka't iyong pinangayupapa siya.
Hindi ka na tatawagin pang Pinabayaan; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba: kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah: sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay tatangkilikin. Sapagka't kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon magagalak ang Dios sa iyo.
At nagsilapit sa kaniya ang mga Fariseo, na siya'y tinutukso nila, at kanilang sinasabi, Naaayon baga sa kautusan na ihiwalay ng isang lalake ang kaniyang asawa sa bawa't kadahilanan?
Gayon ma'y aalalahanin ko ang aking tipan sa iyo nang mga kaarawan ng iyong kabataan, at aking itatatag sa iyo ang isang walang hanggang tipan. Kung magkagayo'y aalalahanin mo ang iyong mga lakad, at mapapahiya ka, pagka iyong tatanggapin ang iyong mga kapatid na babae, ang iyong mga matandang kapatid at ang iyong batang kapatid: at aking ibibigay sila sa iyo na mga pinakaanak na babae, nguni't hindi sa pamamagitan ng iyong tipan. At aking itatatag ang aking tipan sa iyo; at iyong malalaman na ako ang Panginoon;magbasa pa.
Upang iyong maalaala, at malito ka, at kailan pa man ay hindi mo na bukahin ang iyong bibig, dahil sa iyong kahihiyan, pagka aking pinatawad ka ng lahat na iyong nagawa, sabi ng Panginoong Dios.
At si Ezra na saserdote ay tumayo, at nagsabi sa kanila: Kayo'y nagsisalangsang, at nangagasawa ng mga babaing tagaibang bayan, upang palalain ang sala ng Israel. Ngayon nga'y mangagpahayag kayo sa Panginoon, sa Dios ng inyong mga magulang, at inyong gawin ang kaniyang kalooban: at magsihiwalay kayo sa mga bayan ng lupain, at sa mga babaing tagaibang bayan.
Kaya't, narito, akin siyang hihikayatin, at dadalhin siya sa ilang, at pagsasalitaan ko siyang may pagaliw. At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula roon, at ang libis ng Achor na pinakapintuan ng pagasa; at siya'y sasagot doon, gaya ng mga kaarawan ng kaniyang kabataan, at gaya ng araw na siya'y sumampa mula sa lupain ng Egipto. At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi, at hindi mo na ako tatawaging Baali.
At si Sechanias na anak ni Jehiel, na isa sa mga anak ni Elam, ay sumagot at nagsabi kay Ezra: Kami ay nagsisalangsang laban sa ating Dios, at nangagasawa sa mga babaing taga ibang bayan ng lupain: gayon man, may pagasa sa Israel tungkol sa bagay na ito. Ngayon nga'y mangakipagtipan tayo sa ating Dios, na ating ihiwalay ang lahat na asawa, at ang mga ipinanganak nila, ayon sa payo ng aking panginoon, at niyaong mga nanginginig sa utos ng ating Dios; at gawin ayon sa kautusan.