12 Talata sa Bibliya tungkol sa Paghihiwalay
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at magdala ng katuwiran sa inyo.
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, sa mga tao ng Juda at ng Jerusalem, Inyong bungkalin ang inyong binabayaang bukiran, at huwag kayong maghasik sa gitna ng mga tinik.
Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan: nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas.
Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan: sila'y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan, at nagsilabas doon; at ang kanilang hari ay nagpauna sa kanila, at ang Panginoon sa unahan nila.
Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo: at ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.
Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.
Mga Paksa sa Paghihiwalay
Batas ng Paghihiwalay
Deuteronomio 24:1Pagka ang isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan, ay mangyayari nga, na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata, sapagka't kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay, ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibibigay niya sa kaniyang kamay, at papagpapaalamin niya siya sa kaniyang bahay.
Masakit na Paghihiwalay
Awit 147:3Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
Paghihiwalay ng Mag-asawa
Mateo 19:6Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.
Paghihiwalay sa mga Hayop
Genesis 30:40At ang mga korderong ito ay inihihiwalay ni Jacob, at inihaharap ang kawan sa dakong may batik, at ang lahat ng maitim sa kawan ni Laban; sa kaniyang ibinukod ang mga kawan niya rin, at hindi isinama sa kawan ni Laban.
Paghihiwalay sa mga Kamag-anak
Genesis 12:1Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo:
Tunay na Paghihiwalay ng Mag-asawa
Ezra 10:11Ngayon nga'y mangagpahayag kayo sa Panginoon, sa Dios ng inyong mga magulang, at inyong gawin ang kaniyang kalooban: at magsihiwalay kayo sa mga bayan ng lupain, at sa mga babaing tagaibang bayan.