8 Talata sa Bibliya tungkol sa Nagagalak kay Cristo
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.
Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
At hindi lamang gayon, kundi tayo'y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya'y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo.
At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman niya.
At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;
Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.
Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang aking kagalakan ay mapasa inyo, at upang ang inyong kagalakan ay malubos.
Mga Katulad na Paksa
- Cristo, Paghihirap ng mga Disipulo ni
- Diyos, Kagalakan ng
- Ikaw ay Magagalak sa Kaligtasan
- Kagalakan
- Kagalakan at Karanasan ng Tao
- Kagalakan at Kasiyahan
- Kagalakan bilang Bunga ng Espiritu
- Kagalakan, Puno ng