35 Talata sa Bibliya tungkol sa Kagalakan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Awit 100:2

Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.

2 Paralipomeno 30:21

At ang mga anak ni Israel na nakaharap sa Jerusalem ay nagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw, na may malaking kasayahan: at ang mga Levita at ang mga saserdote ay nagsipuri araw-araw sa Panginoon na nagsisiawit na may matunog na panugtog sa Panginoon.

Nehemias 8:17

At ang buong kapisanan nila na bumalik na mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga balag, at tumahan sa mga balag: sapagka't mula ng mga araw ni Josue na anak ni Nun hanggang sa araw na yaon ay hindi nagsigawa ang mga anak ni Israel ng gayon. At nagkaroon ng totoong malaking kasayahan.

Awit 4:7

Ikaw ay naglagay ng kasayahan sa aking puso, ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.

Awit 45:15

May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila: sila'y magsisipasok sa bahay-hari.

Mga Gawa 11:23

Na, nang siya'y dumating, at makita ang biyaya ng Dios, ay nagalak; at kaniyang inaralan ang lahat, na sa kapasiyahan ng puso ay magsipanatili sa Panginoon:

Jeremias 33:11

Ang tinig ng kagalakan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae, ang tinig nilang nangagsasabi, Kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon ng mga hukbo, sapagka't ang Panginoon ay mabuti, sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan pa man; at ng nangagdadala ng hain ng pagpapasalamat sa bahay ng Panginoon. Sapagka't aking ibabalik ang nangabihag sa lupain gaya ng una, sabi ng Panginoon.

Awit 32:11

Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid: at magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.

Mga Paksa sa Kagalakan

Kagalakan at Karanasan ng Tao

Awit 96:11-13

Matuwa ang langit at magalak ang lupa; humugong ang dagat, at ang buong naroon;

Kagalakan ng Iglesia

Lucas 2:8-11

At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.

Kagalakan ng Israel

Awit 100:1-4

Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.

Kagalakan sa Pagsamba

Awit 100:1-2

Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.

Panghinaharap na Kagalakan sa Piling ng Diyos

Awit 86:4

Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod; sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a