26 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagasa at Lakas
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man.
At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:
Kayo'y mangagpakalakas, at mangagdalang tapang ang inyong puso, kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon.
Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad; gayon ma'y hindi mo sinabi, Walang kabuluhan: ikaw ay nakasumpong ng kabuhayan ng iyong lakas; kaya't hindi ka nanglupaypay.
Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo;
Ang kabayo ay walang kabuluhang bagay sa pagliligtas: ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;
Nguni't silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila; sila'y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila'y magsisilakad, at hindi manganghihina.
Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita; sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan, handang saklolo sa kabagabagan.
Siya'y nagbibigay ng lakas sa mahina; at ang walang kapangyarihan ay pinananagana niya sa kalakasan.
Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan.
Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan, matibay na moog sa kaaway.
Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian; ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.
Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan.
Nguni't ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon: siya'y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan.
Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog.
Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:
Sa katapustapusa'y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.
Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.
Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
Ang Dios mo'y nagutos ng iyong kalakasan: patibayin mo, Oh Dios, ang ginawa mo sa amin.
Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.
Nang magkagayo'y kaniyang sinabi sa kanila, Magsilakad kayo ng inyong lakad, magsikain kayo ng taba, at magsiinom kayo ng matamis; at mangagpadala kayo ng mga bahagi roon sa walang naihanda: sapagka't ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon: huwag din kayong mangamanglaw; sapagka't ang kagalakan sa Panginoon ay inyong kalakasan.
Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
Ang Panginoon ay aking lakas at awit, At siya'y naging aking kaligtasan: Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin. Dios ng aking ama, at siya'y aking tatanghalin.
Mga Katulad na Paksa
- Ang Kapangyarihan ni Cristo
- Awit, Mga
- Diyos na Nagbibigay Lakas
- Diyos na Nagbibigay Lakas
- Diyos na ating Bato
- Diyos na ating Kanlungan
- Diyos na ating Lakas
- Kahinaan
- Kahirapan
- Kalakasan
- Kalakasan
- Kalakasan at Pagibig
- Kalakasan at Pananampalataya
- Kalakasan sa Kagipitan
- Kalakasan, Ang Diyos ang Ating
- Kanlungan
- Kanlungan
- Kapangyarihan
- Kapayapaan at Lakas
- Katapangan at Lakas
- Katatagan
- Malamig
- Mapagkakatiwalaan
- Mayaman, Ang
- Muog
- Nagbibigay Kaaliwan
- Nagtitiwala sa Diyos sa Oras ng Kagipitan
- Nagtitiwala sa Plano ng Diyos
- Nagtitiyaga
- Nananatiling Malakas
- Nananatiling Malakas sa Oras ng Kabigatan
- Pag-iingat ng Diyos
- Pagasa at Pananampalataya
- Pagasa para sa mga Matuwid
- Pagasa sa Diyos
- Pagasa sa Oras ng Kagipitan
- Paghihintay sa Panginoon
- Pagibig at Lakas
- Pagiging Ganap na Kristyano
- Pagiging Pinagpala
- Pagiging Takot
- Pagiging Tiwala ang Loob
- Pagiging tulad ni Cristo
- Pagiingat
- Pagiingat at Kaligtasan
- Pagod
- Pagpapanibago
- Pagpapatibay
- Pagtitiwala
- Pagtitiwala sa Iba
- Pagtitiyaga
- Pakikipaglaban
- Pamilya, Lakas ng
- Pananampalataya at Lakas
- Pananampalataya at Tiwala
- Pumailanglang