28 Talata sa Bibliya tungkol sa Tamad

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mangangaral 10:18

Sa katamaran ay gumuguho ang bubungan; at di sa pagkilos ng mga kamay ay tumutulo ang bahay.

Kawikaan 15:19

Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag: nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan.

Kawikaan 21:25

Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya; sapagka't tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa.

Kawikaan 26:14

Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan.

Kawikaan 26:13

Sinabi ng tamad, may leon sa daan; isang leon ay nasa mga lansangan.

Kawikaan 24:33

Kaunti pang tulog, kaunti pang idlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:

Kawikaan 19:24

Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan, at hindi na magsusubo pa sa kaniyang bibig uli.

Kawikaan 10:26

Kung paano ang suka sa mga ngipin, at kung paano ang usok sa mata, gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kaniya.

Kawikaan 26:16

Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran.

Mga Paksa sa Tamad

Tamad na mga Kamay

Kawikaan 6:10

Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:

Tamad, Halimbawa ng

Isaias 56:10

Ang kaniyang mga bantay ay mga bulag, silang lahat ay walang kaalaman; silang lahat ay mga piping aso, sila'y hindi makatahol; mapanaginipin, mapaghiga, maibigin sa pagidlip.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a