44 Talata sa Bibliya tungkol sa Tiwala at Tingin sa Sarili

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Nehemias 6:16

At nangyari, nang mabalitaan ng lahat naming mga kaaway, na ang lahat ng mga bansa na nangasa palibot namin ay nangatakot, at nangalumatang mainam: sapagka't kanilang nahalata na ang gawang ito ay gawa ng aming Dios.

Lucas 18:9

At kaniyang sinalita naman ang talinghagang ito sa nagsisiasa sa kanilang sarili, na nangagpapanggap na sila'y matutuwid, at pinawawalang halaga ang lahat ng mga iba:

Mga Taga-Roma 14:14

Nalalaman ko, at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon, na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili: maliban na doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi, sa kaniya'y marumi ito.

Mga Taga-Galacia 2:20
Mga Konsepto ng TaludtodAting Pagkapako sa KrusBuhay sa Materyal na MundoBuhay ay na kay CristoAng Isinukong BuhayKaraniwang BuhayCristo, Pagibig niMuling PagsilangNananatiling Malakas at Hindi SumusukoPagpako sa KrusNamumuhay para sa DiyosHindi SumusukoPananampalataya sa DiyosPagibigMasaganang BuhayDiyos, Pagkakaisa ngPakinabang ng Pananampalataya kay CristoPananatili kay CristoPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngPablo, Katuruan niPagiging Ganap na KristyanoHindi KamunduhanKatubusanBuhay na Karapatdapat IpamuhayKasalanan, Tugo ng Diyos saBuhay PananampalatayaHindi AkoKinatawanJesu-Cristo, Pagibig niPagkabuhay na Maguli, Espirituwal naPagiisaPagdidisipulo, Halaga ngMalusog na Buhay may AsawaKapalitPagibig, Katangian ngPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanTinatahanan ni CristoPagpapakabanal, Paraan at Bunga ngKahulugan ng PagkabuhaySumusukoKamatayan sa SariliUriPagpatay ng Sariling LayawWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngPagkamatay kasama ni CristoJesus, Kusang Loob na Pagbibigay ng Kanyang BuhaySarili, Paglimot saPakikibahagi sa Kamatayan at Pagkabuhay ni CristoPagpako kay Jesu-CristoDiyos, Ipinaubaya ngPagtanggap kay CristoPakikipagisa kay Cristo, Kahalagahan ngPakikibahagi kay CristoWalang Hanggang Buhay, Karanasan saPatay sa KasalananCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaKasalanan, Pagiwas sa

Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.

1 Corinto 4:4

Sapagka't wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman hindi dahil dito'y inaaring-ganap ako: sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon.

1 Corinto 1:12

Ibig ko ngang sabihin ito, na ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi, Ako'y kay Pablo; at ako'y kay Apolos; at ako'y kay Cefas; at ako'y kay Cristo.

Juan 21:16

Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa.

Lucas 4:9

At dinala niya siya sa Jerusalem, at inilagay siya sa taluktok ng templo, at sinabi sa kaniya, Kung ikaw ay Anak ng Dios, ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba:

Santiago 4:11

Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, o humahatol sa kaniyang kapatid, ay nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.

Kawikaan 25:27

Hindi mabuting kumain ng maraming pulot: gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian, ay hindi kaluwalhatian.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a