Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Corinto 7

1 Corinto Rango:

142
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasaalangalang ng Panawagan ng KaligtasanKinakailangan ang Pagtutuli

Tinawag baga ang sinomang taong tuli na? huwag siyang maging di tuli. Tinawag baga ang sinomang di tuli? huwag siyang maging tuli.

152
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag TumangisKakulangan sa Kagalakan

At ang mga nagsisiiyak, ay maging tulad sa mga hindi nagsisiiyak; at ang nangagagalak, ay maging tulad sa hindi nangagagalak; at ang mga nagsisibili, ay maging tulad sa mga walang inaari;

153
Mga Konsepto ng TaludtodTrabaho at KatubusanPagsasaalangalang ng Panawagan ng Kaligtasan

Mga kapatid, bayaang ang bawa't isa'y manatili sa Dios sa kalagayang itinawag sa kaniya.

166
Mga Konsepto ng TaludtodPaninindigan sa MundoTubusin ang PanahonAbuso sa mga Espirituwal na BagayLumilipasHindi KamunduhanBagay na Lumilipas, MgaAng Sanlibutan Bilang PansamantalaAbuso

At ang mga nagsisigamit ng sanglibutan, ay maging tulad sa hindi nangagpapakalabis ng paggamit: sapagka't ang kaasalan ng sanglibutang ito ay lumilipas.

172
Mga Konsepto ng TaludtodBuhay na Walang AsawaPagkabalisaMabuting GawainBagabag at KabigatanPagiging Walang Asawa

Inaakala ko ngang mabuti ito dahil sa kasalukuyang kahapisan, sa makatuwid baga'y mabuti ngang ang tao'y manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan.

173
Mga Konsepto ng TaludtodIwasan ang DiborsyoWalang AsawaPag-aasawaPagiging Walang AsawaKabiyakPag-aasawaMatrimonya

Natatali ka ba sa asawa? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag. Ikaw baga'y kalag sa asawa? huwag kang humanap ng asawa.

181
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng KakayahanPagiging IsaBuhay na Walang AsawaIbang mga BagayGaya ng mga Tao, Sa Katangian ayAng mga Kaloob ng DiyosKadalisayanKaloob at KakayahanPagiging Walang Asawa

Kaya't ibig ko sana, na ang lahat ng tao ay maging gaya ko. Nguni't ang bawa't tao'y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios, ang isa'y ayon sa paraang ito, at ang iba'y ayon sa paraan yaon.

183
Mga Konsepto ng TaludtodKatawanIsang LamanPagkakaisa, Mithiin ng Diyos hinggil saKapamahalaanMag-asawaPag-aasawa sa Pagitan ng Lalake at BabaeAsawang BabaeLalake at BabaeButihing Ama ng TahananKabiyakAteismoMagkabiyakNabibilangPag-aasawaMatrimonyaKerida

Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa.

196
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Atas ng

Nguni't ito'y sinasabi ko na parang payo, hindi sa utos.

355
Mga Konsepto ng TaludtodPananaw, MgaHindi Nanampalataya sa EbanghelyoIwasan ang Diborsyo

Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan.

369
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan, Halimbawa ngPananaw, MgaTinatanggap ang Habag ng DiyosDiyos, Atas ngPagiging Walang AsawaBirhen, Pagka

Ngayon, tungkol sa mga dalaga ay wala akong utos ng Panginoon: nguni't ibinibigay ko ang aking pasiya, na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon upang mapagkatiwalaan.

372
Mga Konsepto ng TaludtodKaayusan sa Personal na PagtatalagaTrabaho bilang Itinalaga ng DiyosIglesia, Kaayusan saTakdang AralinAng IglesiaIglesia ng DiyosBuhay na may LayuninNaglilingkod sa Iglesia

Ayon nga lamang sa ipinamahagi ng Panginoon sa bawa't isa, at ayon sa pagkatawag ng Dios sa bawa't isa, ay gayon siya lumakad. At gayon ang iniuutos ko sa lahat ng mga iglesia.

399
Mga Konsepto ng TaludtodBirhenPag-aasawa na PinahintulutanPagnanasaKatulad na Kasarian, Pagaasawa saMagkabiyakGumagawaBirhen, Pagka

Nguni't kung iniisip ng sinomang lalake na hindi siya gumagawa ng marapat sa kaniyang anak na dalaga, kung ito'y sumapit na sa kaniyang katamtamang gulang, at kung kailangan ay sundin niya ang kaniyang maibigan, hindi siya nagkakasala; bayaang mangagasawa sila.

423
Mga Konsepto ng TaludtodMaayos na ParisanIsinasaayosPagiging Maalab sa DiyosPagiging Walang AsawaPagkagambalaTuntuninPagtatalaga

At ito'y sinasabi ko sa inyong sariling kapakinabangan; hindi upang alisin ko ang inyong kalayaan, kundi dahil sa bagay na nararapat, at upang kayo'y makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala.

430
Mga Konsepto ng TaludtodMabuting GawainHindi PagaasawaPag-aasawaMatrimonyaBirhen, Pagka

Kaya nga ang nagpapahintulot sa kaniyang anak na dalaga na magasawa ay gumagawa ng mabuti; at ang hindi nagpapahintulot na siya'y magasawa ay gumagawa ng lalong mabuti.

433
Mga Konsepto ng TaludtodMapagtanggap, PagigingAng Banal na Espiritu at ang KasulatanNananatiling PositiboPagiging Walang AsawaPagkagambalaSarili

Nguni't lalong maligaya siya kung manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan, ayon sa aking akala: at iniisip ko na ako'y may Espiritu rin naman ng Dios.

437
Mga Konsepto ng TaludtodPagiisipWalang AsawaPositibong PagiisipGumagawaMatatagBirhen, Pagka

Subali't ang nananatiling matibay sa kaniyang puso, na walang kailangan, kundi may kapangyarihan tungkol sa kaniyang sariling kalooban, at pinasiyahan sa kaniyang sariling puso na ingatan ang kaniyang sariling anak na dalaga, ay mabuti ang gagawin.