Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Paralipomeno 11

1 Paralipomeno Rango:

19
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong Lalake

At pagkatapos niya ay si Eleazar na anak ni Dodo, na Ahohita, na isa sa tatlong makapangyarihang lalake.

72
Mga Konsepto ng TaludtodTrigoIsrael, Tumatakas ang

Siya'y kasama ni David sa Pasdammin, at doo'y ang mga Filisteo ay nagpipisan upang bumaka, na kinaroroonan ng isang putol na lupa na puno ng sebada; at ang bayan ay tumakas sa harap ng mga Filisteo.

75

At si David ay nagbuntonghininga, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem na mainom, na nasa siping ng pintuang-bayan!

76
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibay

At si David nga ay nasa katibayan, at ang pulutong ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem noon.

86
Mga Konsepto ng TaludtodButo, MgaKatawanKatulad ng Buto at Laman

Nang magkagayo'y ang buong Israel ay nagpipisan kay David sa Hebron, na nagsasabi, Narito, kami ay iyong buto at iyong laman.

99

Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong makapangyarihang lalake.

117
Mga Konsepto ng TaludtodPagsagip

At sila'y nagsitayo sa gitna ng putol na yaon at ipinagsanggalang, at pinatay ang mga Filisteo; at iniligtas ng Panginoon sila sa pamamagitan ng isang dakilang pagtatagumpay.

142
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakampoYungibLambak, MgaTatlumpuMga Taong nasa KuwebaYungib bilang Taguang Lugar

At binaba sa malaking bato si David ng tatlo sa tatlongpung pinuno, sa loob ng yungib ni Adullam; at ang hukbo ng mga Filisteo ay humantong sa libis ng Raphaim.

156
Mga Konsepto ng TaludtodTatlumpuTatlo at Apatnaraan

At si Abisai na kapatid ni Joab, siyang pinuno ng tatlo: sapagka't kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila, at nagkaroon ng pangalan sa tatlo.

157
Mga Konsepto ng TaludtodPangit na PananalitaMga Taong Umiinom ng DugoPanganib

At sinabi, Huwag itulot sa akin ng aking Dios na aking gawin ito; iinumin ko ba ang dugo ng mga lalaking ito na ipinain ang kanilang buhay sa pagkamatay? sapagka't sa pagpapain ng kanilang mga buhay ay kanilang dinala. Kaya't hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong makapangyarihang lalake.

161
Mga Konsepto ng TaludtodPagkuha ng TubigIbinubuhos ang Tubig

At ang tatlo'y nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Bethlehem na nasa siping ng pintuang-bayan, at kinuha at dinala kay David: nguni't hindi ininom ni David yaon, kundi ibinuhos na pinakainuming handog sa Panginoon.

163
Mga Konsepto ng TaludtodKlima, Uri ngYumeyeloKalakasan ng TaoPagpatay sa Mapanganib na HayopPagliligtas mula sa mga LeonMalamig na KlimaBayani, Mga

Si Benaias na anak ni Joiada, na anak ng isang matapang na lalake sa Cabseel, na gumawa ng mga makapangyarihang gawa, ay kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab: siya'y bumaba rin naman at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa panahon ng niebe.

169
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong Lalake

Sa tatlo, siya'y lalong marangal kay sa dalawa, at ginawang kanilang pinunong kawal: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.

242
Mga Konsepto ng TaludtodTatlumpu

At ito ang bilang ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: si Jasobam, na anak ng isang Hachmonita, na pinuno ng tatlongpu; siya ang nagtaas ng kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila na paminsan.

243
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalakas-Loob, Halimbawa ngAng Magigiting na mga Lalake

Ang mga ito ang mga pinuno ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David, na napakilala na malakas na kasama niya sa kaniyang kaharian, na kasama ng buong Israel, upang gawin siyang hari, ayon sa salita ng Panginoon tungkol sa Israel.

255
Mga Konsepto ng TaludtodSinagMangagawa ng SiningSibat, MgaTimbangan at Panukat, Tuwid naHigante, Mga

At siya'y pumatay ng isang taga Egipto, na isang lalaking may malaking bulas, na limang siko ang taas; at sa kamay ng taga Egipto ay may isang sibat na gaya ng panghabi ng manghahabi; at binaba niya siya na may isang tungkod, at inagaw ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.

256

Si Sibbecai na Husatita, si Ilai na Ahohita;

269
Mga Konsepto ng TaludtodZion, Bilang Lugar

At si David at ang buong Israel ay naparoon sa Jerusalem (na siyang Jebus); at ang mga Jebuseo na mga tagaroon sa lupain, ay nangandoon.

270
Mga Konsepto ng TaludtodKomander

At sinabi ni David, Sinomang sumakit sa mga Jebuseo na una ay magiging pinuno at kapitan. At si Joab na anak ni Sarvia ay sumampang una, at naging pinuno.

275

Si Ira na anak ni Acces na Tecoita, si Abiezer na Anathothita;

294
Mga Konsepto ng TaludtodLungsod ni DavidKastilyoPagpasok sa mga Siyudad

At sinabi ng mga taga Jebus kay David, Ikaw ay hindi makapapasok rito. Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan ng Sion; na siyang bayan ni David.

300
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang Pastol

Nang mga panahong nakaraan, sa makatuwid baga'y nang si Saul ay hari, ikaw ang pumapatnubay at nagpapasok sa Israel: at sinabi sa iyo ng Panginoon mong Dios, Iyong aalagaan ang aking bayang Israel, at ikaw ay magiging pangulo ng aking bayang Israel.

306

Si Samoth na Arorita, si Helles na Pelonita;

320
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, Relasyon saHari, MgaPagkahari, PantaongPinahiran ng Langis, Mga Hari na

Sa gayo'y lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon sa hari sa Hebron; at si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ng Panginoon, at kanilang pinahiran ng langis si David na hari sa Israel, ayon sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Samuel.

323

Ang mga makapangyarihang lalake naman sa mga hukbo; si Asael na kapatid ni Joab, si Elchanan na anak ni Dodo na taga Bethlehem:

329
Mga Konsepto ng TaludtodGuwardiya, MgaTatlumpu

Narito, siya'y lalong marangal kay sa tatlongpu, nguni't hindi siya umabot sa unang tatlo: at inilagay ni David sa kaniya na bantay.

343
Mga Konsepto ng TaludtodLungsodKastilyoZion, Bilang Lugar

At si David ay tumahan sa katibayan; kaya't kanilang tinawag na bayan ni David.

347
Mga Konsepto ng TaludtodKapangyarihan ng Tao

At si David ay dumakila ng dumakila; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa kaniya.

353
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatagZion, Bilang Lugar

At kaniyang itinayo ang bayan sa palibot, mula sa Millo hanggang sa palibot: at hinusay ni Joab ang nalabi sa bayan.

388
Mga Konsepto ng TaludtodMandirigma, Mga

Si Maharai na Nethophatita, si Heled na anak ni Baana na Nethophatita;

452

Si Ithai na anak ni Ribai na taga Gabaath, sa mga anak ni Benjamin, si Benaias na Phirathita.

476
Mga Konsepto ng TaludtodBatis

Si Hurai sa mga batis ng Gaas, si Abiel na Arbathonita;

502

Si Ahiam na anak ni Sachar, na Ararita, si Eliphal na anak ni Ur;

540

Si Hesro na Carmelita, si Nahari na anak ni Ezbai;

604

Si Azmaveth na Baharumita, si Eliaba na Saalbonita;

679

Si Eliel, at si Obed, at si Jaasiel, na taga Mesobiata.

709

Si Hanan na anak ni Maacha, at si Josaphat na Mithnita;

738

Si Joel na kapatid ni Nathan, si Mibhar na anak ni Agrai,

744

Si Uria na Hetheo, si Zabad na anak ni Ahli;

781

Si Hepher na Mecherathita, si Ahia na Phelonita;

793

Ang mga anak ni Asem na Gizonita, si Jonathan na anak ni Saje na Hararita;

857

Si Uzzias na Astarothita, si Samma at si Jehiel na mga anak ni Hotham na Arorita;

858
Mga Konsepto ng TaludtodTatlumpu

Si Adina na anak ni Siza na Rubenita, na pinuno ng mga Rubenita, at tatlongpu ang kasama niya;

873

Si Ira na Ithrita, si Yared na Ithrita:

874

Si Selec na Ammonita, si Naarai na Berothita, na tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia;

884
Mga Konsepto ng TaludtodMandirigma, Mga

Si Eliel na Mahavita, at si Jeribai, at si Josabias na mga anak ni Elnaam, at si Ithma na Moabita;

914

Si Jediael na anak ni Simri; at si Joha na kaniyang kapatid, na Thisaita;