Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Paralipomeno 15

1 Paralipomeno Rango:

15
Mga Konsepto ng TaludtodAlpaLiraManunugtos, MgaInstrumento ng Musika, Uri ngMangaawitTrabahoUmaawitAwit, MgaBatingawInstrumentalista, MgaLira, Mga

At si David ay nagsalita sa pinuno ng mga Levita, na ihalal ang kanilang mga kapatid na mangaawit, na may mga panugtog ng tugtugin, mga salterio, at mga alpa, at mga simbalo, upang magsitugtog ng malakas, at maglakas ng tinig na may kagalakan.

63

Sa gayo'y inihalal ng mga Levita si Heman na anak ni Joel; at sa kaniyang mga kapatid ay si Asaph na anak ni Berechias; at sa mga anak ni Merari na kanilang mga kapatid ay si Ethan na anak ni Cusaias;

147

At si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, at si Azazias, na may mga alpa na itinugma sa Seminit, upang magayos sa pagawit.

170

At si Berechias, at si Elcana ay mga tagatanod sa kaban.

172
Mga Konsepto ng TaludtodPahinante

At kasama nila, ang kanilang mga kapatid sa ikalawang hanay, si Zacharias, si Ben, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, si Eliab, at si Benaias, at si Maasias, at si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, na mga tagatanod-pinto.

177
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpeta

At si Sebanias, at si Josaphat, at si Nathanael, at si Amasai, at si Zacharias, at si Benaias at si Eliezer na mga saserdote, ay nagsihihip ng mga pakakak sa harap ng Dios: at si Obed-edom, at si Jehias ay mga tagatanod sa kaban.

201
Mga Konsepto ng TaludtodAlpaSungay, MgaInstrumento ng Musika, Uri ngLalakeng TupaSumisigawSumisigaw sa GalakBatingawLira, Mga

Gayon iniahon ng buong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga hiyawan, at may mga tunog ng korneta, at mga pakakak, at may mga simbalo, na tumutunog ng malakas na may mga salterio at mga alpa.

221
Mga Konsepto ng TaludtodLalakeng TupaPitong HayopTipan ng Diyos sa mga Levita

At nangyari, na pagka tinulungan ng Dios ang mga Levita na nangagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, na sila'y naghahain ng pitong baka at pitong tupa.

240
Mga Konsepto ng TaludtodEfodTelaLinoMangaawitBalabalKoroKasuotan

At si David ay nababalot ng isang balabal na mainam na kayong lino, at ang lahat na Levita na nagsisipasan ng kaban, at ang mga mangaawit, at si Chenanias na tagapagturo ng awit na kasama ng mga mangaawit: at si David ay mayroong isang epod na lino.

268
Mga Konsepto ng TaludtodSayawPagsasayawPusong Makasalanan at TinubosMapagmataasTumitingin sa SalaminMga Taong Nagsisipagtalon

At nangyari, samantalang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay dumarating sa bayan ni David, na si Michal na anak ni Saul ay tumanaw sa dungawan, at nakita niya ang haring David na sumasayaw at tumutugtog; at kaniyang niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso.

368
Mga Konsepto ng TaludtodTansoBatingaw

Sa gayo'y ang mga mangaawit, si Heman, si Asaph, at si Ethan, ay nangahalal na may mga simbalong tanso upang patunuging malakas;

403

At si Zacharias, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, at si Eliab, at si Maasias, at si Benaias, na may mga salterio na itinugma sa Alamoth;

414
Mga Konsepto ng TaludtodUmaawitHusayKoroMangaawitMga Taong Nagtuturo

At si Chenanias, na pinuno ng mga Levita, nasa pamamahala sa awitan: siya ang nagtuturo tungkol sa pagawit, sapagka't siya'y bihasa.

421
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Pangyayari tungkol saTolda, MgaKaban, Ang Paglilipat-lipat sa

At gumawa si David ng mga bahay sa bayan ni David; at ipinaghanda niya ng isang dako ang kaban ng Dios, at ipinaglagay roon ng isang tolda.

464
Mga Konsepto ng TaludtodKomanderKaban sa Jerusalem, Ang

Sa gayo'y si David, at ang mga matanda sa Israel, at ang mga punong kawal sa mga lilibuhin, ay nagsiyaon upang iahong may sayahan ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bahay ni Obed-edom:

484
Mga Konsepto ng TaludtodHinirang, Pananagutan saMinisteryo, Katangian ngDala-dalang mga Banal na Bagay

Nang magkagayo'y sinabi ni David, Walang makapagdadala ng kaban ng Dios kundi ang mga Levita: sapagka't sila ang pinili ng Panginoon upang magsipagdala ng kaban ng Dios, at upang mangasiwa sa kaniya magpakailan man.

578

At ipinatawag ni David si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote, at ang mga Levita, si Uriel, si Asaias, at si Joel, si Semeias, at si Eliel, at si Aminadab,

591
Mga Konsepto ng TaludtodPagsangguni sa DiyosDala-dalang mga Banal na BagayHindi Sumasangguni sa Diyos

Sapagka't dahil sa hindi ninyo dinala nang una, ang Panginoon nating Dios ay nagalit sa atin, sapagka't hindi natin hinanap siya ayon sa utos.

609

Sa mga anak ni Coath: si Uriel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at dalawangpu;

624

Sa mga anak ni Gersom: si Joel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at tatlongpu;

664

Sa mga anak ni Uzziel: si Aminadab na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at labing dalawa.

666
Mga Konsepto ng TaludtodPosteDala-dalang mga Banal na Bagay

At pinisan ng mga anak ng mga Levita ang kaban ng Dios sa kanilang mga balikat sa pamamagitan ng mga pingga niyaon, gaya ng iniutos ni Moises ayon sa salita ng Panginoon.

667
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang Dalawang Daan

Sa mga anak ni Elisaphan: si Semeias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan:

702
Mga Konsepto ng TaludtodKaban sa Jerusalem, Ang

At sinabi sa kanila, Kayo ang mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita: magpakabanal kayo, at gayon din ang inyong mga kapatid, upang inyong maiahon ang kaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel, hanggang sa dakong aking pinaghandaan.

743
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang na Walo

Sa mga anak ni Hebron: si Eliel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, walongpu;

762
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitiponPagtitipon ng IsraelKaban sa Jerusalem, Ang

At pinisan ni David ang buong Israel sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng Panginoon sa dakong pinaghandaan.

798

Sa mga anak ni Merari: si Asaias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan at dalawangpu;

814

At pinisan ni David ang mga anak ni Aaron, at ang mga Levita:

832
Mga Konsepto ng TaludtodKabanalan bilang Ibinukod sa Diyos

Sa gayo'y ang mga saserdote at ang mga Levita ay nagpakabanal, upang iahon ang kaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.