Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 1 Paralipomeno 16

1 Paralipomeno Rango:

23
Mga Konsepto ng TaludtodImortalidad sa Lumang TipanJacob bilang PatriarkaAng Walang Hanggang Tipan

At pinatotohanan din kay Jacob na pinaka palatuntunan, Kay Israel na pinaka walang hanggang tipan:

59

Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, Ang kapalaran ng inyong mana:

149
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaBatingaw

Noong kayo'y kakaunting tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon;

220
Mga Konsepto ng TaludtodLagalag, Mga

At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, At mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.

352
Mga Konsepto ng TaludtodHipuinPinahiran, AngAng Pinahiran ng PanginoonPropeta, Naghihirap na mga

Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran ng langis, At huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.

390

Hindi niya tiniis na gawan sila nino man ng kasamaan; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;

404

Kayo'y magsiawit sa Panginoon, buong lupa, Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.

408
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamangha sa mga Gawa ng DiyosKaluwalhatian ng Diyos

Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, Ang kaniyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan.

416
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngPapuriPagpupuri, Dahilan ngPagpipitagan at ang Kalikasan ng DiyosPagsamba sa Diyos LamangKahalagahanHigit sa Lahat ng mga Diyus-diyusan

Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihing mainam: Siya rin nama'y marapat na katakutan ng higit sa lahat na dios.

417
Mga Konsepto ng TaludtodDaigdig na Matatag at Hindi NagigibaPatag na Daigdig

Manginig sa harap niya ang buong lupa: Ang sanglibutan nama'y natatatag na hindi makikilos.

422
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba sa DiyosPapuriDiyos, Kamaharlikahan ngPagsamba, Nararapat na Paguugali saPagsamba, Mga Dahilan ngKagandahan ng DiyosSining ng PagdiriwangKabanalanPagbibigay

Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: Mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya: Inyong sambahin ang Panginoon sa ganda ng kabanalan.

426
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng SariliPanawagan sa DiyosMapagpasalamatPapuri

Oh kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon, magsitawag kayo sa kaniyang pangalan; Ipakilala ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa.

430
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kabutihan ngUgaling MapagpasalamatDiyos na Walang HangganUtang na LoobHabag

Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.

441
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Pangyayari tungkol saTolda, MgaKaban, Ang Paglilipat-lipat sa

At kanilang ipinasok ang kaban ng Dios, at inilagay sa gitna ng tolda na itinayo ni David para roon: at sila'y nagsipaghandog ng mga handog na susunugin, at mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Dios.

447
Mga Konsepto ng TaludtodAstronomiyaPaglikha sa Pisikal na Langit

Sapagka't lahat ng dios ng mga bayan ay mga diosdiosan: Nguni't nilikha ng Panginoon ang mga langit.

457
Mga Konsepto ng TaludtodDavid, Kakayahan niAwit, MgaAnibersaryo

Nang magkagayo'y nang araw na yao'y unang iniutos ni David ang magpasalamat sa Panginoon, sa pamamagitan ng kamay ni Asaph at ng kaniyang mga kapatid.

460
Mga Konsepto ng TaludtodPaghingiTrabahoTalumpati, Mabuting Aspeto ngPasasalamatPagpupuri ay Dapat Ialay ng mayPagpupuri sa DiyosRelasyon at Panunuyo

At siya'y naghalal ng ilan sa mga Levita upang magsipangasiwa sa harap ng kaban ng Panginoon, at upang magsipagdiwang at mangagpasalamat, at mangagpuri sa Panginoon, sa Dios ng Israel:

466
Mga Konsepto ng TaludtodKagubatanHukom, MgaAng Katangian ng Kahatulan

Kung magkagayo'y aawit ang mga puno ng kahoy sa gubat dahil sa kagalakan sa harap ng Panginoon, Sapagka't siya'y naparirito upang hatulan ang lupa.

470
Mga Konsepto ng TaludtodKalakasan ng DiyosPamilya, Lakas ng

Mangagbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at ng kalakasan.

482
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kagalakan ngDiyos, Kamaharlikahan ngPamilya, Lakas ng

Karangalan at kamahalan ang nangasa harap niya: Kalakasan at kasayahan ang nangasa kaniyang tahanan.

500
Mga Konsepto ng TaludtodKasunduan, Sa Harapan ng DiyosAmenWalang Hanggan, Katangian ngPagpupuri, Ugali at PamamaraanWalang Hanggang Papuri

Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sinabi ng buong bayan, Siya nawa: at pinuri ang Panginoon.

507
Mga Konsepto ng TaludtodKanayunan

Umugong ang dagat at ang kapunuan niyaon; Matuwa ang parang at ang lahat na nandoon;

509
Mga Konsepto ng TaludtodAlpaInstrumento ng Musika, Uri ngOrkestraBatingawLira, Mga

Si Asaph ang pinuno, at ang ikalawa niya'y si Zacharias, si Jeiel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Eliab, at si Benaias, at si Obed-edom, at si Jeiel, na may mga salterio at mga alpa; at si Asaph na may mga simbalo, na tumutunog ng malakas;

527
Mga Konsepto ng TaludtodKapayapaan, Handog sa

At nang si David ay makatapos na maghandog ng handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, ay kaniyang binasbasan ang bayan sa pangalan ng Panginoon.

546

At si Sadoc na saserdote, at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote, sa harap ng tabernakulo ng Panginoon sa mataas na dako na nasa Gabaon,

547
Mga Konsepto ng TaludtodPapuriKapangyarihan ng Diyos

Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya; Salitain ninyo ang lahat niyang mga kamanghamanghang gawa.

552
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel, Nagagalak na mgaDiyos na Naghahari sa LahatKaharian ng Diyios, Pagdating ngPagkahari, Banal na

Mangagsaya ang mga langit, at magalak ang lupa; At sabihin nila sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari.

554
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpeta

At si Benaias at si Jahaziel na mga saserdote na mga may pakakak na palagi, sa harap ng kaban ng tipan ng Dios.

581
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kabanalan ngKaligtasan, HinahanapPagtitipon sa mga Israelita

At sabihin ninyo, Iligtas mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, At pisanin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa, Upang kami ay pasalamat sa iyong banal na pangalan, At magtagumpay sa iyong kapurihan.

583
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Katapatan ngSalinlahiMga Utos sa Lumang TipanPagalaalaDiyos na Nakakaalala ng Kanyang TipanLaging Nasa Isip

Alalahanin ninyo ang kaniyang tipan magpakailan man, Ang salita na kaniyang iniutos sa libolibong sali't saling lahi;

587
Mga Konsepto ng TaludtodPakikibahagi kay CristoAnimnapu

At si Obed-edom pati ng kanilang mga kapatid, ay anim na pu't walo; si Obed-edom din na anak ni Jeduthun at si Asa ay upang maging mga tagatanod-pinto:

602
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Pangyayari tungkol saPagsamba, Panahon ngAraw-araw na TungkulinKaban sa Jerusalem, Ang

Sa gayo'y iniwan niya roon sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon, si Asaph at ang kaniyang mga kapatid upang magsipangasiwang palagi sa harap ng kaban, gaya ng kinakailangan ng gawain sa araw-araw:

613

At kasama nila si Heman at si Jeduthun, at ang nalabi sa mga pinili, na nangasaysay sa pangalan upang pasalamat sa Panginoon, sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man;

626
Mga Konsepto ng TaludtodSeremonyaHayop, Sinunog na Alay naSa Umaga at Gabi

Upang maghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa Panginoon sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin sa umaga at hapon, ayon sa lahat na nangasusulat sa kautusan ng Panginoon na kaniyang iniutos sa Israel;

642
Mga Konsepto ng TaludtodKagalakan at Karanasan ng TaoPaghahanap sa DiyosNagagalak

Mangagpakaluwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: Mangagalak ang puso niyaong nagsisihanap sa Panginoon.

644
Mga Konsepto ng TaludtodBungaPagkainKeyk

At siya'y nagbigay sa bawa't isa sa Israel, sa lalake at gayon din sa babae, sa bawa't isa ng isang tinapay, at ng isang bahaging laman, at isang binilong pasas.

676
Mga Konsepto ng TaludtodDaigdig, Kahatulan sa

Siya ang Panginoon nating Dios; Ang kaniyang mga kahatulan ay nasa sangkalupaan.

680
Mga Konsepto ng TaludtodTrabahoTrumpetaPahinanteInstrumentalista, Mga

At kasama nila si Heman at si Jeduthun na may mga pakakak at mga simbalo sa mangagpapatunog ng malakas, at mga may panugtog sa mga awit sa Dios: at ang mga anak ni Jeduthun upang mangalagay sa pintuang-daan.

681
Mga Konsepto ng TaludtodNakaraan, AngPagalaala

Alalahanin ninyo ang kaniyang kamanghamanghang mga gawa na kaniyang ginawa; Ang kaniyang mga kababalaghan, at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;

732

At ang buong bayan ay nagsiuwi bawa't tao sa kanikaniyang bahay: at si David ay bumalik upang basbasan ang kaniyang sangbahayan.

795

Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, At ang kaniyang sumpa kay Isaac:

808
Mga Konsepto ng TaludtodHinirang, Pagpapala saJacob bilang Patriarka

Oh kayong binhi ng Israel na kaniyang lingkod, Kayong mga anak ni Jacob na kaniyang pinili.