Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Corinto 7

2 Corinto Rango:

25
Mga Konsepto ng TaludtodDisiplina ng DiyosSandaling PanahonMaiksing Panahon para KumilosNanghihinayangNasaktanPanahon, NagbabagongPagdadalamhatiNasasaktan

Sapagka't bagaman ako'y nakapagpalumbay sa inyo sa aking sulat, ay hindi ko dinaramdam: bagama't aking dinamdam (sapagka't akin ngang natatalastas na ang sulat na yaon ay nakapagpalumbay sa inyo, bagama't sa maikling panahon lamang),

55
Mga Konsepto ng TaludtodPagsisisiWalang Kalugihan

Ngayo'y nagagalak ako, hindi dahil sa inyong pagkalumbay, kundi dahil sa inyong mga pagkalumbay na ikapagsisisi; sapagka't kayo'y pinalumbay sa paraang ukol sa Dios, upang sa anoman ay huwag kayong mangagkaroon ng kalugihan dahil sa amin.

81
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamahal, Pagpapadama ngPagkamasigasigPagsamo, Inosenteng

Narito nga, ito rin ang inyong ikinalulumbay na mula sa Dios, gaanong sikap na pagiingat ang sa inyo'y ginawa, oo't gaanong pagtatanggol ng inyong sarili, oo't gaanong pagkagalit, oo't gaanong katakutan, oo't gaanong pananabik, oo't gaanong pagmamalasakit, oo't gaanong paghihiganti! Sa lahat ay napakita kayong dalisay sa bagay na ito.

94

Kaya nga, bagama't ako'y sumulat sa inyo, ay hindi dahil doon sa gumawa ng kamalian, ni dahil doon sa nagbata ng kamalian, kundi upang maihayag sa inyo ang inyong masikap na pagiingat sa amin sa harapan ng Dios.

99
Mga Konsepto ng TaludtodPablo, Pagmamapuri niNagyayabang

Sapagka't kung ako ay nagmapuri ng anoman sa kaniya dahil sa inyo, ay hindi ako nahiya; datapuwa't kung paanong sinabi namin ang lahat ng mga bagay sa inyo sa katotohanan, ay gayon din naman ang aming pagmamapuri na ginawa ko sa harap ni Tito ay nasumpungang totoo.

107
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahanTao, Kaaliwan ngMga Taong SumiglaPagpapahalaga sa Pastor

Kaya't kami'y pawang nangaaliw: at sa aming pagkaaliw ay bagkus pang nangagalak kami dahil sa kagalakan ni Tito, sapagka't ang kaniyang espiritu ay inaliw ninyong lahat.

135
Mga Konsepto ng TaludtodSumusunod sa mga TaoPagkabalisa at TakotKinakabahan

At ang kaniyang pagibig ay lubha pang nanagana sa inyo, samantalang naaalaala niya ang pagtalima ninyong lahat, kung paanong siya'y tinanggap ninyo na may takot at panginginig.

144
Mga Konsepto ng TaludtodTiwala ng mga KristyanoPagtitiwala sa Ibang Tao

Ako'y nagagalak na sa lahat ng mga bagay ay mayroon akong lubos na pagtitiwala sa inyo.

159
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatang LoobPagiimbot, Utos laban saPandarayaPanlolokoWalang Silid

Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso: hindi namin inapi ang sinoman, hindi namin ipinasama ang sinoman, hindi namin dinaya ang sinoman.

183
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamahal, Pagpapadama ngKagalakan ng IglesiaPagtangis sa KapighatianMatuwid na Pagnanasa

At hindi lamang sa kaniyang pagdating, kundi naman sa kaaliwan ng inialiw sa kaniya dahil sa inyo, nang sa amin ay ibalita niya ang inyong pananabik, ang inyong kalumbayan, ang inyong pagmamalasakit dahil sa akin; ano pa't ako'y lubha pang nagalak.

184
Mga Konsepto ng TaludtodNamumuhay, MagkasamangWalang KahatulanKahatulan

Hindi ko sinasabi ito upang kayo'y hatulan: sapagka't sinabi ko na nang una, na kayo'y nasa aming mga puso upang magkasamang mamatay at magkasamang mabuhay.