Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 18

2 Mga Hari Rango:

8

At sinabi ni Rabsaces sa kanila, Sabihin ninyo ngayon kay Ezechias, Ganito ang sabi ng dakilang hari, ng hari sa Asiria, Anong pagasa ito sa iyong tinitiwalaan?

29
Mga Konsepto ng TaludtodKawalan

Iyong sinasabi (nguni't mga salitang walang kabuluhan lamang) May payo at kalakasan sa pakikipagdigma. Ngayon, kanino ka tumitiwala, na ikaw ay nanghimagsik laban sa akin?

63
Mga Konsepto ng TaludtodTamboTungkodPagtitiwala sa Ibang Tao

Ngayon, narito, ikaw ay tumitiwala sa tungkod na ito na kahoy na lapok, sa makatuwid baga'y sa Egipto; na kung sinoman ay sumandal, ay tutuhog sa kaniyang kamay, at palalagpasan: gayon si Faraon na hari sa Egipto sa lahat na tumitiwala sa kaniya.

68
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga BansaDiyos, Atas ng

Ako ba'y umahon na di ko kasama ang Panginoon laban sa dakong ito upang lipulin? Sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay umahon laban sa lupaing ito, at iyong lipulin.

119
Mga Konsepto ng TaludtodLikodPag-uusapDalawang LiboPagsakay sa Kabayo

Isinasamo ko nga ngayon sa iyo na magbigay ka ng mga sangla sa aking panginoon na hari sa Asiria, at bibigyan kita ng dalawang libong kabayo, kung ikaw ay makapaglalagay sa ganang iyo ng mga mangangabayo sa mga yaon.

143
Mga Konsepto ng TaludtodAltar

Nguni't kung inyong sabihin sa akin: Kami ay tumitiwala sa Panginoon naming Dios: hindi ba siya'y yaong inalisan ni Ezechias ng mga mataas na dako, at ng mga dambana, at nagsabi sa Juda at sa Jerusalem, Kayo'y magsisisamba sa harap ng dambanang ito sa Jerusalem?

166
Mga Konsepto ng TaludtodPagkubkob, MgaNakasusuklam na PagkainPagbabawas ng DumiPagihiTae

Nguni't sinabi ni Rabsaces sa kanila, Sinugo ba ako ng aking panginoon sa iyong panginoon, at sa iyo, upang salitain ang mga salitang ito? di ba niya ako sinugo sa mga lalake na nangakaupo sa kuta, upang magsikain ng kanilang sariling dumi, at upang magsiinom ng kanilang sariling ihi na kasalo ninyo?

208
Mga Konsepto ng TaludtodPinapanatili ang Sarili na BuhayInililigawMagkatulad na mga BagayHuwag Makinig!

Hanggang sa ako'y dumating at dalhin ko kayo sa isang lupaing gaya ng inyong sariling lupain, na lupain ng trigo at ng alak, na lupain ng tinapay at ng mga ubasan, na lupain ng langis na olibo at ng pulot, upang kayo'y mangabuhay, at huwag mangamatay: at huwag ninyong dinggin si Ezechias, pagka kayo'y hinihikayat niya, na sinasabi, Ililigtas tayo ng Panginoon.

212
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagpahayagWika, MgaWika na Binaggit sa Kasulatan, Mga

Nang magkagayo'y si Rabsaces ay tumayo at sumigaw ng malakas sa wikang Judio, at nagsalita, na sinasabi, Dinggin ninyo ang salita ng dakilang hari, ng hari sa Asiria.

239
Mga Konsepto ng TaludtodKakayahan na MagligtasIwasan ang PanlilinlangWalang Sinuman na Makapagliligtas

Ganito ang sabi ng hari, Huwag kayong dayain ni Ezechias; sapagka't hindi niya kayo maililigtas sa kaniyang kamay.

255
Mga Konsepto ng TaludtodOpisyalesPagtitiwala sa Ibang Tao

Paano ngang iyong mapapipihit ang mukha ng isang punong kawal sa pinaka mababa sa mga lingkod ng aking panginoon, at iyong ilalagak ang iyong tiwala sa Egipto dahil sa mga karo at sa mga mangangabayo?

273
Mga Konsepto ng TaludtodWika, MgaWika na Binaggit sa Kasulatan, Mga

Nang magkagayo'y sinabi ni Eliacim na anak ni Hilcias, at si Sebna, at ni Joah, kay Rabsaces. Isinasamo ko sa iyo na magsalita ka sa iyong mga lingkod ng wikang Siria; sapagka't aming naiintindihan yaon; at huwag kang magsalita sa amin ng wikang Judio, sa mga pakinig ng bayan na nasa kuta.

277
Mga Konsepto ng TaludtodTapayanPuno ng UbasHuwag Makinig!Pagsuko

Huwag ninyong dinggin si Ezechias: sapagka't ganito ang sabi ng hari sa Asiria, Makipagpayapaan kayo sa akin, at labasin ninyo ako; at kumain ang bawa't isa sa inyo ng bunga ng kaniyang puno ng ubas, at ang bawa't isa ng bunga ng kaniyang puno ng igos, at uminom ang bawa't isa sa inyo ng tubig ng kaniyang sariling balon;

335
Mga Konsepto ng TaludtodPagliligtas, Bukal ngKaligtasan sa Pamamagitan ng Ibang Bagay

Nagligtas ba kailan man ang sinoman sa mga dios sa mga bansa ng kaniyang lupain sa kamay ng hari sa Asiria?

347

Sino sa kanila sa lahat na dios ng mga lupain, ang nagligtas ng kanilang lupain sa aking kamay, na ililigtas ng Panginoon ang Jerusalem sa aking kamay?

355
Mga Konsepto ng TaludtodTalaan ng mga Hari ng IsraelHari ng Juda, Mga

Nangyari nga, nang ikatlong taon ni Oseas na anak ni Ela na hari sa Israel, na si Ezechias na anak ni Achaz na hari sa Juda ay nagpasimulang maghari.

407
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay WakasMatataas na DakoPinuno, Mga Pulitikal naRepormasyonAltarAng Tansong AhasAhas, MgaBato, MgaPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasObeliskoPagtalikod sa mga Diyus-diyusanTansong Diyus-diyusanAlaala, Mga

Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga Asera: at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises; sapagka't hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel; at pinanganlang Nehustan.

432
Mga Konsepto ng Taludtod20 hanggang 30 mga taonGulang nang KinoronahanIna ng mga Hari, Mga

May dalawangpu't limang taon siya nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawangpu't siyam na taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Abi na anak ni Zacharias.

437
Mga Konsepto ng TaludtodPinunit ang KasuotanTagatalaYaong mga Humapak ng Kanilang Kasuotan

Nang magkagayo'y naparoon si Eliacim na anak ni Hilcias, na siyang katiwala sa sangbahayan, at si Sebna na kalihim, at si Joah na anak ni Asaph na kasangguni, kay Ezechias na ang kanilang suot ay hapak, at isinaysay sa kaniya ang mga salita ni Rabsaces.

440
Mga Konsepto ng TaludtodKomanderKalakihanTrabahoPagkubkob, MgaTunay na Pagsalakay sa JerusalemTubig, Daluyan ngMalaking Hukbo

At sinugo ng hari sa Asiria si Thartan at si Rab-saris, at si Rabsaces, sa haring kay Ezechias na mula sa Lachis na may malaking hukbo sa Jerusalem. At sila'y nagsiahon at nagsiparoon sa Jerusalem. At nang sila'y mangakaahon, sila'y nagsiparoon at nagsitayo sa tabi ng padaluyan ng tubig ng mataas na tipunan ng tubig na nasa lansangan sa parang ng tagapagpaputi ng kayo.

456
Mga Konsepto ng TaludtodTalaan ng mga Hari ng IsraelBansang mga Sumalakay sa Israel, Mga

At nangyari, nang ikaapat na taon ng haring Ezechias, na siyang ikapitong taon ni Oseas na anak ni Ela na hari sa Israel, na si Salmanasar na hari sa Asiria ay umahon laban sa Samaria, at kinubkob niya.

459
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayMga Kaaway ng Israel at JudaNalabiPagbihag sa mga LungsodBansang mga Sumalakay sa Israel, MgaHari ng Juda, Mga

Nang ikalabing apat na taon nga ng haring Ezechias ay umahon si Sennacherib na hari sa Asiria laban sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda, at pinagsakop.

487
Mga Konsepto ng TaludtodPananampalataya, Paglago saNagtitiwala sa DiyosNatatanging mga TaoNaniniwala sa DiyosIba pang Naniniwala sa DiyosHari ng Juda, MgaPagtitiwala sa Iba

Siya'y tumiwala sa Panginoon, na Dios ng Israel; na anopa't nang mamatay siya ay walang naging gaya niya sa lahat ng hari sa Juda, o sa nangauna man sa kaniya.

500
Mga Konsepto ng TaludtodUgaliMabubuting mga Hari, Halimbawa ng mgaTinutularan ang mga Mabubuting HariMga Taong Gumawa ng Tama

At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ni David na kaniyang magulang.

501
Mga Konsepto ng TaludtodTugonTauhang Pinapatahimik, MgaIba pa na Hindi Sumasagot

Nguni't ang bayan ay tumahimik, at hindi sumagot ng kahit isang salita: sapagka't utos ng hari, na sinasabi, Huwag ninyong sagutin siya.

509
Mga Konsepto ng TaludtodOpisyalesEskribaSekretaryaTagatala

At nang matawag na nila ang hari, ay nilabas sila ni Eliacim na anak ni Hilcias, na siyang katiwala ng bahay, at ni Sebna na kalihim, at ni Joah na anak ni Asaph na kasangguni.

510
Mga Konsepto ng TaludtodMayayabang

Saan nandoon ang mga dios ng Hamath, at ng Arphad? Saan nandoon ang mga dios ng Sepharvaim, ng Hena, at ng Hiva? Iniligtas ba nila ang Samaria sa aking kamay?

524
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoKasunduanKami ay Nagkasala

At si Ezechias na hari sa Juda ay nagsugo sa hari sa Asiria sa Lachis, na nagsasabi, Ako'y nagkasala; talikdan mo ako: ang iyong ipabayad sa akin ay aking babayaran. At siningil ng hari sa Asiria si Ezechias na hari sa Juda ng tatlong daang talentong pilak at tatlong pung talentong ginto.

545
Mga Konsepto ng TaludtodIlog at Sapa, MgaPagpapatapon sa Israel tungo sa Asirya

At dinala ng hari sa Asiria ang Israel sa Asiria, at inilagay sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng Gozan, at sa mga bayan ng mga Medo:

547
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik laban sa Pamahalaan ng TaoDiyos sa piling ng mga TaoAng Matuwid ay NagtatagumpayUmuunlad

At ang Panginoon ay sumasa kaniya; saan man siya lumabas ay gumiginhawa siya; at siya'y nanghimagsik laban sa hari sa Asiria, at hindi niya pinaglingkuran.

560
Mga Konsepto ng TaludtodKatatagan, Halimbawa ngPagkapit sa Diyos

Sapagka't siya'y lumakip sa Panginoon; siya'y hindi humiwalay ng pagsunod sa kaniya, kundi iningatan ang kaniyang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises.

574
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong TaonPagbihag sa mga LungsodTalaan ng mga Hari ng Israel

At sa katapusan ng tatlong taon ay kanilang sinakop: sa makatuwid baga'y nang ikaanim na taon ni Ezechias, na siyang ikasiyam na taon ni Oseas na hari sa Israel, ang Samaria ay sinakop.

601
Mga Konsepto ng TaludtodGintoKalapastanganPinapaibabawan ng GintoSalapi para sa Templo

Nang panahong yaon ay inihiwalay ni Ezechias ang ginto sa mga pintuan ng templo ng Panginoon, at sa mga haligi na binalutan ni Ezechias na hari sa Juda, at ibinigay sa hari sa Asiria.

607
Mga Konsepto ng TaludtodTao na Nagbabantay

Kaniyang sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa Gaza, at ang mga hangganan niyaon, mula sa moog ng bantay hanggang sa bayang nakukutaan.

612
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigMoises, Kahalagahan niPaglilingkod, Sa Buhay ng MananampalatayaPaglabag sa Tipan

Sapagka't hindi nila sinunod ang tinig ng Panginoon nilang Dios, kundi kanilang sinalangsang ang kaniyang tipan, ang lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, at hindi dininig o ginawa man.

641
Mga Konsepto ng TaludtodPagiimbakPagkamal na PilakSalapi para sa Templo

At ibinigay ni Ezechias ang lahat na pilak na nasumpungan sa bahay ng Panginoon, at sa mga kayamanan ng bahay ng hari.

706
Mga Konsepto ng TaludtodTiwala, Kahalagahan ngPag-aalinlangan sa Diyos

Ni patiwalain man kayo ni Ezechias sa Panginoon, na sabihin, Walang pagsalang ililigtas tayo ng Panginoon, at ang bayang ito ay hindi mabibigay sa kamay ng hari sa Asiria.