Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Paralipomeno 15

2 Paralipomeno Rango:

12
Mga Konsepto ng TaludtodLolo at LolaReynaPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasMga LolaMga Lola

At si Maacha naman na ina ni Asa na hari, ay inalis niya sa pagkareina, sapagka't siya'y gumawa ng nakasusuklam na larawan na pinaka Asera; at pinutol ni Asa ang kaniyang larawan, at ginawang alabok, at sinunog sa batis ng Cedron.

47
Mga Konsepto ng TaludtodPaninindigan sa DiyosRepormasyonAlay sa Lumang TipanMga Lola

Nguni't ang mga mataas na dako ay hindi inalis sa Israel: gayon ma'y ang puso ni Asa ay sakdal sa lahat ng kaniyang mga kaarawan.

100
Mga Konsepto ng TaludtodPilakPagtatalaga

At kaniyang ipinasok sa bahay ng Dios ang mga bagay na itinalaga ng kaniyang ama, at yaon mang kaniyang itinalaga, na pilak, at ginto, at mga sisidlan.

236

At nawalan na ng digma sa ikatatlong pu't limang taon ng paghahari ni Asa.

296
Mga Konsepto ng TaludtodAng Espiritu ng Diyos

At ang espiritu ng Dios ay suma kay Azarias na anak ni Obed:

307
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggi sa Diyos, Bunga ngTalikuran ang Diyos

At siya'y lumabas na sinalubong si Asa, at sinabi niya sa kaniya, Dinggin ninyo ako, Asa, at buong Juda at Benjamin: ang Panginoon ay sumasa inyo samantalang kayo'y sumasa kaniya: at kung inyong hanapin siya, siya'y masusumpungan ninyo; nguni't kung pabayaan ninyo siya, kaniyang pababayaan kayo.

329

At sila'y pumasok sa tipan upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, ng kanilang buong puso, at ng kanilang buong kaluluwa.

362
Mga Konsepto ng TaludtodRepormasyonKatapanganDambana ng Panginoon, AngPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasDayuhan, Mga

At nang marinig ni Asa ang mga salitang ito, at ang hula ni Obed na propeta, siya'y lumakas, at inalis ang mga karumaldumal sa buong lupain ng Juda at ng Benjamin, at sa mga bayan na kaniyang sinakop sa lupaing maburol ng Ephraim; at kaniyang binago ang dambana ng Panginoon, na nasa harap ng portiko ng Panginoon.

372
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanap sa DiyosPagiging MaliitParusang Kamatayan laban sa Bulaang Turo

At sinomang hindi humanap sa Panginoon, sa Dios ng Israel, ay papatayin, maging maliit o malaki, maging lalake o babae.

489
Mga Konsepto ng TaludtodKalakihanNalabiDiyos sa piling ng mga TaoIka-walongpu

At kaniyang pinisan ang buong Juda at Benjamin, at silang mga nakikipamayan na kasama nila mula sa Ephraim at Manases, at mula sa Simeon; sapagka't sila'y nagsihilig sa kaniya na mula sa Israel na sagana, nang kanilang makita na ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya.

508
Mga Konsepto ng TaludtodSibil na KaguluhanDalawang Daan at Ilan Pa

At sila'y nagkapangkatpangkat, bansa laban sa bansa, at bayan laban sa bayan: sapagka't niligalig sila ng Dios ng buong kapighatian.

511
Mga Konsepto ng TaludtodSinagot na PanalanginPagkamasigasigKasipaganKasipagan, Halimbawa ngPagkatuwaPagtatalaga, Halimbawa ngWalang Tanong-Tanong na Paglilingkod

At ang buong Juda ay nagalak sa sumpa: sapagka't sila'y nagsisumpa ng kanilang buong puso, at hinanap siya ng buo nilang nasa; at siya'y nasumpungan sa kanila: at binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa palibot.

514
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, IkatlongIsangdaan at ilan

Sa gayo'y nangagpipisan sila sa Jerusalem sa ikatlong buwan, sa ikalabing limang taon ng paghahari ni Asa.

517
Mga Konsepto ng TaludtodKaligtasanPaglalakbayWalang KapahingahanIsangdaan at ilan

At nang mga panahong yaon ay walang kapayapaan sa kaniya na lumabas, o sa kaniya na pumasok, kundi malaking ligalig ang nangasa lahat ng mga nananahan sa mga lupain.

521
Mga Konsepto ng TaludtodTaggutom, Uri ngDiyos, Titulo at Pangalan ngDiyos na MakatotohananGuro, MgaEspirituwal na PagdarahopSaserdote, Mga

Ngayon nga ang Israel ay malaon nang walang Dios na tunay at walang tagapagturong saserdote, at walang kautusan:

575
Mga Konsepto ng TaludtodUlo, MgaSamsam sa DigmaanPito Hanggang SiyamnaraanPitong Libo

At sila'y nagsipaghain sa Panginoon sa araw na yaon, sa samsam na kanilang dinala, na pitong daang baka at pitong libong tupa.

639
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabalik sa Diyos

Nguni't nang sa kanilang kapanglawan ay nagsipagbalik sila sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at hinanap nila siya, siya'y nasumpungan nila.

687
Mga Konsepto ng TaludtodSungay, MgaInstrumento ng Musika, Uri ngSumisigawSumisigaw sa Galak

At sila'y nagsisumpa sa Panginoon ng malakas na tinig, at may mga hiyawan, at may mga pakakak, at may mga patunog.