Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 8

Deuteronomio Rango:

8
Mga Konsepto ng TaludtodEspirituwal na PagkagutomMannaBibig, MgaTalumpati ng DiyosSalita, MgaPakinabang ng Paghihirap sa KapakumbabaanBibliyaEspirituwal na Buhay, Pagpapanatili saBibliya, Ibinigay upangKahirapan, Mga Pakinabang ngPinahihirapang mga Banal, Halimbawa ngHindi Alam na mga BagayTinatanggap ang Salita ng DiyosTinapayPagpapakain sa mga MahihirapGutom

At ikaw ay pinapangumbaba niya, at pinapagdamdam ka niya ng gutom, at pinakain ka niya ng mana, na hindi mo nakilala, ni nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang maipakilala sa iyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawa't bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon.

24
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng KakayahanPagbibigay ng SariliKakayahanTagapagbantay, MgaMateryalismo bilang Aspeto ng KasalananSalapi, Paguugali saKapakinabanganPagalaalaTrabaho ng Diyos at ng TaoPananalapi, Payo saDiyos na Nagbibigay KayamananDiyos na Tumutupad ng TipanKayamananPananalapi, MgaPagpapalakasMananampalataya na Umaalala sa Diyos

Kundi iyong aalalahanin ang Panginoon mong Dios, sapagka't siya ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan upang magkaroon ka ng kayamanan; upang kaniyang papagtibayin ang kaniyang tipan na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, gaya nga sa araw na ito.

30
Mga Konsepto ng TaludtodDaigdig, Pagkakalarawan saTanso

Lupain na kakainan mo ng tinapay na di kapos, na walang magkukulang sa iyo roon; lupain na ang mga bato ay bakal, at ang kaniyang mga burol ay makukunan mo ng tanso.

60

Magingat ka na baka iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, sa hindi mo pagtupad ng kaniyang mga utos, at ng kaniyang mga kahatulan, at ng kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito:

89
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatag ng Kabahayan

Baka pagka ikaw ay nakakain at nabusog, at nakapagtayo ng mabubuting bahay, at iyong natahanan;

104
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahan sa SariliUgali ng KapalaluanPangangalagaKapalaluan, Bunga ngGrupo ng mga AlipinDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Ay magmataas ang iyong puso, at iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin;

110
Mga Konsepto ng TaludtodPuyusanKlima, Uri ngTagtuyot, Pisikal naAhas, MgaPaghihirap, Kabigatan tuwing mayUhawHayop, Uri ng mgaDiyos na Nagbibigay ng TubigTuyong mga LugarProbisyon mula sa mga BatoAlakdan, Mga

Na siyang pumatnubay sa iyo sa malaki at kakilakilabot na ilang na tinatahanan ng mga makamandag na ahas at mga alakdan, at uhaw na lupa, na walang tubig; na siyang naglabas sa iyo ng tubig mula sa batong pingkian;

112
Mga Konsepto ng TaludtodKumakainMannaPagsubokPakinabang ng Paghihirap sa PananampalatayaPakinabang ng Paghihirap sa KapakumbabaanKahirapan, Mga Pakinabang ngHindi Alam na mga BagayDiyos na Nanguna sa Paglalakbay sa Ilang

Na siyang nagpakain sa iyo ng mana sa ilang, na hindi nakilala ng iyong mga magulang; upang kaniyang mapangumbaba ka, at kaniyang subukin ka, na pabutihin ka sa iyong wakas:

117
Mga Konsepto ng TaludtodPilakHayop, Pagpaparami ng mgaPagkamit ng Kayamanan

At pagka ang iyong mga bakahan at ang iyong mga kawan ay dumami at ang iyong pilak at ang iyong ginto ay dumami at ang lahat ng tinatangkilik mo ay dumami;

133
Mga Konsepto ng TaludtodSumusunod sa Diyos

Kung paano ang bansang nililipol ng Panginoon sa harap ninyo, ay gayon kayo malilipol; sapagka't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios.

135
Mga Konsepto ng TaludtodBabalaPagsamba sa Diyus-diyusan, Katangian ngIba't ibang mga Diyus-diyusanHuwag Magkaroon ng Ibang diyosHinduismo

At mangyayari, na kung iyong kalilimutan ang Panginoon mong Dios, at ikaw ay susunod sa ibang mga dios, at iyong paglilingkuran sila, at iyong sasambahin sila ay aking pinatototohanan laban sa inyo sa araw na ito, na kayo'y tunay na malilipol.

160
Mga Konsepto ng TaludtodKasaganahan, Materyal naSebadaPuno, MgaPulotGranada, Prutas naOlibo, Puno ng

Lupain ng trigo at ng sebada at ng puno ng ubas at ng mga puno ng igos, at ng mga granada; lupain ng mga puno ng olibo at ng pulot:

168
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kabutihan ngBatisLupain

Sapagka't dinala ka ng Panginoon mong Dios sa isang mabuting lupain, na lupain ng mga batis ng tubig, ng mga bukal at ng mga kalaliman, na bumubukal sa mga libis at mga bundok.

179
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalakadMatakot sa Diyos!Tuparin ang Kautusan!

At iyong tutuparin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at matakot ka sa kaniya.

479
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Lumang TipanDiyos na Nagpaparami sa mga TaoBuhay sa Pamamagitan ng Pagtupad sa KautusanTuparin ang Kautusan!

Ang lahat ng utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay inyong isasagawa, upang kayo'y mangabuhay at dumami, at inyong mapasok at ariin ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang.