Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 9

Deuteronomio Rango:

46
Mga Konsepto ng TaludtodInskripsyonPagpapakita ng Diyos sa ApoyDalawang Tapyas ng BatoDiyos na Sumusulat Gamit ang Kanyang Daliri

At ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato na sinulatan ng daliri ng Dios; at sa mga yao'y nasusulat ang ayon sa lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy nang araw ng kapulungan.

66
Mga Konsepto ng TaludtodHigit sa Isang BuwanDalawang Tapyas ng BatoItinakda ng Tipan sa Sinai

At nangyari sa katapusan ng apat na pung araw at apat na pung gabi, na ibinigay sa akin ng Panginoon ang dalawang tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan.

91
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Hinihingi ng Diyos para saKasalanan, Kalikasan ngTao na Bumabagsak

At sinabi ng Panginoon sa akin, Tumindig ka, manaog kang madali rito; sapagka't ang iyong bayan na iyong inilabas sa Egipto ay nangagpakasama; sila'y madaling lumihis sa daang aking iniutos sa kanila; sila'y nagsigawa para sa kanila ng isang larawang binubo.

132
Mga Konsepto ng TaludtodTao na BumabagsakApoy na Nagmumula sa DiyosDalawang Tapyas ng Bato

Sa gayo'y pumihit ako at bumaba ako mula sa bundok, at ang bundok ay nagniningas sa apoy, at ang dalawang tapyas ng tipan ay nasa aking dalawang kamay.

148
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayLungsod na Pinaliligiran ng mga MuogPagmamalabisLungsodKalakihanPagkukumpara, MgaPagtawid tungo sa Lupang PangakoIsrael

Dinggin mo, Oh Israel, ikaw ay tatawid sa Jordan sa araw na ito, upang iyong pasukin na ariin ang mga bansang lalong dakila at lalong makapangyarihan kay sa iyo, na mga bayang malaki at nakukutaan hanggang sa himpapawid,

151
Mga Konsepto ng TaludtodTagapamagitanPagpapatirapaTubigPagaayuno, Kaalinsabay ngHigit sa Isang BuwanPagaayuno sa Mahabang Panahon

At ako'y nagpatirapa sa harap ng Panginoon, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig; dahil sa inyong buong kasalanan na inyong ipinagkasala sa paggawa ninyo ng masama sa paningin ng Panginoon na minungkahi ninyo siya sa galit;

153
Mga Konsepto ng TaludtodHinating BatoDalawang Tapyas ng Bato

At aking tinangnan ang dalawang tapyas, at aking inihagis sa aking dalawang kamay, at aking iniwalat sa harap ng inyong mga mata.

157
Mga Konsepto ng TaludtodHindi PagkalugodDiyos na Maaring Patayin ang Kanyang BayanDiyos, Ikagagalit ngYaong Natatakot sa Diyos

Sapagka't natatakot ako dahil sa galit at maningas na poot, na ikinayamot ng Panginoon sa inyo, na lilipulin sana kayo. Nguni't dininig din naman ako noon ng Panginoon.

159
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, mga Pangyayari sa kanyang BuhayDiyos na Maaring Patayin ang Kanyang BayanNananalangin para sa MakasalananDiyos na Galit sa mga Tao

At ang Panginoo'y totoong nagalit kay Aaron na siya sana'y papatayin: at akin din namang idinalangin si Aaron nang panahon ding yaon.

162
Mga Konsepto ng TaludtodPagkalimotDiyos na Maaring Patayin ang Kanyang Bayan

Bayaan mo ako na aking lipulin sila, at aking pawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit; at gagawin kita na isang bansang lalong makapangyarihan at lalong malaki kay sa kanila.

174
Mga Konsepto ng TaludtodBumubulusokGinigilingPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasPagsunog sa mga Diyus-diyusang mga Bagay

At aking kinuha ang inyong kasalanan, ang guyang inyong ginawa, at aking sinunog sa apoy, at aking niyapakan, na dinurog na mainam, hanggang sa naging durog na parang alabok; at aking inihagis ang alabok niyaon sa batis na umaagos mula sa bundok.

183
Mga Konsepto ng TaludtodApatnapung ArawLihim na PananalanginHigit sa Isang BuwanDiyos na Maaring Patayin ang Kanyang Bayan

Sa gayo'y nagpatirapa ako sa harap ng Panginoon na apat na pung araw at apat na pung gabi na ako'y nagpatirapa, sapagka't sinabi ng Panginoon, na kaniyang lilipulin kayo.

190
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nakikita ang Masama

Bukod dito'y sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang matigas ang ulo:

373
Mga Konsepto ng TaludtodKagantihanSariling Katuwiran, Katangian ngBakit Iyon Nangyari

Huwag kang magsasalita sa iyong puso, pagkatapos na mapalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, na iyong sasabihin, Dahil sa aking katuwiran ay ipinasok ako ng Panginoon upang ariin ang lupaing ito; na dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas ng Panginoon sila sa harap mo.

376
Mga Konsepto ng TaludtodTiwala, Kakulangan ngPaghihimagsik laban sa Diyos, Ipinakita saHindi Pananalig, Halimbawa ngPag-aalinlangan sa Diyos

At nang suguin kayo ng Panginoon mula sa Cades-barnea, na sabihin, Sumampa kayo at ariin ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo; kayo nga'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios, at hindi ninyo pinanampalatayanan siya, ni dininig ang kaniyang tinig.

377
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik ng IsraelKasalanan, Kalikasan ngMasakit na Alaala

Alalahanin mo, huwag mong kalimutan, kung paanong minungkahi mo sa galit ang Panginoon mong Dios sa ilang: mula nang araw na kayo'y umalis sa lupain ng Egipto, hanggang sa kayo'y dumating sa dakong ito ay naging mapanghimagsik kayo laban sa Panginoon.

383
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngDiyos bilang ManunubosDiyos, Kamaharlikahan ngDiyos, Kapangyarihan ngBayan ng Diyos sa Lumang TipanKatubusan sa Bawat ArawKasaganahan, Espirituwal naKamay ng DiyosDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At aking ipinanalangin sa Panginoon, at sinabi, Oh Panginoong Dios, huwag mong lipulin ang iyong bayan at ang iyong mana, na iyong tinubos ng iyong kadakilaan na iyong inilabas sa Egipto ng makapangyarihang kamay.

387
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Pamilya at Lahi niAng Panginoon ang Magpapalayas sa Kanila

Hindi dahil sa iyong katuwiran o dahil sa pagtatapat ng iyong loob ay iyong pinapasok upang ariin ang kanilang lupain: kundi dahil sa kasamaan ng mga bansang ito ay pinalalayas sila ng Panginoong Dios sa harap mo, at upang kaniyang papagtibayin ang salita na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.

390
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno, Dahilan ngTubigHigit sa Isang BuwanPagaayuno sa Mahabang PanahonItinakda ng Tipan sa Sinai

Nang ako'y sumampa sa bundok upang tanggapin ang mga tapyas na bato, sa makatuwid baga'y ang mga tapyas ng tipan na ginawa ng Panginoon sa inyo, ay natira nga ako sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig.

391

At sa Tabera, at sa Massa, at sa Kibroth-hataa-vah, ay inyong minungkahi ang Panginoon sa galit.

401
Mga Konsepto ng TaludtodKaunawaanKatigasan laban sa DiyosMatigas ang UloLeeg, MgaSariling Kalooban

Talastasin mo nga na hindi ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios ang mabuting lupaing ito upang ariin ng dahil sa iyong katuwiran; sapagka't ikaw ay isang bayang matigas ang ulo.

403
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglabanKatiyakan sa Buhay PananampalatayaDiyos na LumilipolPagtawid tungo sa Lupang PangakoMatibay

Talastasin mo nga sa araw na ito, na ang Panginoon mong Dios ay siyang mangunguna sa iyo na parang mamumugnaw na apoy; kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo; sa gayo'y iyong mapalalayas sila, at iyong malilipol silang madali, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon.

404
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik laban sa Diyos

Kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon, mula nang araw na kayo'y aking makilala.

405
Mga Konsepto ng TaludtodHigante, Mga

Isang bayang malaki at mataas ng mga anak ng Anaceo, na iyong nakikilala, at tungkol sa kanila ay narinig mong sinasabi, Sinong makatatayo sa harap ng mga anak ni Anac?

412
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngBisigDiyos, Kapangyarihan ngKalakasan ng DiyosMga Taong Nakatalaga sa Diyos

Gayon man sila'y iyong bayan at iyong mana, na iyong inilabas ng iyong dakilang kapangyarihan at ng iyong unat na bisig.

413
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ng ating mga NinunoPaglilingkod, Sa Buhay ng MananampalatayaSariling Kalooban

Alalahanin mo ang iyong mga lingkod, si Abraham, si Isaac, at si Jacob; huwag mong masdan ang pagmamatigas ng bayang ito, ni ang kasamaan nila, ni ang kasalanan nila:

417
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Kakayahan ng DiyosPagkamatay sa IlangDiyos na Nagagalit sa mga TaoDiyos na Maaring Patayin ang Kanyang Bayan

Baka sabihin ng mga taga lupaing pinaglabasan mo sa amin: Sapagka't hindi sila naipasok ng Panginoon sa lupain na ipinangako sa kanila, at sa kapootan niya sa kanila, ay inilabas sila upang patayin sa ilang.

425
Mga Konsepto ng TaludtodGalit ng Diyos, Dulot ngReklamoDiyos na Maaring Patayin ang Kanyang Bayan

Gayon din sa Horeb na inyong minungkahi ang Panginoon sa galit, at ang Panginoon ay nagalit sa inyo na kayo sana'y lilipulin.

959
Mga Konsepto ng TaludtodGintong GuyaPagkakasala ng Bayan ng Diyos

At tumingin ako, at, narito, kayo'y nakapagkasala na laban sa Panginoon ninyong Dios: kayo'y nagsigawa para sa inyo ng isang guyang binubo: kayo'y lumihis na madali sa daan na iniutos sa inyo ng Panginoon.