Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 7

Deuteronomio Rango:

32
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosDiyos, Kapangyarihan ngKamay ng DiyosPanata ng DiyosKatubusan sa Lumang TipanKamay ng DiyosDiyos na Nangako ng PagpapalaDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoPagibig ng Diyos sa Israel

Kundi dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto.

35
Mga Konsepto ng TaludtodPitoPitong TaoAng Panginoon ang Magpapalayas sa Kanila

Pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, at palalayasin ang maraming bansa sa harap mo, ang Hetheo, at ang Gergeseo at ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Pherezeo, at ang Heveo, at ang Jebuseo, na pitong bansang lalong malalaki at mga lalong makapangyarihan kay sa iyo;

85
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamuhiImpyerno sa Totoong KaranasanDiyos na Hindi MaliliwatDiyos, Hihingin ngPagkagalit sa DiyosMga Taong may Galit

At pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha.

103
Mga Konsepto ng TaludtodKasalukuyan, AngTuparin ang Kautusan!

Iyo ngang iingatan ang utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, na iyong ganapin.

108
Mga Konsepto ng TaludtodParamihinTipan ng Diyos sa mga PatriarkaDiyos na Tumutupad ng TipanKalusugan, Pangangalaga sa

At mangyayari, na sapagka't iyong dininig ang mga kahatulang ito, at iyong tinutupad at iyong ginaganap, ay tutuparin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang tipan, at igagawad ang kagandahang-loob, na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang:

140
Mga Konsepto ng TaludtodPansamantalang Pagpapala, MgaMabunga, Natural naAlkoholUmiinomPagpapala kay AbrahamLangisAlakSinapupunanKaunlaran, Pangako ngAlkohol, Paggamit ngDumaraming BungaDiyos na Nagpaparami sa mga TaoMga Pinagpalang BataDiyos, Pagpapalain ng

At kaniyang iibigin ka, at pagpapalain ka, at padadamihin ka: kaniya rin namang pagpapalain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis, ang karagdagan ng iyong mga bakahan, at ang mga guya ng iyong kawan sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, upang ibigay sa iyo.

161
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay WakasPagpapala sa IsraelKaramdaman, MgaPagkamuhiKaligtasan sa SakitKalusugang PangakoKaramdamanKaramdamanGalitPagiingat sa mga KaawayKaramdamanPagiingat sa PanganibMga Taong may Galit

At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit: at wala siyang ihuhulog sa inyo sa masamang sakit sa Egipto, na iyong nalalaman, kundi ihuhulog niya sa lahat ng nangapopoot sa iyo.

165
Mga Konsepto ng TaludtodBaog na BabaeBaogAnak, MgaAng mga Tao at Hayop ay Kapwa NailigtasDiyos, Pagpapalain ngBaog

Magiging mapalad ka kay sa lahat ng mga bayan: walang magiging baog na babae o lalake sa inyo o sa inyong mga hayop.

200
Mga Konsepto ng TaludtodPatibongMasamang BitagHuwag Magkaroon ng Ibang diyosHuwag Magpakita ng AwaKahabaghabag

At iyong lilipulin ang lahat ng mga bayan na ibibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios; ang iyong mata ay huwag mahahabag sa kanila; ni huwag kang maglilingkod sa kanilang mga dios; sapagka't magiging isang silo sa iyo.

212
Mga Konsepto ng TaludtodPag-ampon, Kalikasan ngIlang TaoMarami sa IsraelPagibig ng Diyos sa IsraelPagmamahal

Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka't kayo ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan:

218
Mga Konsepto ng TaludtodPagaasawahanPagbibigay sa Buhay May AsawaUgnayan ng Mag-asawaPag-aasawaLahiKulturaLahi sa LahiPag-aasawaMatrimonya

Ni magaasawa sa kanila; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-aasawahin sa iyong anak na lalake.

227
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag Matakot sa Tao

Huwag kang matatakot sa kanila; iyong aalalahaning mabuti ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Faraon, at sa buong Egipto.

229
Mga Konsepto ng TaludtodPakikitungo sa mga Tao

Kung iyong sasabihin sa iyong puso, Ang mga bansang ito ay higit kay sa akin; paanong aking makakamtan sila?

240
Mga Konsepto ng TaludtodInsektoPutaktiBubuyogPagtatago mula sa mga Tao

Bukod dito'y susuguin sa kanila ng Panginoon mong Dios ang malaking putakti hanggang sa ang nangaiiwan, at nangagtatago ay mamatay sa harap mo.

241
Mga Konsepto ng TaludtodHabag ng TaoIpinagbabawal na KasunduanPakikisama sa MasamaPaglipolDiyos na Walang HabagYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At pagka sila'y ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila:

247
Mga Konsepto ng TaludtodAng KataastaasanDiyos ay SumasainyoHuwag Matakot sa TaoDiyos na Dapat Katakutan

Huwag kang masisindak sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, dakilang Dios at kakilakilabot.

264
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamPagiimbot, Utos laban saPagsamba sa GuyaGintoMateryalismo bilang Aspeto ng KasalananBabalaPagkamuhiKasuklamsuklam, Sa Diyos ayKasuklamsuklam, Mga Gawain naMakamundong PatibongPagsunog sa mga Diyus-diyusang mga BagayPagtalikod sa mga Diyus-diyusanWangis

Ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ay iyong susunugin sa apoy: huwag mong iimbutin ang pilak o ang ginto na nasa mga yaon, ni huwag mong kukunin para sa iyo, baka sa iyo'y maging silo: sapagka't ito'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios.

269
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapala sa IsraelHindi MagagapiKakayahang TumindigKinalimutan ang mga TaoPangalang BinuraHentil na mga TagapamahalaYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At kaniyang ibibigay ang kanilang mga hari sa iyong kamay, at iyong papawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit: walang lalaking makatatayo doon sa harap mo, hanggang sa iyong malipol sila.

271
Mga Konsepto ng TaludtodKalituhanKaguluhan sa mga Bansa

Kundi ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, at pagtataglayin sila ng isang malaking kalituhan hanggang sa sila'y mangalipol.

275
Mga Konsepto ng TaludtodBisig ng DiyosKamay ng DiyosKalakasan ng DiyosDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata, at ang mga tanda, at ang mga kababalaghan, at ang makapangyarihang kamay, at ang unat na bisig, na ipinaglabas sa iyo ng Panginoon mong Dios: ay gayon ang gagawin ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bayan na iyong kinatatakutan.

277
Mga Konsepto ng TaludtodPananakop, MgaUnti-untiMaiilap na mga Hayop na NapaamoAng Panginoon ang Magpapalayas sa KanilaUnti-unting Pagsakop sa Lupain

At itataboy na untiunti ng Panginoon mong Dios ang mga bansang yaon sa harap mo: hindi mo malilipol silang paminsan, baka ang mga hayop sa parang ay kumapal sa iyo.

281
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamPagsamba sa Diyus-diyusanIlalim ng mga Bagay na Ipinagbabawal Kunin, SaSumpa

At huwag kang magpapasok ng karumaldumal sa iyong bahay, at baka ikaw ay maging itinalaga na gaya niyaon: iyong lubos na kapopootan at iyong lubos na kasusuklaman, sapagka't itinalagang bagay.

300
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanAltarBato, MgaPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasObeliskoPagsunog sa mga Diyus-diyusang mga Bagay

Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.

327
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba sa Diyus-diyusan, Katangian ngHinikayat na Sumamba sa Banyagang Diyus-diyusanDiyos, Ikagagalit ngPagaasawahan

Sapagka't kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin, upang sila'y maglingkod sa ibang mga dios: sa gayo'y magaalab ang galit ng Panginoon laban sa iyo, at kaniyang lilipulin kang madali.