Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 9

Exodo Rango:

66
Mga Konsepto ng TaludtodKaramdaman, Uri ng mgaUlingPugonAng mga Tao at Hayop ay Kapwa NaapektuhanPaltos at Pamamaga

At sila'y kumuha ng abo sa hurno, at tumayo sa harap ni Faraon, at isinaboy ni Moises sa himpapawid; at naging bukol na naknakin sa tao at sa hayop.

76
Mga Konsepto ng TaludtodSakit

At ang mga mahiko ay hindi makatayo sa harap ni Moises dahil sa mga bukol; sapagka't nagkabukol ang mga mahiko at ang mga Egipcio.

101
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan ng KaloobanDiyos na Nagpapatigas ng Puso

At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya dininig sila gaya ng sinalita ng Panginoon kay Moises.

153
Mga Konsepto ng TaludtodUmagaYaong mga Bumangon ng UmagaNananambahan sa DiyosMaagang Pagbangon

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumangon kang maaga sa kinaumagahan, at tumayo ka sa harap ni Faraon, at sabihin mo sa kaniya: Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo: Payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila.

154
Mga Konsepto ng TaludtodGagawin ng Diyos sa KinabukasanPundasyon ng mga BansaNatatanging mga Bagay

Narito, bukas, sa ganitong oras, ay magpapaulan ako ng malakas na granizo, na kailan ma'y hindi nagkaroon sa Egipto mula nang araw na itayo hanggang ngayon.

180
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Sinuman na Gaya ng DiyosPagkakaalam sa Katangian ng Diyos

Sapagka't ngayo'y ibubugso ko na ang lahat ng aking salot sa iyong puso, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan upang iyong maalaman na walang gaya ko sa buong lupa.

260
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PumapatayPapatayin ng Diyos ang mga Tao

Sapagka't ngayo'y iniunat ko na ang aking kamay, upang salutin kita, at ang iyong bayan, at nawala ka na sa lupa:

286

Sa lupain lamang ng Gosen, na kinaroroonan ng mga anak ni Israel, hindi nagkaroon ng granizo.

301
Mga Konsepto ng TaludtodNananambahan sa DiyosProblema ng mga Tao

Nang magkagayon ay sinabi ng Panginoon kay Moises, Pasukin mo si Faraon, at saysayin mo sa kaniya. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo: Payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila.

329
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Pagkaing Alay naPaghahanap sa Karangalan

Nagmamalaki ka pa ba laban sa aking bayan, na ayaw mo silang payaunin?

342
Mga Konsepto ng TaludtodTakot sa Diyos, Halimbawa ngMga Taong Tumatakas

Yaong natakot sa salita ng Panginoon, sa mga lingkod ni Faraon ay nagpauwing madali ng kaniyang mga bataan at ng kaniyang hayop sa mga bahay:

347
Mga Konsepto ng TaludtodPaanong ang Kamatayan ay Hindi MaiiwasanAng mga Tao at Hayop ay kapwa Napatay

Ngayon nga'y magsugo ka, ipasilong mo ang iyong mga hayop at lahat ng iyong tinatangkilik sa parang; sapagka't bawa't tao at hayop na maabutan sa parang, at hindi masisilong, ay lalakpakan ng granizo at mamamatay.

373
Mga Konsepto ng TaludtodPugonUlingManonood, Mga

At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Dumakot kayo ng isang dakot na abo sa hurno, at isaboy ni Moises sa himpapawid sa paningin ni Faraon.

376
Mga Konsepto ng TaludtodMga Tao na Tinalikuran ang mga Tao

At yaong nagwalang bahala sa salita ng Panginoon ay nagpabaya ng kaniyang mga bataan at ng kaniyang kawan sa parang.

383
Mga Konsepto ng TaludtodTaggutom, Sanhi ngKidlatHimala ni Moises at Aaron, MgaUlan ng YeloApoy na mula sa Langit

At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa dakong langit; at ang Panginoo'y nagsugo ng kulog at granizo, at may apoy na lumagpak sa lupa; at ang Panginoo'y nagpaulan ng granizo sa lupain ng Egipto.

389
Mga Konsepto ng TaludtodIunatAng mga Tao at Hayop ay Kapwa Naapektuhan

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit, upang magkaroon ng granizo sa buong lupain ng Egipto, na lumagpak sa tao, at sa hayop, at sa bawa't halaman sa parang sa buong lupain ng Egipto.

398
Mga Konsepto ng TaludtodAng mga Tao at Hayop ay Kapwa NaapektuhanSirain ang mga Puno

At sinalot ng granizo ang buong lupain ng Egipto, ang lahat na nasa parang, maging tao at maging hayop, at sinalot ng granizo ang lahat ng halaman sa parang, at binali ang lahat ng punong kahoy sa parang.

402
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakumbinsi ngunit walang PagsisisiMaysala, BudhingDiyos, Katuwiran ngKaparusahan ng DiyosPagkilala sa KasalananHari na Ipinatawag, MgaKami ay Nagkasala

At si Faraon ay nagsugo, at ipinatawag si Moises at si Aaron, at sinabi sa kanila, Ako'y nagkasala ngayon: ang Panginoo'y matuwid; at ako at ang aking bayan ay masama.

409
Mga Konsepto ng TaludtodDaigdig ay Pag-aari ng DiyosPagkakaalam sa Diyos, Katangian ngSalot, MgaPanalangin, Praktikalidad saPagaari na LupainIunatPagtigilNananalangin para sa MakasalananBagay na Humihinto, MgaLahat ng bagay ay sa Diyos

At sinabi ni Moises sa kaniya, Pagkalabas ko sa bayan, ay aking ilalahad ang aking mga kamay sa Panginoon; at ang mga kulog ay titigil, at hindi na magkakaroon pa ng anomang granizo; upang iyong maalaman na ang lupa'y sa Panginoon.

410
Mga Konsepto ng TaludtodTupaGalit ng Diyos, Mga Halimbawa ngKapangyarihan ng Diyos, Ipinahayag

Ay narito, ang kamay ng Panginoon ay nakapatong sa iyong hayop na nasa parang, nakapatong sa mga kabayo, nakapatong sa mga asno, nakapatong sa mga kamello, nakapatong sa mga bakahan, at nakapatong sa mga kawan; na magkakaroon ng malaking pagkakasalot.

428
Mga Konsepto ng TaludtodKaramdaman, MgaBukol at UlserUlingAng mga Tao at Hayop ay Kapwa Naapektuhan

At magiging durog na alabok sa buong lupain ng Egipto, at magiging bukol na naknakin sa tao, at sa hayop, sa buong lupain ng Egipto.

429
Mga Konsepto ng TaludtodSalot, MgaKamatayan ng lahat ng NilalangHindi Namamatay

At ginawa ng Panginoon ang bagay na yaon ng kinabukasan, at ang lahat ng hayop sa Egipto ay namatay: nguni't sa hayop ng mga anak ni Israel ay walang namatay kahit isa.

435
Mga Konsepto ng TaludtodKatigasang PusoHindi NamamatayMatitigas na Ulo, Mga

At si Faraon ay nagsugo, at narito, walang namatay kahit isa sa kawan ng mga Israelita. Nguni't ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya pinayaon ang bayan.

437
Mga Konsepto ng TaludtodSalot, MgaHindi NamamatayDiyos na Nagbibigay Pagkakaiba

At gagawan ng katangian ng Panginoon ang hayop ng Israel at ang hayop ng Egipto: at walang mamamatay sa lahat ng ukol sa mga anak ni Israel.

438
Mga Konsepto ng TaludtodIpanalangin ninyo KamiNananalangin para sa MakasalananHigit sa Sapat

Dalanginan ninyo ang Panginoon; sapagka't nagkaroon na ng sukat na malalakas na kulog at granizo; at kayo'y aking payayaunin, at di ko na kayo bibinbinin.

442
Mga Konsepto ng TaludtodApoyBagyo, MgaNatatanging mga Bagay

Sa gayo'y nagkaroon ng granizo at apoy, na nagniningning sa granizo, at napakalakas, na kailan ma'y hindi nagkaroon sa buong lupain ng Egipto mula nang maging bansa.

453
Mga Konsepto ng TaludtodAng Panahon na Itinakda

At ang Panginoon ay nagtakda ng panahon, na sinasabi, Bukas ay gagawin ng Panginoon ang bagay na ito sa lupain.

462

Sapagka't kung tatanggihan mong payaunin sila, at sila'y pipigilin mo pa,

466
Mga Konsepto ng TaludtodKahirapan ng mga MasamaPagkakaalam sa TotooWalang Takot sa Diyos

Nguni't tungkol sa iyo at sa iyong mga lingkod, ay nalalaman ko, na di pa kayo matatakot sa Panginoong Dios.

696
Mga Konsepto ng TaludtodPlaksTrigoPagkawasak ng mga Halaman

At ang lino at ang cebada ay nasaktan; sapagka't ang cebada ay naguuhay na at ang lino ay namumulaklak na.

806
Mga Konsepto ng TaludtodPagtigilMatitigas na Ulo, MgaBagay na Humihinto, Mga

At nang makita ni Faraon, na ang ulan, at ang granizo, at ang mga kulog ay tumigil, ay lalong nagkasala pa, at nagmatigas ang kaniyang puso, siya at ang kaniyang mga lingkod.

877
Mga Konsepto ng TaludtodHuli, Pagiging

Datapuwa't ang trigo at ang espelta ay hindi nasaktan: sapagka't hindi pa tumutubo.

896
Mga Konsepto ng TaludtodHimala ni Moises at Aaron, MgaElemento, Kontrol sa mgaBanal na Kapangyarihan sa KalikasanIunatPagtigilNananalangin para sa MakasalananBagay na Humihinto, Mga

At si Moises ay lumabas sa bayan na galing kay Faraon, at inilahad ang kaniyang mga kamay sa Panginoon: at ang mga kulog at ang granizo ay tumigil, at ang ulan ay di na lumagpak sa lupa.

924

At ang puso ni Farao'y nagmatigas, at hindi niya pinayaon ang mga anak ni Israel; gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.