Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 17

Exodo Rango:

361
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Lumang TipanPaglalakbayPartikular na Paglalakbay, MgaWalang Tubig para sa mga Tao

At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa ilang ng Sin, sa kanilang paglalakbay ayon sa utos ng Panginoon, at humantong sa Rephidim: at walang tubig na mainom ang bayan.

470
Mga Konsepto ng TaludtodNauupoAraw, Paglubog ngMga Taong NakaupoIba pang TumutulongPagod

Datapuwa't ang mga kamay ni Moises ay nangalay; at sila'y kumuha ng isang bato, at inilagay sa ibaba, at kaniyang inupuan; at inalalayan ni Aaron at ni Hur ang kaniyang mga kamay, ang isa'y sa isang dako, at ang isa'y sa kabilang dako; at ang kaniyang mga kamay ay nalagi sa itaas hanggang sa paglubog ng araw.

511
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbibigay ng TubigHimala, Katangian ng mgaHimala ni Moises at Aaron, MgaSagisag ni CristoHinating BatoHampasin ang mga BatoProbisyon mula sa mga Bato

Narito, ako'y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb; at iyong papaluin ang bato, at lalabasan ng tubig, upang ang bayan ay makainom. At gayon ginawa ni Moises sa paningin ng mga matanda sa Israel.

518
Mga Konsepto ng TaludtodAmalekeyoPaalala, MgaBalumbonPagsusulatBurahinKahatulan, Mga Nasusulat naMga Aklat ng Propesiya

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ito na pinakaalaala sa isang aklat, at ipagbigay alam mo kay Josue na aking ipalilimot ang pagalaala kay Amalec sa silong ng langit.

573
Mga Konsepto ng TaludtodPagsubokPagtataloSubukan ang DiyosPagbibigay ng Pagkain at InuminProblema ng mga TaoPagrereklamo

Kaya't ang bayan ay nakipagtalo kay Moises, at nagsabi, Bigyan mo kami ng tubig na aming mainom. At sinabi ni Moises sa kanila, Bakit kayo nakikipagtalo sa akin? bakit ninyo tinutukso ang Panginoon?

617
Mga Konsepto ng TaludtodPagtalikod, Dahilan ngKawalang Utang na LoobPagsubokKawalang Katapatan sa DiyosDiyos na nasa IyoSubukan ang DiyosPagrereklamoPagsubok, Mga

At tinawag nila ang pangalan ng dakong yaon, na Massah at Meribah, dahil sa pakikipagtalo ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang tinukso ang Panginoon, na kanilang sinasabi, Ang Panginoon ba'y nasa gitna natin o wala?

643

At sinabi ni Moises kay Josue, Ipili mo tayo ng mga lalake, at ikaw ay lumabas, lumaban ka kay Amalec; bukas ay tatayo ako sa taluktok ng burol, na aking tangan ang tungkod ng Dios sa aking kamay.

650
Mga Konsepto ng TaludtodPintas laban sa mga MananampalatayaPagkakamali, MgaReklamoHimala, Tugon sa mgaHinanakit Laban sa DiyosSarili, Pagkaawa saTubigKawalang KasiyahanPagmamaktol sa mga TaoPagrereklamo

At ang bayan ay nauhaw at inupasala ng bayan si Moises, at sinabi, Bakit mo kami isinampa rito mula sa Egipto, upang patayin mo kami sa uhaw, at ang aming mga anak, at ang aming kawan?

662
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Naghahari sa LahatTronoDigmaan, Katangian ngWalang Hanggang KahatulanDiyos na Sumumpa ng Kapinsalaan

At kaniyang sinabi, Isinumpa ng Panginoon: ang Panginoon ay makikipagdigma kay Amalec sa buong panahon ng lahi nito.

681
Mga Konsepto ng TaludtodSarili, Pagkaawa saUmiiyak sa DiyosTakot na Batuhin

At si Moises ay dumaing sa Panginoon, na nagsasabi, Anong aking gagawin sa bayang ito? kulang na lamang batuhin nila ako.

684
Mga Konsepto ng TaludtodAng Pagtitipon ng mga Matatanda

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Dumaan ka sa harap ng bayan, at ipagsama mo ang mga matanda sa Israel; at ang iyong tungkod na iyong ipinalo sa ilog, ay tangnan mo sa iyong kamay, at yumaon ka.

701
Mga Konsepto ng TaludtodPanawagan sa DiyosMoises, Kahalagahan niPagtataas ng KamayIbinababa ang mga BagayNagwawagiLabananIsrael

At nangyari, pagka itinataas ni Moises ang kaniyang kamay, ay nananaig ang Israel: at pagka kaniyang ibinababa ang kaniyang kamay, ay nananaig si Amalec.

792
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, mga Pangyayari sa kanyang BuhayAaron, ang kanyang mga KarapatanNagsasanay

Gayon ginawa ni Josue, gaya ng sinabi ni Moises sa kaniya, at lumaban kay Amalec: at si Moises, si Aaron at si Hur ay sumampa sa taluktok ng burol.

866
Mga Konsepto ng TaludtodEspada, MgaNanaig na Damdamin

At nilito ni Josue si Amalec, at ang kaniyang bayan, sa pamamagitan ng talim ng tabak.