Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 16

Exodo Rango:

68
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon ng MaramiMaliit na PagkainPagtitipon ng Pagkain

At gayon ginawa ng mga anak ni Israel, at may namulot ng marami, at may kaunti.

124
Mga Konsepto ng TaludtodKlima, Uri ngAng ArawPagtitipon ng PagkainMainit na Panahon

At sila'y namumulot tuwing umaga, bawa't tao ayon sa kaniyang kain: at pagka ang araw ay umiinit na, ay natutunaw.

143
Mga Konsepto ng TaludtodKinabukasan

At sinabi ni Moises sa kanila, Huwag magtira niyaon ang sinoman ng hanggang sa umaga.

150
Mga Konsepto ng TaludtodPagluluto, Paraan ngKautusan, Sampung Utos saSabbath, Pagtatatag saKapahingahanKinabukasanPagluluto

At kaniyang sinabi sa kanila, Ito ang sinalita ng Panginoon, Bukas ay takdang kapahingahan, banal na sabbath sa Panginoon: ihawin ninyo ang inyong iihawin, at lutuin ninyo ang inyong lulutuin; at lahat na lalabis ay itago ninyo sa ganang inyo, na inyong itira hanggang sa kinabukasan.

173
Mga Konsepto ng TaludtodUod, MgaPagkain, Nabubulok naUod

At kanilang itinago hanggang sa kinaumagahan, gaya ng iniutos ni Moises: at hindi bumaho, ni nagkaroon ng anomang uod.

174
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon ng PagkainDobleng ManaAng Ikaanim na Araw ng LinggoAraw, Ikaanim na

At nangyari, na nang ikaanim na araw, ay pumulot sila ng pagkain na ibayo ang dami, dalawang omer sa bawa't isa: at lahat ng puno sa kapisanan ay naparoon at nagsaysay kay Moises.

196
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainTinapay, Uri ngHalamang Gamot at mga PampalasaMannaTanong, MgaLasaPutiPulotTinapay, Manipis naMasasarap na PagkainKulantroMga Taong Nagbibigay Pangalan sa mga Bagay

At yao'y pinanganlan ng sangbahayan ng Israel na Mana: at kaparis ng buto ng kulantro, maputi; at ang lasa niyaon ay kasinglasa ng manipis na tinapay na may pulot.

200

At sinabi ni Moises, Kanin ninyo yaon ngayon; sapagka't ngayo'y sabbath na ipinangingilin sa Panginoon: ngayo'y hindi kayo makakasumpong sa parang.

217
Mga Konsepto ng TaludtodInsektoAmoyUod, MgaPagkain, Nabubulok naPinangalanang mga Tao na may Galit sa IbaUod

Gayon ma'y hindi sila nakinig kay Moises; kungdi ang iba sa kanila ay nagtira niyaon hanggang sa umaga, at inuod at bumaho; at naginit sa kanila si Moises.

243
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Nilalaman ngAaron, mga Pangyayari sa kanyang BuhayKaban ng Tipan, Layunin ngAlaala, MgaPalayok

At sinabi ni Moises kay Aaron, Kumuha ka ng isang palyok at sidlan mo ng isang omer na puno ng mana, at ilagay mo sa harap ng Panginoon, upang maingatan sa buong panahon ng inyong mga lahi.

259
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan at PanukatDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At sinabi ni Moises, Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, Punuin ninyo ang isang omer ng mana, na inyong ingatan sa buong panahon ng inyong mga lahi; upang kanilang makita ang pagkain, na aking ipinakain sa inyo sa ilang nang kayo'y aking ilabas sa lupain ng Egipto.

265
Mga Konsepto ng TaludtodSabbath, Pagtatatag sa

Kaya ang bayan ay nagpahinga sa ikapitong araw.

274
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Gamit ng

Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon inilagay ni Aaron sa harap ng Patotoo upang ingatan.

465
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatunay sa Pamamagitan ng PagsubokHinanakit Laban sa DiyosPagsubokAraw-araw na TungkulinMinsan sa Isang Araw

Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito, kayo'y aking pauulanan ng pagkain mula sa langit; at lalabasin at pupulutin ng bayan araw-araw ang bahagi sa bawa't araw; upang aking masubok sila, kung sila'y lalakad ng ayon sa aking kautusan, o hindi.

490
Mga Konsepto ng TaludtodTimbangan at Panukat ng DistansyaDobleng ManaAng Ikaanim na Araw ng LinggoDalawang ArawHindi GumagalawNananatiling HandaAraw, Ikaanim naKaloob ng Diyos, MgaIba pang Kaloob ng Diyos

Tingnan ninyo, na sapagka't ibinigay ng Panginoon sa inyo ang sabbath, kung kaya't kaniyang ibinibigay sa inyo sa ikaanim na araw ang pagkain ng sa dalawang araw; matira ang bawa't tao sa kaniyang kinaroroonan, huwag umalis ang sinoman sa kaniyang kinaroroonan, sa ikapitong araw.

493
Mga Konsepto ng TaludtodDisyerto, EspisipikongBuwan, Ikalawang

At sila'y naglakbay mula sa Elim, at ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay dumating sa ilang ng Sin, na nasa pagitan ng Elim at Sinai, nang ikalabing limang araw ng ikalawang buwan, pagkatapos na sila'y makaalis sa lupain ng Egipto.

499
Mga Konsepto ng TaludtodTolda, MgaPagtitipon ng PagkainAyon sa Taong-Bayan

Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, Pumulot ang bawa't tao ayon sa kaniyang kain; isang omer sa bawa't ulo, ayon sa bilang ng inyong mga tao, ang kukunin ng bawa't tao para sa mga nasa kaniyang tolda.

545
Mga Konsepto ng TaludtodPatas na BayadPagtitipon ng MaramiMaliit na PagkainPagtitipon ng PagkainMasagana para sa mga MahihirapLabis

At nang timbangin sa omer, ang namulot ng marami ay walang higit, at ang namulot ng kaunti ay hindi nagkulang; bawa't tao ay pumulot ng ayon sa kaniyang kain.

569
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggap kay CristoPagiging PagpapalaPagiging PinagpalaPagtitipon ng PagkainAnim na ArawPagtitipon

Anim na araw na inyong pupulutin; datapuwa't sa ikapitong araw ay sabbath, hindi magkakaroon.

601
Mga Konsepto ng TaludtodBago Kumilos ang Taong-BayanHindi Nila Tinupad ang mga Utos

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hanggang kailan tatanggihan ninyo ganapin ang aking mga utos at ang aking mga kautusan?

618
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Alam na mga BagayAno ba ito?Kaloob ng Diyos, MgaIba pang Kaloob ng DiyosMga Taong Nagbibigay Pangalan sa mga Bagay

At nang makita ng mga anak ni Israel, ay nagsangusapan, Ano ito? sapagka't hindi nila nalalaman kung ano yaon. At sinabi ni Moises sa kanila, Ito ang pagkain na ibinigay ng Panginoon sa inyo upang kanin.

624
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Utang na LoobKarneSarili, Pagkaawa saPaghihinalaPagkamatay sa IlangHangarin na MamatayMasagana sa EhiptoWalang PagkainDiyos na Maaring Patayin ang Kanyang BayanPalayok sa Pagluluto at Hapag KainanPagkamatay sa DisyertoDamoPagrereklamoGutomPalayok

At sinabi sa kanila ng mga anak ni Israel, Namatay na sana kami sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon sa lupain ng Egipto, nang kami ay nauupo sa tabi ng mga palyok ng karne, nang kami ay kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog; sapagka't kami ay inyong dinala sa ilang na ito, upang patayin ng gutom ang buong kapisanang ito.

651
Mga Konsepto ng TaludtodHamogPugoIbon, Uri ng mgaKampo ng Israel

At nangyari sa kinahapunan na ang mga pugo ay nagsiahon at tinakpan ang kampamento at sa kinaumagahan, ay nalalatag sa palibot ng kampamento ang hamog.

653
Mga Konsepto ng TaludtodApatnapung TaonAng Bilang Apatnapu40 hanggang 50 mga taon

At ang mga anak ni Israel ay kumain ng mana na apat na pung taon, hanggang sa sila'y dumating sa lupaing tinatahanan; sila'y kumain ng mana hanggang sa sila'y dumating sa mga hangganan ng lupain ng Canaan.

666
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon ng PagkainHindi Natagpuan

At nangyari sa ikapitong araw, na lumabas ang iba sa bayan upang mamulot, at walang nasumpungan.

667
Mga Konsepto ng TaludtodHamog na NagyeyeloMaliliit na mga BagayMalamig na Klima

At nang paitaas na ang hamog na nalalatag na, narito, sa balat ng ilang ay may munting bagay na mabilog at munti na gaya ng namuong hamog sa ibabaw ng lupa.

704
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapakita ng Diyos sa Lumang TipanUlap, Mahimalang Gamit sa mgaUlap, Presensya ng Diyos sa mgaTheopaniyaBanal na KapahayaganDiyos, Presensya ngKahatulan sa Ilang

At nangyari, pagkapagsalita ni Aaron sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sila'y tumingin sa dakong ilang, at, narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa ulap.

720
Mga Konsepto ng TaludtodKatiyakan, Batayan ngAgahanTakipsilimSa UmagaDiyos na Nagbigay Pansin sa Kanila

Aking narinig ang mga pagupasala ng mga anak ni Israel: salitain mo sa kanila, na iyong sasabihin, Sa kinahapunan ay kakain kayo ng karne, at sa kinaumagahan, ay magpapakabusog kayo ng tinapay; at inyong makikilala na ako ang Panginoon ninyong Dios.

758
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakakilala sa DiyosReklamoDiyos na NakikinigSa UmagaDiyos na Nagbigay Pansin sa KanilaPagmamaktol sa mga TaoAko ay Hindi MahalagaPagrereklamo

At sinabi ni Moises, Ito'y mangyayari, pagbibigay ng Panginoon sa inyo sa kinahapunan ng karne na makakain, at sa kinaumagahan ng pagkain, na makabubusog; sapagka't naririnig ng Panginoon ang inyong mga pagupasala na inyong iniuupasala laban sa kaniya: at ano kami? ang inyong mga pagupasala ay hindi laban sa amin, kundi laban sa Panginoon.

759
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwalhatian, Pahayag ngPagkakamali, MgaDiyos na NakikinigPagmamaktol sa mga TaoAko ay Hindi MahalagaPagrereklamo

At sa kinaumagahan, ay inyo ngang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon; sapagka't kaniyang naririnig ang inyong mga pagupasala laban sa Panginoon: at ano kami, na inyo kaming inuupasala?

768
Mga Konsepto ng TaludtodDobleng ManaAng Ikaanim na Araw ng LinggoAraw, Ikaanim na

At mangyayari sa ikaanim na araw, na sila'y maghahanda ng kanilang dala, na ibayo ng kanilang pinupulot sa araw-araw.

812

At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

878
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanDiyos na PanginoonPagkakakilala sa Diyos

At sinabi ni Moises at ni Aaron sa lahat ng mga anak ni Israel, Sa kinahapunan, ay inyong malalaman, na ang Panginoon ay siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto.

889
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, mga Pangyayari sa kanyang BuhayDiyos na NakikinigDiyos na Nagbigay Pansin sa Kanila

At sinabi ni Moises kay Aaron, Sabihin mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, Lumapit kayo sa harap ng Panginoon; sapagka't kaniyang narinig ang inyong mga pagupasala.