Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 34

Exodo Rango:

45
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabagoLubos na KaligayahanMoises, Kahalagahan niAwraTao na BumabagsakLiwanag sa Bayan ng DiyosDalawang Tapyas ng BatoKahangalan sa Totoo

At nangyari, nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, na dala ang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya, noong bumaba sa bundok ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya sa Dios.

372
Mga Konsepto ng TaludtodLiwanag sa Bayan ng DiyosPakikipagusap

At nakita ng mga anak ni Israel ang mukha ni Moises, na ang balat ng mukha ni Moises ay nagliliwanag: at inilagay uli ni Moises ang lambong sa ibabaw ng kaniyang mukha, hanggang sa siya'y makapasok na nakipagsalitaan sa Dios.

472
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakasala, Ugali ng Diyos laban saKaparusahan, Katangian ngHindi PagpapatawadMagulang, Kasalanan ngKasalanan ng mga MagulangMapagpatawad na Diyos

Na gumagamit ng kaawaan sa libolibo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan: at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak, at sa mga anak ng mga anak, hanggang sa ikatlo at ika apat na salin.

484
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno, Katangian ngAng Bilang ApatnapuTubigApatnapung ArawSampung BagayHigit sa Isang BuwanPagaayuno sa Mahabang PanahonItinakda ng Tipan sa SinaiAng Kautusan ay Ibinigay sa Pamamagitan ni Moises

At siya'y natira doong kasama ng Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig. At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sangpung utos.

514
Mga Konsepto ng TaludtodTheopaniyaDiyos na BumababaPagpapahayag sa Pangalan ng Diyos

At ang Panginoon ay bumaba sa ulap, at tumayong kasama niya roon at itinanyag ang pangalan ng Panginoon.

525
Mga Konsepto ng TaludtodDaliri ng DiyosDalawaKautusan, Sampung Utos saPinuno, Mga Pulitikal naKagamitanPagsusulatHinating BatoTinatabas ang BatoBato, Mga KasangkapangDalawang Tapyas ng BatoPaglabag sa Sampung UtosDiyos na Sumusulat Gamit ang Kanyang Daliri

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Humugis ka ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una: at aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas, na iyong sinira.

603
Mga Konsepto ng TaludtodPistahanPista ng mga LinggoPagdiriwang, MgaPag-AaniPentecostesLinggo, MgaTrigoPagsamba, Panahon ngTaon, MgaPista ng mga Linggo (Pentecostes)Panahon ng Taon

At iyong ipangingilin ang kapistahan ng mga sanglinggo, ang sa mga unang bunga ng pagaani ng trigo, at ang kapistahan ng pagaani sa katapusan ng taon.

609
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyadoPatibongMakamundong PatibongBabala hinggil sa Masamang KasamahanMasamang Bitag

Magingat ka, na huwag kang makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain na iyong pinaroroonan, baka maging isang silo sa gitna mo:

620
Mga Konsepto ng TaludtodHimala, Katangian ng mgaMisyon ng IsraelMakabayanPagkamanghaHimala na Nagpapakita ng Kapangyarihan ng Diyos, MgaMinamasdan ang mga Gawa ng DiyosTipan na ginawa sa Bundok sa SinaiDiyos na Dapat KatakutanNagtratrabaho para sa PanginoonTipan

At kaniyang sinabi, Narito, ako'y nakikipagtipan sa harap ng iyong buong bayan at gagawa ako ng mga kababalaghan, na kailan ma'y hindi ginawa sa buong lupa, o sa alin mang bansa: at ang buong bayan sa gitna ng iyong kinaroroonan ay makakakita ng gawa ng Panginoon, sapagka't kakilakilabot na bagay ang aking gagawin sa pamamagitan mo.

629
Mga Konsepto ng TaludtodPahayag sa Lumang TipanTipan na ginawa sa Bundok sa Sinai

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ang mga salitang ito: sapagka't ayon sa tunog ng mga salitang ito, ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel.

658
Mga Konsepto ng TaludtodJerusalem, Kasaysayan ngAng Panginoon ang Magpapalayas sa Kanila

Tuparin mo ang mga iniutos ko sa iyo sa araw na ito: narito, aking pinalalayas sa harap mo ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, at ang Jebuseo.

670
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay WakasBato, MgaPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasObelisko

Kundi inyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera.

741
Mga Konsepto ng TaludtodBahay ng DiyosGatasEkolohiyaBatang HayopHayop, Mga Ina naUnang Bunga

Ang pinakaunang bunga ng iyong lupa ay iyong dadalhin sa bahay ng Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.

784
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong HinuhubaranPagbati sa IbaPakikipagusap

Datapuwa't pagka si Moises ay pumapasok sa harap ng Panginoon upang makipagsalitaan sa kaniya, ay nagaalis siya ng lambong hanggang siya'y makalabas; at siya'y lumabas at kaniyang sinalita sa mga anak ni Israel ang iniutos sa kaniya;

790
Mga Konsepto ng TaludtodPagkain para sa Ibang DiyosPagkain na Alay sa mga Diyus-diyusanNananambahan sa mga Materyal na Bagay

Magingat ka; baka ikaw ay makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain, at sila'y sumunod sa kanilang mga dios, at magsipaghain sa kanilang mga dios, at ikaw ay alukin ng isa at kumain ka ng kanilang hain;

807
Mga Konsepto ng TaludtodPagdiriwang, MgaWalang Lebadurang TinapayLinggo, MgaLebaduraBuwan, UnangPitong ArawTuntunin para sa PaskuwaAnibersaryo ng mga Pista, AngAnibersaryo

Ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipangingilin. Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura na gaya ng iniutos ko sa iyo, sa takdang panahon sa buwan ng Abib: sapagka't sa buwan ng Abib, ay umalis ka sa Egipto.

808
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Sumasambang mgaTatlong Ulit sa Isang Taon

Makaitlo nga sa isang taon na haharap ang lahat ng iyong mga lalake sa Panginoong Dios, na Dios ng Israel.

821
Mga Konsepto ng TaludtodPananalangin para sa IbaMatigas ang UloLeeg, MgaSariling KaloobanDiyos na Sasama SaiyoDiyos na Nagpapatawad

At kaniyang sinabi, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, Oh Panginoon, ay ipahintulot nawa ng Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na pasa gitna namin; sapagka't isang bayang may matigas na ulo; at ipatawad mo ang aming kasamaan, at ang aming kasalanan, at ariin mo kaming iyong mana.

826
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aasawa, Mga Pagbabawal tungkolAsawang Babae, MgaPagaasawahanBayarang Babae

At iyong papag-asawahin ang iyong mga anak na lalake at kanilang mga anak na babae, at ang kanilang mga anak na babae ay sumunod sa kanilang mga dios at pasunurin ang inyong mga anak na sumunod sa kanilang mga dios.

836
Mga Konsepto ng TaludtodAsnoKorderoPantubosKatubusan sa Bawat ArawKalasinWalang Lamang KamayTuntunin tungkol sa Pagpatay sa mga Hayop

At ang panganay ng isang asno ay iyong tutubusin ng isang kordero: at kung hindi mo tutubusin ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg. Lahat ng panganay sa iyong mga anak ay iyong tutubusin. At walang lalapit sa harapan ko na walang dala.

841
Mga Konsepto ng TaludtodTapyas ng BatoBumangon, MaagangTinatabas ang BatoPapunta sa Taas ng BundokBato, Mga KasangkapangYaong mga Bumangon ng UmagaDalawang Tapyas ng Bato

At siya'y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una; at bumangon si Moises na maaga sa kinaumagahan, at sumampa sa bundok ng Sinai, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, at kinuha sa kaniyang kamay ang dalawang tapyas na bato.

872
Mga Konsepto ng TaludtodPaskuwaLebaduraNatitirang mga HandogTuntunin para sa Paskuwa

Huwag kang maghahandog ng dugo ng hain sa akin, na kasabay ng tinapay na may lebadura; o magtitira man ng hain sa kapistahan ng paskua hanggang sa kinaumagahan.

900
Mga Konsepto ng TaludtodHuling mga Salita

At pagkapagsalita sa kanila ni Moises ay naglagay siya ng isang lambong sa kaniyang mukha.

904
Mga Konsepto ng TaludtodNagliliwanag na MukhaTakot, Sanhi ngTakot sa Hindi MaintindihanNakatayo sa MalayoLiwanag sa Bayan ng DiyosTakot sa Isang Tao

At nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises, narito, ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag; at sila'y natakot na lumapit sa kaniya.

919
Mga Konsepto ng TaludtodMakabayanPagtustos ng DiyosTatlong Ulit sa Isang TaonDiyos na Nagtatakda ng HanggananAng Panginoon ang Magpapalayas sa Kanila

Sapagka't aking palalayasin ang mga bansa sa harap mo, at aking palalaparin ang iyong mga hangganan: at hindi pagnanasaan ng sinoman ang iyong lupain, pagka ikaw ay pumapanhik na humarap sa Panginoong iyong Dios, na makaitlo sa isang taon.

970
Mga Konsepto ng TaludtodBakahanPagaangkinInialay na mga BataMga Taong Nakatalaga sa Diyos

Yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata ay akin; at gayon din ang lahat ng hayop na lalake, ang panganay ng baka at ng tupa,

971
Mga Konsepto ng TaludtodPapunta sa Taas ng BundokPaghahanda para sa Pagkilos

At iyong ihanda sa kinaumagahan, at sumampa ka sa kinaumagahan sa bundok ng Sinai at humarap ka roon sa akin sa taluktok ng bundok.

1034
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Lumang TipanKautusan, Tagapagbigay ng

At pagkatapos, ang lahat ng mga anak ni Israel ay lumapit; at kaniyang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng utos ang lahat ng salita ng Panginoon na sinalita sa kaniya sa bundok ng Sinai.

1089
Mga Konsepto ng TaludtodGumagawang MagisaWalang Lamang mga Lugar

At sinomang tao ay huwag sasampang kasama mo, o makikita ang sinomang tao sa buong bundok; kahit ang mga kawan at ang mga bakahan ay huwag manginain sa harap ng bundok na yaon.

1141
Mga Konsepto ng TaludtodPagbati sa Iba

At tinawag sila ni Moises; at si Aaron at ang lahat ng puno sa Israel ay nagbalik sa kaniya: at si Moises ay nagsalita sa kanila.