Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 66

Isaias Rango:

377
Mga Konsepto ng TaludtodBangkay, Talinghagang GamitDiyos, Katarungan ngImpyerno sa Totoong KaranasanPaghihimagsik laban sa DiyosPanghihinayangKasalanan, Hatol ng Diyos saMakasalanan, MgaMga Taong Kinain ng UodUod, MgaApoy ng ImpyernoKaharian ng DiyosUod

At sila'y magsisilabas, at magsisitingin sa mga bangkay ng mga taong nagsisalangsang laban sa akin: sapagka't ang kanilang uod ay hindi mamamatay, o mamamatay man ang kanilang apoy; at sila'y magiging kayamutan sa lahat ng mga tao.

420
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheKarwahe ng DiyosKaparusahan ng DiyosGulong, MgaIpoipoDiyos na SumasakayMakalangit na KarwahePagpapakita ng Diyos sa ApoyApoy ng Galit ng DiyosDiyos na Galit sa mga BansaSasakyanBagyo, MgaAng Ikalawang PagpaparitoPagsaway

Sapagka't, narito, ang Panginoon ay darating na may apoy, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo; upang igawad ang kaniyang galit na may kapusukan, at ang kaniyang saway na may ningas ng apoy.

463
Mga Konsepto ng TaludtodPagmamahal sa mga Bagay ng Diyos

Kayo'y mangagalak na kasama ng Jerusalem, at mangatuwa dahil sa kaniya, kayong lahat na nagsisiibig sa kaniya: kayo'y mangagalak ng kagalakan na kasama niya, kayong lahat na nagsisitangis dahil sa kaniya:

499
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodBuwanBuwanAng Bagong NilalangPagyukod sa Harapan ng DiyosBagong SimulaNananambahan sa DiyosNananambahan ng SamasamaBagong ArawAng BuwanSangkatauhanNagdiriwang

At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap ko, sabi ng Panginoon.

501
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngPagtitipon sa Ibang mga BansaTao, Isipan ng

Sapagka't kilala ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pagiisip: ang panahon ay dumarating na aking pipisanin ang lahat na bansa at ang mga may iba't ibang wika; at sila'y magsisiparoon, at mangakikita ang aking kaluwalhatian.

521
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapaunladNatatanging mga PangyayariMuling Pagsilang

Sinong nakarinig ng ganyang bagay? sinong nakakita ng ganyang mga bagay? ipanganganak baga ang lupain sa isang araw? ilalabas bagang paminsan ang isang bansa? sapagka't pagdaramdam ng Sion, ay nanganak ng kaniyang mga anak.

584
Mga Konsepto ng TaludtodDugo ng SakripisyoKatubusan sa Lumang TipanKasiyahan, Masamang Uri ngDugo, Talinghaga na GamitAlaalaLugodKasuklamsuklam, Kasalanan ayPagpatay sa mga Pambahay na HayopBaboy, MgaInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ngPagpatay sa HandogPagsasagawa ng Butil na Handog sa DiyosKarne ng Baboy

Siyang pumapatay ng baka ay gaya ng pumapatay ng tao; siyang naghahain ng kordero ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso; siyang naghahandog ng alay ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy; siyang nagsusunog ng kamangyan ay gaya ng pumupuri sa isang diosdiosan. Oo, sila'y nagsipili ng kanilang sariling mga lakad, at ang kanilang kaluluwa ay nalulugod sa kanilang mga kasuklamsuklam na bagay;

589
Mga Konsepto ng TaludtodPanganganakBago pa langPagbubuntis

Bago siya nagdamdam, siya'y nanganak; bago dumating ang kaniyang paghihirap, siya'y nanganak ng isang lalake.

604
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang TagapagligtasKatanyaganPulo, MgaMisyon ng IsraelTanda mula sa Diyos, MgaMisyonero, Gawain ngMamamana sa isang HukboAfrikaNakaligtas sa mga Bansa, Mga

At ako'y maglalagay ng tanda sa gitna nila, at aking susuguin ang mga nakatanan sa kanila sa mga bansa, sa Tarsia, Pul, at Lud, na nagsisihawak ng busog, sa Tubal at Javan, sa mga pulong malayo na hindi nangakarinig ng aking kabantugan, o nakakita man ng aking kaluwalhatian; at sila'y mangagpapahayag ng aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa.

672
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamuhiKinamumuhiang mga BanalPagkamanghaMga Taong PinalayasNanginginigTakot sa Salita ng DiyosMga Taong KinamumuhianKahihiyan ay DaratingGalitMga Taong may Galit

Inyong pakinggan ang salita ng Panginoon, ninyong nanginginig sa kaniyang salita, Ang inyong mga kapatid na nangagtatanim sa inyo na nangagtatakuwil sa inyo dahil sa akin, nangagsabi, Luwalhatiin ang Panginoon, upang makita namin ang inyong kagalakan; nguni't sila'y mangapapahiya.

753
Mga Konsepto ng TaludtodKasaganahanPagluhodKapayapaan, IpinangakongTuhodJerusalem sa Milenyal na KaharianIlog, MgaKagalingan at KaaliwanKapayapaan at KaaliwanKapayapaan at LakasBaha, MgaPagpapala at KaunlaranKayamanan at KaunlaranDibdib

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y maggagawad ng kapayapaan sa kaniya na parang isang ilog, at ang kaluwalhatian ng mga bansa ay parang malaking baha, at inyong sususuhin yaon; kayo'y kikilikin, at lilibangin sa mga tuhod.

799
Mga Konsepto ng TaludtodMolaKaritonKabayo, MgaJerusalem, Ang Kabuluhan ngTamang mga HandogJerusalem sa Milenyal na KaharianPagbabagong-Lakas

At kanilang dadalhin ang lahat ninyong mga kapatid mula sa lahat na bansa na pinakahandog sa Panginoon, na nasasakay sa mga kabayo, at sa mga karo, at sa mga duyan, at sa mga mula, at sa mga maliksing hayop, sa aking banal na bundok na Jerusalem, sabi ng Panginoon, gaya ng pagdadala ng mga anak ni Israel ng kanilang handog sa malinis na sisidlan sa bahay ng Panginoon.

813
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamHardin, KaraniwangKasuklamsuklam, Seremonya ngBubwit, MgaBaboy, MgaPagtanggi sa KarnePagsasalaula ng KabanalanMga Taong NagwakasIpinagbabawal na PagkainKumakain ng KarneKarne ng Baboy

Silang nangagpapakabanal, at nangagpapakalinis na nagsisiparoon sa mga halamanan, sa likuran ng isa sa gitna, na nagsisikain ng laman ng baboy, at ng kasuklamsuklam, at ng daga; sila'y darating sa isang wakas na magkakasama, sabi ng Panginoon.

863
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Pagsisisi, Babala Laban saPagtanggi sa Panawagan ng DiyosPanawagan ng Diyos, Ilang TugonMaysala, Takot ngNananakotSumasagot na DiyosHindi Nagbibigay Lugod sa DiyosIba pa na Hindi SumasagotMatinding Kahibangan

Akin namang pipiliin ang kanilang mga kakutyaan, at dadalhan ko sila ng kanilang takot, sapagka't nang ako'y tumawag, walang sumagot; nang ako'y magsalita ay walang nakinig; kundi sila'y nagsigawa ng masama sa harap ng aking mga mata, at pinili ang hindi ko kinaluluguran.

976
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomKaparusahan ng DiyosDiyos na PumapatayApoy ng KahatulanDiyos, Pumapatay angDiyos, Espada ngKarne ng Baboy

Sapagka't sa pamamagitan ng apoy makikipagpunyagi ang Panginoon, at sa pamamagitan ng kaniyang tabak, sa lahat ng mga tao: at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.

1041
Mga Konsepto ng TaludtodKagantihanGantimpala ng DiyosDiyos, Bagay na Hinihingi ng

Ang ingay ng kagulo na mula sa bayan, ang tinig na mula sa templo, ang tinig ng Panginoon na naggagawad ng kagantihan sa kaniyang mga kaaway.

1075
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Galit ngDamoPangako ng KaligayahanKamay ng DiyosProbisyon para sa KatawanPangangalaga ng InaPagbabagong-Lakas

At inyong makikita, at magagalak ang inyong puso, at ang inyong mga buto ay giginhawang parang sariwang damo: at ang kamay ng Panginoon ay makikilala sa kaniyang mga lingkod, at siya'y magagalit laban sa kaniyang mga kaaway.

1085
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahanKahirapan, Kaaliwan sa Oras ngIna, MgaPagiging InaDibdib

Upang kayo'y makasuso at mabusog sa pamamagitan ng mga suso ng kaniyang mga kaaliwan; upang kayo'y makagatas, at malugod sa kasaganaan ng kaniyang kaluwalhatian.

1150
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging MaayosKaharian ng mga SaserdoteSaserdote, Mga

At sa kanila rin naman ako kukuha ng mga pinaka saserdote at mga pinaka Levita, sabi ng Panginoon.