Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 17

Jeremias Rango:

30
Mga Konsepto ng TaludtodDobleng Parusa

Mangapahiya sila sa nagsisiusig sa akin, nguni't huwag akong mapahiya; manganglupaypay sila, nguni't huwag akong manglupaypay; datnan sila ng araw ng kasakunaan, at ipahamak sila ng ibayong pagkapahamak.

53
Mga Konsepto ng TaludtodLabas Pasok

Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa pintuang-bayan ng mga anak ng bayan, na pinapasukan, at nilalabasan ng mga hari sa Juda, at sa lahat ng pintuang-bayan ng Jerusalem;

73

At iyong sabihin sa kanila, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga hari sa Juda, at ng buong Juda, at ng lahat na nananahan sa Jerusalem, na nagsisipasok sa pintuang-bayang ito:

101
Mga Konsepto ng TaludtodSabbath sa Lumang TipanPagkakaroon ng Bunga

Ganito ang sabi ng Panginoon, Mangagingat kayo sa inyong sarili, at huwag kayong mangagdala ng pasan sa araw ng sabbath, o mangagpasok man sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem;

107
Mga Konsepto ng TaludtodPasasalamat, HandogAng Sepela

At sila'y manganggagaling sa mga bayan ng Juda, at sa mga palibot ng Jerusalem, at sa lupain ng Benjamin, at sa mababang lupain, at sa mga bundok, at sa Timugan, na magdadala ng mga handog na susunugin, at ng mga hain, at ng mga alay, at ng kamangyan, at mangagdadala ng mga hain na pasalamat sa bahay ng Panginoon.

219
Mga Konsepto ng TaludtodSabbath, Pangingilin sa

Huwag din kayong maglabas ng pasan sa inyong mga bahay sa araw ng sabbath, o magsigawa man kayo ng anomang gawain: kundi inyong ipangilin ang araw ng sabbath, gaya ng iniutos ko sa inyong mga magulang.

286
Mga Konsepto ng TaludtodKarwaheAng Dinastiya ni David

Kung magkagayo'y magsisipasok sa mga pintuan ng bayang ito ang mga hari at mga prinsipe na nangauupo sa luklukan ni David, na nangakakaro at nangakakabayo, sila at ang kanilang mga pangulo, ang mga lalake ng Juda, at ang mga taga Jerusalem; at ang bayang ito ay mananatili magpakailan man.

323
Mga Konsepto ng TaludtodIpinagdiriwang na ArawSabbath, Pangingilin sa

At mangyayari, kung kayo'y mangakinig na maingat sa akin, sabi ng Panginoon, na huwag magpasok ng pasan sa mga pintuan ng bayang ito sa araw ng sabbath, kundi ipangilin ang araw ng sabbath, upang huwag gawan ng anomang gawain;

371
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamakasalanan ng TaoHindi Pagsisisi, Babala Laban saPagwawalang-BahalaPakikinigTugonTumatangging MakinigMatitigas na Ulo, Mga

Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig, at huwag makatanggap ng turo.

387
Mga Konsepto ng TaludtodSabbath sa Lumang TipanPagsunog sa JerusalemSabbath, Pangingilin sa

Nguni't kung hindi ninyo didinggin ako upang ipangilin ang araw ng sabbath, at huwag mangagdala ng pasan at pumasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y magsusulsol ako ng apoy sa mga pintuang-bayan niyaon, at pupugnawin niyaon ang mga palacio sa Jerusalem, at hindi mapapatay.

422
Mga Konsepto ng TaludtodPuyusanPaguukitDiyamanteSiningSungay, MgaInskripsyonBakalIsipan ng TaoTapyas ng BatoKagamitanPagsusulatMahahalagang BatoPagsusulat sa mga TaoBakal na mga Bagay

Ang kasalanan ng Juda ay nasulat ng panulat na bakal, at ng dulo ng diamante: nakintal sa kanilang puso, at sa mga sungay ng inyong mga dambana;

458
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakamali, MgaLupain bilang Kaloob ng DiyosKalugihanHindi Alam na mga BagayPagtalikod sa mga BagayNaglilingkod sa mga SamahanManaPagkakakilanlanKultura

At ikaw, sa makatuwid baga'y ang iyong sarili, mawawalaan ka ng iyong mana na ibinigay ko sa iyo; at paglilingkurin kita sa iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo nakikilala: sapagka't pinapagningas ninyo ang aking galit na magniningas magpakailan man.

480
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanMga Taong NakakaalalaNaglilingkod kay AserahPagsamba sa mga Puno

Habang naaalaala ng kanilang mga anak ang kanilang mga dambana at ang kanilang mga Asera sa tabi ng mga sariwang puno ng kahoy sa mga mataas na burol.

484
Mga Konsepto ng TaludtodPinabayaanTalikuran ang DiyosPagasa bilang TiwalaKahihiyanBatis ng TubigBalon, MgaMatalinghagang TagsibolKahatulan, Mga Nasusulat naKahihinatnan ng Pagtalikod sa DiyosTubig na Nagbibigay BuhayBalon, Talinghagang Gamit ngIsraelAbo

Oh Panginoon, na pagasa ng Israel, lahat na nagpapabaya sa iyo ay mapapahiya. Silang nagsisihiwalay sa akin ay masusulat sa lupa, sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, na bukal ng buhay na tubig.

497
Mga Konsepto ng TaludtodKulay, Berde naBatis ng TubigHindi Lilipas na BuhayAng Pinagmumulan ng BungaIlog, TabingTubig para sa HalamanMainit na PanahonBerdeTubig bilang Sagisag ng BuhayIlog, MgaOlibo, Puno ngPagkabalisa at TakotPagkabalisa

Sapagka't siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa tabi ng tubig, at naguugat sa tabi ng ilog, at hindi matatakot pagka ang init ay dumarating, kundi ang kaniyang dahon ay magiging sariwa; at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyu, o maglilikat man ng pagbubunga.

602
Mga Konsepto ng TaludtodMatataas na DakoKayamananHangganan

Oh aking bundok sa parang, aking ibibigay sa pagkasamsam ang iyong mga tinatangkilik sa lahat ng iyong lupa at ang lahat ng iyong mga kayamanan, at ang iyong mga mataas na dako, dahil sa kasalanan, sa lahat ng iyong hangganan.

646
Mga Konsepto ng TaludtodSantuwaryo

Ang maluwalhating luklukan, na naitaas mula nang pasimula, ay siyang dako ng aming santuario.

686
Mga Konsepto ng TaludtodKatatakutan sa DiyosPagiingat at KaligtasanTerorismo

Huwag maging kakilabutan sa akin: ikaw ang aking kanlungan sa araw ng kasakunaan.

705
Mga Konsepto ng TaludtodMasama, Inilalarawan BilangTuyong mga LugarNamumuhay sa IlangWalang Laman ang KaloobanMaasim, Pagiging

Sapagka't siya'y magiging gaya ng kugon sa ilang, at hindi makakakita pagka ang mabuti ay dumarating, kundi tatahan sa mga tuyong dako sa ilang, lupaing maalat at hindi tinatahanan.

725
Mga Konsepto ng TaludtodLabiKawalang-Pagasa

Sa ganang akin, ay hindi ako nagmadali sa pagpapakapastor sa pagsunod sa iyo; o ninasa ko man ang kaabaabang kaarawan: iyong nalalaman: ang lumabas sa aking mga labi ay nasa harap ng iyong mukha.