Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Judas 1

Judas Rango:

2
Mga Konsepto ng TaludtodLaban ng PananampalatayaMinsan LamangLahat ng Mananampalataya ay BanalAng Ebanghelyo ng KaligtasanPagsisikap

Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal.

3
Mga Konsepto ng TaludtodMinsanPaalala ng EbanghelyoMinsan LamangPag-aalinlangan sa DiyosDiyos na Pumapatay sa Kanyang BayanNasa Impyerno, MgaPaghihimagsik ni Satanas at ng mga AnghelPaggunitaHindi Pananalig sa Diyos

Ninanasa ko ngang ipaalaala sa inyo, bagama't nalalaman ninyong maigi ang lahat ng mga bagay, na nang mailigtas ng Panginoon ang isang bayan, sa lupain ng Egipto, ay nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya.

4
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging Ganap na KristyanoKatiyakan sa KaligtasanWalang PagkakamaliKakayahang TumindigPagtalikodKahinaan

Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.

6
Mga Konsepto ng TaludtodKarumihan, Pinagtutuunan ngSibikong TungkulinPaggalang sa mga nasa PamahalaanKawalan ng PamahalaanNakapanliligaw na Panaginip, MgaPaggalang sa Pamahalaan

Gayon ma'y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman, at hinahamak ang mga paghahari, at nilalait ang mga puno.

7
Mga Konsepto ng TaludtodKamatayan ng Di MananampalatayaKahayupanSibilisasyonBakla at TomboyWalang Hanggang KahatulanDalawang LungsodSeksuwal na Imoralidad, Parusa saBakla, MgaPagtatalikSeksuwal na ImoralidadPagiging Bakla

Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan.

8
Mga Konsepto ng TaludtodDemonyo, Kahatulan ng mgaAng Kahatulan ay TinawagWalang Hanggang KahatulanWalang Hanggang KahatulanTirahanMasamang mga AnghelLabas ng KadilimanTinataliTakdang AralinPaghihimagsik ni Satanas at ng mga AnghelPagkakaroon ng Magandang ArawKahatulan, Araw ng

At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.

9
Mga Konsepto ng TaludtodBalaam, Asno niAbel at CainNicolaitaPaghihimagsik ni Satanas at ng mga Anghel

Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core.

10
Mga Konsepto ng TaludtodKatutubong GawiPagkawasak ng mga MasamaHayop na Nagpapasuso, MgaKaisipan, Abuso sa

Datapuwa't ang mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait.

11
Mga Konsepto ng TaludtodKaramihanPagpapahayag ng PropesiyaPinangalanang mga Propeta ng PanginoonMga KasaKasama sa Ikalawang PagparitoHula sa Muling PagbabalikPropesiya Tungkol Sa

At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal,

12
Mga Konsepto ng TaludtodItimAstronomiyaGalit, MatindingKulay, Itim naKawalang PagasaAng Kapalaran ng MasamaLagalag, MgaAlonWalang Hanggang KahatulanBumulaDiyos, Iniingatan ngLabas ng KadilimanKahihiyan ay DumatingPaglalagalag

Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man.

13
Mga Konsepto ng TaludtodUlap, Talinghagang Gamit ngUgatAgape na PagibigHugutinAng Ikalawang KamatayanPagibig na Umiiral sa mga TaoPagibig, Pista ng

Ang mga ito'y pawang mga batong natatago sa inyong piging ng pagiibigan, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, mga pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili; mga alapaap na walang tubig, na tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat;

14

Nguni't kayo, mga minamahal, ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una'y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo;

15

Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama.

16
Mga Konsepto ng TaludtodNaghahambogReklamoPagrereklamo

Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.

17
Mga Konsepto ng TaludtodDaanan ng KasalananManlillibakKatapusan ng PanahonPagtanggi sa Huling mga ArawHuling OrasPagnanasaMapanlibak, Mga

Kung paanong sinabi sa inyo, Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita.

23
Mga Konsepto ng TaludtodArkanghelMiguel, ArkanghelPagtataloBangkay ng mga TaoDiyos na Humihingi sa KanilaAntas ng mga AnghelGabrielAkusa

Datapuwa't ang arkanghel Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, Sawayin ka nawa ng Panginoon.

25
Mga Konsepto ng TaludtodKapangyarihanPagsambaPamamahala

Sa iisang Dios na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.