Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Levitico 24

Levitico Rango:

302
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aasawa, Mga Pagbabawal tungkolPakikipaglaban sa Isa't IsaIna at Anak na Lalake

At ang anak na lalake ng isang babaing, Israelita na ang ama'y Egipcio, ay napasa gitna ng mga anak ni Israel: at nagbabag sa gitna ng kampamento ang anak ng babaing Israelita at ang isang lalake ni Israel.

366
Mga Konsepto ng TaludtodParusang KamatayanDayuhanPaglapastangan sa Pangalan ng DiyosMga Banyaga na Kasama sa KautusanTagubilin tungkol sa PagbatoParusang Kamatayan laban sa Bulaang Turo

At ang lumapastangan sa pangalan ng Panginoon ay papataying walang pagsala; walang pagsalang pagbabatuhanan siya ng buong kapisanan: maging taga ibang lupa o maging tubo sa lupain, ay papatayin pagka lumapastangan sa Pangalan ng Panginoon.

471
Mga Konsepto ng TaludtodAng Bilang na Labing DalawaTimbangan at PanukatTinapay na HandogPagluluto ng TinapayLabing Dalawang BagayIkasampung Bahagi ng mga Bagay-bagayEfa (Sampung Omer)

At kukuha ka ng mainam na harina, at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay: tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa't munting tinapay.

482
Mga Konsepto ng TaludtodPatas na HatolSinirang mga NgipinMata, Nasaktang mgaSugat

Bugbog kung bugbog, mata kung mata, ngipin kung ngipin: ayon sa kaniyang pagkasakit sa tao, ay gayon din ang gagawin sa kaniya.

487
Mga Konsepto ng TaludtodKamanyangAlaalaTinapay na Handog

At maglalagay ka sa bawa't hanay ng dalisay na kamangyan, upang ito'y maging paalaala na tinapay, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

498

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

517
Mga Konsepto ng TaludtodPamumusong, Halimbawa ngDiyos na PanginoonPaglapastangan sa Pangalan ng DiyosSinusumpa ang Diyos

At nilapastangan ng anak ng babaing Israelita ang Pangalan, at nilait: at siya'y kanilang dinala kay Moises, at ang pangalan ng kaniyang ina ay Selomith, na anak ni Dribi sa lipi ni Dan.

520
Mga Konsepto ng TaludtodLangisOlibo, MgaOlibo, Langis ngWalang HumpayLaging MasigasigLangis para sa Ilawan

Iutos mo sa mga anak ni Israel na dalhan ka ng langis na dalisay na oliva, na hinalo para sa ilawan, upang laging papagliyabin ang ilawan.

523
Mga Konsepto ng TaludtodSugat

At kung ang sinoman ay makasakit sa kaniyang kapuwa: ayon sa ginawa niya ay gayon ang gagawin sa kaniya;

537
Mga Konsepto ng TaludtodHentil sa Lumang TipanBanyaga, MgaDayuhan, Tungkulin ng MananampalatayaDayuhanMga Banyaga na Kasama sa KautusanAng Panginoon ay DiyosDayuhan sa IsraelDayuhan

Magkakaroon kayo ng isa lamang kautusan sa taga ibang bayan, na gaya sa tubo sa lupain: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.

563
Mga Konsepto ng TaludtodSabbath sa Lumang TipanTinapay na HandogSa Araw ng Sabbath

Sa bawa't sabbath ay aayusing palagi ang tinapay sa harap ng Panginoon; sa ganang mga anak ni Israel, na pinakatipang walang hanggan.

564
Mga Konsepto ng TaludtodKongregasyonParusang KamatayanKampo, Mga Hindi Malinis na Bagay saKaparusahan, Legal na Aspeto ngPagpapatong ng KamayMga Kamay sa mga UloLabas ng KampamentoPagpapatong ng Kamay para sa MasamaTagubilin tungkol sa Pagbato

Dalhin mo ang mapaglait sa labas ng kampamento; at ang lahat ng nakarinig sa kaniya ay magpatong ng kanilang mga kamay sa kaniyang ulo, at pagbatuhanan siya ng buong kapisanan.

609
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakaroon ng BungaSinusumpa ang DiyosKahihinatnanSumpa

At sasalitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Sinomang mapanungayaw sa kaniyang Dios ay magpapasan ng kaniyang sala.

648
Mga Konsepto ng TaludtodPatas na HatolTuntunin tungkol sa Pagpatay sa mga Hayop

At ang manakit ng malubha sa isang hayop ay magpapalit: hayop kung hayop.

664

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

719
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanHabang Panahon na BantayogTinapay na HandogPinahintulutang Kumain ng Pagkaing Alay

At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak; at kanilang kakanin sa dakong banal: sapagka't kabanalbanalang bagay sa kaniya sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy sa pamamagitan ng palatuntunang walang hanggan.

727
Mga Konsepto ng TaludtodOrdinansiyaTolda ng PagpupulongHabang Panahon na BantayogGumagawa, Magdamag na

Sa labas ng tabing ng kaban ng patotoo sa tabernakulo ng kapisanan, ay aayusing palagi ni Aaron, mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi.

755
Mga Konsepto ng TaludtodGintoIsinasaayosWalang HumpayLaging Masigasig

Kanyang aayusin lagi ang mga ilawan sa ibabaw ng kandelerong dalisay sa harap ng Panginoon.

769
Mga Konsepto ng TaludtodKampo, Mga Hindi Malinis na Bagay saParusang KamatayanBatuhinLabas ng Kampamento

At nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel at siya na nanglait ay inilabas nila sa kampamento, at siya'y pinagbatuhanan ng mga bato. At ginawa ng mga anak ni Israel, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

802
Mga Konsepto ng TaludtodTinapay na HandogAnim na mga Bagay

At ilalagay mong dalawang hanay, anim sa bawa't hanay, sa ibabaw ng dulang na dalisay sa harap ng Panginoon.

824
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabilanggoPagsasagawa ng PasyaPaghihintay hanggang sa Magasawa

At siya'y kanilang inilagay sa bilangguan hanggang sa ang hatol ay ipahayag sa kanila ng bibig ng Panginoon.