Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Marcos 15

Marcos Rango:

78
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ni Jesu-CristoMatatanda bilang Pinuno sa KomunidadMasamang Pasya, Halimbawa ngLubidGuro ng KautusanKomiteIbinigay si CristoPagsalungat kay Cristo mula sa mga EskribaAng Pagpupulong ng mga Punong SaserdoteTinatali

At pagdaka, pagkaumaga ay nangagsangusapan ang mga pangulong saserdote pati ng matatanda at mga eskriba, at ang buong Sanedrin, at ginapos si Jesus, at inilabas siya, at ibinigay siya kay Pilato.

97
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakita mula sa MalayoDistansyaLagay ng Loob

At mayroon din namang mga babae na nagsisitanaw mula sa malayo: na sa mga yao'y nangaroroon kapuwa si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago na bata at ni Jose, at si Salome;

121
Mga Konsepto ng TaludtodLikodKanayunanPasanin ang KrusPanlabas na PuwersaAng Krus

At kanilang pinilit ang isang nagdaraan, si Simon na taga Cirene, na ama ni Alejandro at ni Rufo, na nanggagaling sa bukid, upang sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus.

135
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanda ng PagkainSabbath, Pangingilin saPaghahanda

At nang kinahapunan, sapagka't noo'y Paghahanda, sa makatuwid baga'y ang araw na nauuna sa sabbath,

149
Mga Konsepto ng TaludtodKoronang TinikPulang-pulaPananamitBalabalTirintasLilang Kasuotan

At siya'y kanilang dinamtan ng kulay-ube, at nang makapagkamakama ng isang putong na tinik, ay ipinutong nila sa kaniya.

152
Mga Konsepto ng TaludtodPagtipon sa mga KawalMaharlikang SambahayanSundalo, Naging Trato kay Cristo ng Mga

At dinala siya ng mga kawal sa looban, na siyang Pretorio; at kanilang tinipon ang buong pulutong.

194
Mga Konsepto ng TaludtodCristo na Hari ng IsraelIpinahayag na Pagbati

At nagpasimula silang siya'y batiin, Aba, Hari ng mga Judio!

202
Mga Konsepto ng TaludtodTungkodPamamalo, MgaPamamalo kay JesusLawayHampasin ang mga Tao ng Tungkod

At sinaktan nila ang kaniyang ulo ng isang tambo, at siya'y niluluraan, at pagkaluhod nila, siya'y sinamba.

241
Mga Konsepto ng TaludtodKatalagahan, Espirituwal na PangyayariDinaramtan ang IbaMga Taong Hinuhubaran ang mga TaoLilang KasuotanPanlilibak kay CristoKasiyasiya

At nang siya'y kanilang malibak na, ay inalis nila sa kaniya ang kulay-ube, at isinuot sa kaniya ang kanyang mga damit. At siya'y kanilang inilabas upang ipako siya sa krus.

262
Mga Konsepto ng TaludtodPagtuturingKasulatan, Natupad naHindi Nakaabot sa BatayanKatuparanPagpako sa Krus

At natupad ang kasulatan, na nagsasabi: At siya'y ibinilang sa mga suwail.

270
Mga Konsepto ng TaludtodKilos at GalawNanlilibakPagkawasak ng mga TemploNapapailingPang-iinsulto kay CristoMuling Pagtatatag ng TemploAbuso

At siya'y inalipusta ng nagsisipagdaan na pinatatangotango ang kanilang mga ulo, at sinasabi, Ah! ikaw na iginigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itinatayo,

385
Mga Konsepto ng TaludtodCristo, Pagpapatawag niTauhang Propeta, Mga

At nang marinig ng ilang nangaroon, ay sinabi nila, Narito, tinatawag niya si Elias.

401
Mga Konsepto ng TaludtodSenturionPagsaksi, Kahalagahan ngMessias, Anak ng Diyos bilang Titulo ngAng KrusJesus, Kamatayan ni

At ang senturiong nakatayo sa tapat niya, nang makitang malagot ang hininga niya, ay kaniyang sinabi, Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios.

438
Mga Konsepto ng TaludtodPagaangkinJudio, Ang mgaPagkahari, Banal naPagtatanongPagsang-ayonSino si Jesus?Cristo na Hari ng IsraelJudio, Mga

At itinanong sa kaniya ni Pilato, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At pagsagot niya ay sinabi sa kaniya, Ikaw ang nagsasabi.

464
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Halimbawa ngPunong SaserdoteKawalang Kakayahan ni CristoPanlilibak kay CristoPagsalungat kay Cristo mula sa mga EskribaInililigtas ang SariliYaong Hindi Ligtas

Gayon din naman ang mga pangulong saserdote pati ng mga eskriba, siya'y minumura na nangagsasalitaan sila-sila na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas.

465
Mga Konsepto ng TaludtodKinaugalianMga Taong Pinapalaya ang Iba

Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian niya na pawalan sa kanila ang isang bilanggo, na kanilang hingin sa kaniya.

468
Mga Konsepto ng TaludtodAng PatayLibingTelaEmbalsamoLinoLibinganPaghuhukayIbinababang mga TaoLumiligidJesus, Libingan ni

At binili niya ang isang kayong lino, at pagkababa sa kaniya sa krus, ay binalot siya ng kayong lino at inilagay siya sa isang libingan na hinukay sa isang bato; at iginulong niya ang isang bato hanggang sa pintuan ng libingan.

471
Mga Konsepto ng TaludtodMessias, Hari ng mga Judio bilang Titulo ngCristo, Bumaba siDahilan ng Pananampalataya kay CristoCristo na Hari ng IsraelIpinakoPang-iinsulto kay CristoIba pa na Ipinako sa Krus

Bumaba ngayon mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, upang aming makita at sampalatayanan. At minumura siya ng mga kasama niyang nangapapako.

472
Mga Konsepto ng TaludtodKatapangan sa Harap ng mga TaoKaharian ng Diyios, Pagdating ngSanhedrinPaghihintayPaghihintay sa DiyosKatapangan, Halimbawa ngMessias, Pag-asang Hatid ngJesus, Bangkay niHindi Naghihina ang LoobYaong mga Naghihintay sa DiyosPanganib

Dumating si Jose na taga Arimatea, isang kasangguni na may marangal na kalagayan, na naghihintay rin naman ng kaharian ng Dios; at pinangahasan niyang pinasok si Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus.

495
Mga Konsepto ng TaludtodDaan sa Diyos, sa Pamamagitan ni CristoAng Tabing ay Napunit

At ang tabing ng templo ay nahapak na nagkadalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba.

509
Mga Konsepto ng TaludtodPagpako kay Jesu-CristoOrasPagpako sa Krus

At ikatlo na ang oras, at siya'y kanilang ipinako sa krus.

511
Mga Konsepto ng TaludtodPananamitPagkakataonPagpako kay Jesu-CristoPagpapahirapSugalCristo, Pinatay siHinati ang mga Ninakaw

At siya'y kanilang ipinako sa krus, at kanilang pinaghatihatian ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran, kung alin ang dadalhin ng bawa't isa.

517
Mga Konsepto ng TaludtodGamotAlakMiraHindi Umiinom ng AlakPampamanhidHalo Halong AlakHindi Umiinom ng AlakGamot, Mga

At siya'y dinulutan nila ng alak na hinaluan ng mirra: datapuwa't hindi niya tinanggap.

537
Mga Konsepto ng TaludtodKalbaryoBungo, MgaPagpapaliwanag ng WikaPagpako sa Krus

At siya'y kanilang dinala sa dako ng Golgota, na kung liliwanagin ay, Ang dako ng bungo.

566
Mga Konsepto ng TaludtodKriminalPagkabilanggoPaghihimagsik laban sa Pamahalaan ng TaoBarabasHinatulan bilang Mamamatay Tao

At mayroong isa na kung tawagin ay Barrabas, na nagagapos na kasama ng nangaghimagsik, mga taong nagsipatay ng mga tao sa panghihimagsik.

571
Mga Konsepto ng TaludtodAlakTauhang Nagsisipagtakbuhan, MgaIbinababang mga TaoSukaTauhang Propeta, Mga

At tumakbo ang isa, at binasa ng suka ang isang espongha, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y ibaba.

578
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatanong ng Partikular na BagayIba pang IpinapatawagAng Katotohanan ng Kamatayan ni CristoSurpresa

At nanggilalas si Pilato kung siya'y patay na: at nang mapalapit niya sa kaniya ang senturion, ay itinanong niya sa kaniya kung malaon nang patay.

579
Mga Konsepto ng TaludtodKababaihanPagbabantay kay Cristo

At tinitingnan ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan siya nalagay.

580
Mga Konsepto ng TaludtodPaghagupitKatawan ni Cristo, Pisikal na PaghihirapParusang KamatayanKahihiyanKaparusahan, Legal na Aspeto ngPamimilit ng BarkadaBarabasPahirapanLatigoIbinigay si CristoPamamalo kay JesusPaghagupitMga Taong Pinalaya ng mga TaoPagpako sa Krus

At sa pagkaibig ni Pilato na magbigay-loob sa karamihan, ay pinawalan sa kanila si Barrabas, at ibinigay si Jesus, pagkatapos na siya'y mahampas niya, upang siya'y ipako sa krus.

590
Mga Konsepto ng TaludtodPunong SaserdoteAkusa

At isinakdal siya sa maraming bagay ng mga pangulong saserdote.

603
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunod kay Jesu-CristoPagmiministeryo

Na, nang siya'y nasa Galilea, ay nagsisunod sila sa kaniya, at siya'y pinaglilingkuran nila; at mga iba pang maraming babae na nagsiahong kasama niya sa Jerusalem.

615
Mga Konsepto ng TaludtodPanghihikayatInudyukan sa KasamaanKorap na mga SaserdoteBarabasMga Taong Pinalaya ng mga Tao

Datapuwa't inudyukan ng mga pangulong saserdote ang karamihan, na si Barrabas na muna ang siya niyang pawalan sa kanila.

622
Mga Konsepto ng TaludtodCristo na Hari ng Israel

At sumagot na muli si Pilato at sa kanila'y sinabi, Ano nga ang aking gagawin sa inyong tinatawag na Hari ng mga Judio?

628
Mga Konsepto ng TaludtodTalumpati, Kapangyarihan at Kahalagahan ngPagkamangha kay Jesu-CristoCristo, Katahimikan ni

Datapuwa't si Jesus ay hindi na sumagot ng anoman; ano pa't nanggilalas si Pilato.

637
Mga Konsepto ng TaludtodIba pa na Hindi Sumasagot

At muling tinanong siya ni Pilato, na sinasabi, Hindi ka sumasagot ng anoman? tingnan mo kung gaano karaming bagay ang kanilang isinasakdal laban sa iyo.

648
Mga Konsepto ng TaludtodCristo na Hari ng IsraelMga Taong Pinapalaya ang Iba

At sinagot sila ni Pilato, na sinasabi, Ibig baga ninyo na pawalan ko sa inyo ang Hari ng mga Judio?

651
Mga Konsepto ng TaludtodKaramihang Naghahanap

At nagsipanhik ang karamihan at nangagpasimulang hingin sa kaniya na sa kanila'y gawin ang gaya ng sa kanila'y laging ginagawa.

653
Mga Konsepto ng TaludtodGrupong Nagsisigawan

At sila'y muling nagsigawan, Ipako siya sa krus.

655
Mga Konsepto ng TaludtodGrupong NagsisigawanAnong Kasalanan?

At sinabi sa kanila ni Pilato, Bakit, anong masama ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nagsigawan, Ipako siya sa krus.

669
Mga Konsepto ng TaludtodJesus, Bangkay niAng Katotohanan ng Kamatayan ni Cristo

At nang matanto niya sa senturion, ay ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose.