Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 10

Mga Hukom Rango:

17
Mga Konsepto ng TaludtodPaligsahan

At sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel, Di ba pinapaging laya ko kayo sa mga taga Egipto, at sa mga Amorrheo, sa mga anak ni Ammon, at sa mga Filisteo?

30

Ang mga Sidonio man, at ang mga Amalecita, at ang mga Maonita ay pumighati rin sa iyo; at kayo'y dumaing sa akin, at pinapaging laya ko kayo sa kanilang mga kamay.

58
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang RelihiyonKawalanPanunuyaNananalangin ng MaliPaligsahan

Kayo'y yumaon at dumaing sa mga dios na inyong pinili; palayain kayo nila sa panahon ng inyong kapighatian.

65
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Paghihirap ngPagtalikod sa mga BagayIbinababang mga Diyus-diyusanPaligsahan

At kanilang inihiwalay ang mga dios ng iba sa kanila, at naglingkod sa Panginoon: at ang kaniyang kaluluwa ay nagdalamhati dahil sa karalitaan ng Israel.

74
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon

Nang magkagayon ang mga anak ni Ammon ay nagpipisan, at humantong sa Galaad. At ang mga anak ni Israel ay nagpipisan, at humantong sa Mizpa.

79
Mga Konsepto ng TaludtodUnang LumabanPakikipaglaban sa mga KaawayPaligsahan

At ang bayan, at ang mga prinsipe sa Galaad, ay nagsangusapan, Sinong tao ang magpapasimulang lumaban sa mga anak ni Ammon? siya'y magiging pangulo ng lahat na taga Galaad.

104
Mga Konsepto ng TaludtodTalikuran ang DiyosPagiging PinabayaanHindi Tapat sa DiyosIba't ibang mga Diyus-diyusanPaligsahan

Gayon ma'y pinabayaan ninyo ako, at kayo'y naglingkod sa ibang mga dios: kaya't hindi ko na kayo palalayain.

140
Mga Konsepto ng TaludtodPagsagipKami ay NagkasalaPaligsahan

At sinabi ng mga anak ni Israel sa Panginoon, Kami ay nagkasala: gawin mo sa amin anomang iyong mabutihin; isinasamo namin sa iyo, na iligtas mo lamang kami sa araw na ito.

155
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanPagsamba kay Baal, Kasaysayan ngPoliteismoNaglilingkod kay AserahPagkakasala ng Bayan ng Diyos

At ginawa uli ng mga anak ni Israel ang kasamaan sa paningin ng Panginoon, at naglingkod sa mga Baal, at kay Astaroth, at sa mga dios sa Siria, at sa mga dios sa Sidon, at sa mga dios sa Moab, at sa mga dios ng mga anak ni Ammon, at sa mga dios ng mga Filisteo; at pinabayaan nila ang Panginoon, at hindi naglingkod sa kaniya.

165
Mga Konsepto ng TaludtodSanggalangPagsagipTribo ng IsraelMga Lolo

At pagkamatay ni Abimelech ay bumangon doon, upang magligtas sa Israel, si Tola na anak ni Pua, na anak ni Dodo, na lalake ng Issachar; at siya'y tumahan sa Samir sa lupaing maburol ng Ephraim.

187
Mga Konsepto ng TaludtodLikodTatlumpuMga Pangalan Hanggang sa Araw na ItoNapakaraming Asno

At siya'y may tatlong pung anak na sumasakay sa tatlong pung asno, at sila'y may tatlong pung bayan na tinatawag na Havot-jair hanggang sa araw na ito, na nangasa lupain ng Galaad.

208
Mga Konsepto ng Taludtod20 hanggang 30 mga taonHumahatol sa Israel

At pagkamatay niya'y bumangon si Jair, na Galaadita; at siya'y naghukom sa Israel na dalawang pu't dalawang taon.

235
Mga Konsepto ng Taludtod20 hanggang 30 mga taonHumahatol sa Israel

At siya'y naghukom sa Israel na dalawang pu't tatlong taon; at namatay, at inilibing sa Samir.

262

At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at ipinagbili niya sila sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng mga anak ni Ammon.

268
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaSinasalakay

At ang mga anak ni Ammon ay tumawid sa Jordan upang lumaban naman sa Juda, at sa Benjamin, at sa sangbahayan ni Ephraim; na ano pa't ang Israel ay totoong pinapaghinagpis.

281

At namatay si Jair, at inilibing sa Camon.

294
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakumbinsi ngunit walang PagsisisiKasalanan, Kalikasan ngKami ay Nagkasala

At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, na sinasabi, Kami ay nagkasala laban sa iyo, sapagka't aming pinabayaan ang aming Dios, at kami ay naglingkod sa mga Baal.

299
Mga Konsepto ng TaludtodSilangan15 hanggang 20 mga taonLampas sa JordanPanliligalig

At kanilang pinahirapan at pinighati ang mga anak ni Israel nang taong yaon: labing walong taong pinighati ang lahat ng mga anak ni Israel na nangasa dako roon ng Jordan sa lupain ng mga Amorrheo, na nasa Galaad.