Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Nehemias 8

Nehemias Rango:

1
Mga Konsepto ng TaludtodPistahanPagiging PinagpalaPaglilibang at Pagpapalipas ng OrasPagibig, Pista ngPangako ng KaligayahanKumakain sa Harapan ng DiyosNauupo sa KalumbayanHuwag TumangisDiyos na ating LakasAlkohol, Mga Inuming mayKagalakanKalakasan sa KagipitanPagasa at LakasPagdiriwangPagkakaroon ng Magandang ArawPagiging Masaya sa BuhayKalakasanNagdiriwangPalakaibigan

Nang magkagayo'y kaniyang sinabi sa kanila, Magsilakad kayo ng inyong lakad, magsikain kayo ng taba, at magsiinom kayo ng matamis; at mangagpadala kayo ng mga bahagi roon sa walang naihanda: sapagka't ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon: huwag din kayong mangamanglaw; sapagka't ang kagalakan sa Panginoon ay inyong kalakasan.

3
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Lumang TipanTaglagasBuwan, IkapitongPinangalanang mga TarangkahanAklat ng KautusanPagtitipon

At ang buong bayan ay nagpipisan na parang isang lalake sa luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig; at sila'y nangagsalita kay Ezra na kalihim, na dalhin ang aklat ng kautusan ni Moises, na iniutos ng Panginoon sa Israel.

6
Mga Konsepto ng TaludtodGobernadorEskribaPagtangisHuwag TumangisBanal na mga Panahon

At si Nehemias na siyang tagapamahala, at si Ezra na saserdote na kalihim, at ang mga Levita na nangagturo sa bayan, ay nangagsabi sa buong bayan: Ang araw na ito ay banal sa Panginoon ninyong Dios; huwag kayong magsitaghoy, ni magsiiyak man. Sapagka't ang buong bayan ay umiyak, nang kanilang marinig ang mga salita ng kautusan.

26
Mga Konsepto ng TaludtodKumain at UmiinomKaunawaan sa Salita ng Diyos

At ang buong bayan ay yumaon ng kanilang lakad na nagsikain at nagsiinom at nangagpadala ng mga bahagi, at nangagsayang mainam sapagka't kanilang nabatid ang mga salita na ipinahayag sa kanila.

28
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag TumangisBanal na mga Panahon

Sa gayo'y napatahimik ng mga Levita ang buong bayan, na sinasabi, Kayo'y magsitahimik, sapagka't ang kaarawan ay banal; ni huwag man kayong mamanglaw.

32
Mga Konsepto ng TaludtodPistahanBuwan, Ikapitong

At kanilang nasumpungang nakasulat sa kautusan, kung paanong iniutos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises, na ang mga anak ni Israel ay magsitahan sa mga balag sa kapistahan ng ikapitong buwan:

40
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, Ikapitong

At nang ikalawang araw ay nagpipisan ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng buong bayan, ang mga saserdote, at ang mga Levita, kay Ezra na kalihim, upang makinig sa mga salita ng kautusan.

41
Mga Konsepto ng TaludtodPatyoKabahayan, MgaBubongSa Tuktok ng BahayPinangalanang mga Tarangkahan

Sa gayo'y lumabas ang bayan, at nangagdala sila, at nagsigawa ng mga balag, bawa't isa'y sa bubungan ng kaniyang bahay, at sa kanilang mga looban, at sa mga looban ng bahay ng Dios, at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng tubig, at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng Ephraim.

52
Mga Konsepto ng TaludtodMga Sanga, Uri ng mgaOlibo, MgaMga Bunga at DahonMirto

At kanilang ihahayag at itatanyag sa lahat ng kanilang mga bayan, at sa Jerusalem, na sasabihin: Magsilabas kayo sa bundok, at magsikuha kayo ng mga sanga ng olibo, at ng mga sanga ng olibong gubat, at ng mga sanga ng mirto, at mga sanga ng palma, at mga sanga ng mga mayabong na punong kahoy, upang magsigawa ng mga balag, gaya ng nakasulat.

66
Mga Konsepto ng TaludtodKongregasyonLinggo, MgaAraw-araw na TungkulinAraw, IkawalongPitong ArawPagbabasa ng Kasulatan

Gayon din naman araw-araw, mula sa unang araw hanggang sa huling araw, kaniyang binasa ang aklat ng kautusan ng Dios. At kanilang ipinagdiwang ang kapistahan na pitong araw; at sa ikawalong araw ay takdang kapulungan, ayon sa ayos.

129
Mga Konsepto ng TaludtodKagalakanNatatanging mga PistaPanahon ng mga Tao

At ang buong kapisanan nila na bumalik na mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga balag, at tumahan sa mga balag: sapagka't mula ng mga araw ni Josue na anak ni Nun hanggang sa araw na yaon ay hindi nagsigawa ang mga anak ni Israel ng gayon. At nagkaroon ng totoong malaking kasayahan.

151
Mga Konsepto ng TaludtodPunong Saserdote sa Lumang TipanKabanalan bilang Ibinukod sa DiyosLiterasiyaBuwan, Ikapitong

At dinala ni Ezra na saserdote ang aklat ng kautusan sa harap ng kapisanan, na mga lalake at mga babae, at lahat na makadidinig na may kaalaman nang unang araw ng ikapitong buwan.

171
Mga Konsepto ng TaludtodKilos at GalawKasunduan, Sa Harapan ng DiyosPagyukodPagpupuri, Halimbawa ngPagpupuri, Dahilan ngPagpapatirapaTugonPagsamba, Mga Lugar ngPagyukod ng Ulo sa Harapan ng DiyosPagtataas ng KamayAmenEspisipikong Lagay ng Pagpupuri sa DiyosPapuri at PagsambaPagsamba

At si Ezra ay pumuri sa Panginoon, na dakilang Dios. At ang buong bayan ay sumagot: Siya nawa, Siya nawa, na may pagtataas ng kanilang mga kamay: at kanilang iniyukod ang kanilang mga ulo, at nagsisamba sa Panginoon na ang kanilang mga mukha'y nakatungo sa lupa.

213
Mga Konsepto ng TaludtodIkaapat na Bahagi

Si Jesua naman, at si Bani, at si Serebias, at si Jamin, si Accub, si Sabethai, si Odias, si Maasias, si Celita, si Azarias, si Jozabed, si Hanan, si Pelaia, at ang mga Levita, ay nangagpakilala sa bayan ng kautusan; at ang bayan ay nakatayo sa kanilang dako.

234
Mga Konsepto ng TaludtodLiwaywayTanghaliBibliya, Katawagan saPinangalanang mga TarangkahanPagbabasa ng Biblia

At binasa niya roon sa harap ng luwal na dako na nasa harap ng pintuang-bayan ng tubig, mula sa madaling araw hanggang sa katanghaliang tapat sa harapan ng mga lalake at mga babae, at ng makakaalam: at ang mga pakinig ng buong bayan ay nakikinig sa aklat ng kautusan.

237
Mga Konsepto ng TaludtodNakatayoKahoyKatuwang, MgaTamang PanigKaliwang bahagi ng Kamay

At si Ezra na kalihim ay tumayo sa pulpitong kahoy, na kanilang ginawa sa panukalang ito; at sa tabi niya ay nakatayo si Mathithias, at si Sema, at si Anaias, at si Urias, at si Hilcias, at si Maasias, sa kaniyang kanan; at sa kaniyang kaliwa, si Pedaias, at si Misael, at si Malchias, at si Hasum, at si Hasbedana, si Zacharias, at si Mesullam.

243
Mga Konsepto ng TaludtodGawa ng Pagbubukas, AngBinubuksang mga DokumentoMga Taong BumabangonPagbabasa ng Biblia

At binuksan ni Ezra ang aklat sa paningin ng buong bayan; (sapagka't siya'y nasa mataas sa buong bayan;) at nang kaniyang buksan, ang buong bayan ay tumayo:

312
Mga Konsepto ng TaludtodKaunawaanPagbabasa ng KasulatanPagbabasa ng Biblia

At sila'y nagsibasa sa aklat, sa kautusan ng Dios, na maliwanag; at kanilang ibinigay ang kahulugan, na anopa't kanilang nabatid ang binasa.